- Frans -
May mga bagay talaga at pangyayari na ang hirap hanapan ng paliwanag. Ang nangyari kahapon ay isa na.
Is it possible that within a less than an hour of talk with a stranger, na ang alam mo lang ay ang pangalan niya ay may maramdaman kang kakaiba?
Sa tagal ko namang nabubuhay sa mundo at nakahalubilo ng samo't saring mga tao ay never akong nag kaganito. Yung pakiramdam mo na gusto mo siyang palaging kausap, na gusto mo magpapansin at gusto mo mapalapit sa kanya at makilala siya ng buo.
Alam ko na hindi ko dapat gawin ang nasa isip ko. Kaya nga ako nandito sa hindi kilalang bayan o lugar diba, para walang makakilala sa akin at maaaring magturo kung nasaan ako. Nang tumakas ako sa lugar na yun alam ko na hahanapin nila ako, maging ang anino ko ay kilala nila and they will never stop unless mahuli nila ako.
Anyway bahala naman sila.
The question is, willing ba ako na i risk ang lahat ng ginawa kong pagtatago para sa kanya?.
My mind tell me to not do it but at the back of it at lahat ng cells ko sa katawan craves to see her. I know I shouldn't but I have and I want to. So here I am pumunta ako sa San Mateo praying na maging matagumpay ang paghahanap ko sa kanya.
The cue here? PAGHAHANAP, oh yes i'm going to search for her.
Dala lang ang ilang damit at gamit ay nilisan ko ang san martin at tumungo sa san mateo. Pagkababa ko ng bus ay agad kong iginala ang aking mga mata. Wala naman halos tao ngayon dito kasi mga tanghali na. Siguro nasa kani kanilang mga bahay pa at kumakain ng pananghalian.
For you to visualise the place. Maalikabok, yung kalsada hindi pa totally gawa so may mga lubak lubak (yung hindi pantay ang daan at may ukab). Wala ditong mall kasi malayo sa kabihasnan, ang meron lang ay mangilan ngilang mga talipapa at tindahan. May medyo katamtaman din namang laki na grocery store. Tapos may mga karinderya, at may kapehan din naman. Hindi naman ganun kabongga pero pwede na rin pagtyagaan.
Naglakad lakad ako sa initan. Nakasuo ng balabal lang at naka mahabang manggas. Ang kayumanggi ko na nga bka maging negra pa ako sa init. tsk!
Kakahiya naman kay hana, ang puti niya kasi parang may kaya sa buhay that's why napapaisip ako kung anong ginagawa niya sa lugar na ganito. Mala porselanang kutis, branded na kasuotan, pati pabango amoy mamahalin, ang bango ay parang nanunuyot sa kaluluwa.
Dahil nagugutom na rin ako ay tumungo na ako sa kainan. Almost 2 hours ko na siyang hinahanap ang lagkit na ng pakiramdam ko at uhaw na din, need some refreshment. Bigat pa ng bag ko hay naku ang buhay!
Pagpasok ko sa kainan ay hindi ko inaasahan ang taong nasa counter at umoorder din. Sino pa ba, ang kanina ko pa hinahanap - si hana. Napatalon ang puso ko sa saya agad din napawi ang uhaw at nawala ang pagod gawa sa mahabang paglakad.
May pag iingat akong lumapit. Tinuturo niya ang adobo at kanin nang ako'y makisali.
'' gawin niyo na pong dalawa yung order ''
Gulat na lumingon si hana sa akin, nanlaki ang mga mata niya. Kulay tsokolate pala ang mga ito at ang buhok niya ay medyo curly sa dulo. Naka lugay kasi siya this time. May balabal din ito sa balikat at nakamahabang damit at pants. (meant to be talaga kami😆).
'' h..hi? '' punong puno ng pagtataka ang kanyang boses.
Hindi ko napigilang mangiti. Nasilayan ko na naman kasi ang maganda nitong mukha.
- Hana -
Hindi ko maitago ang aking kaba ng makita ko siyang muli, ang babaeng hindi nagpatahimik sa akin kagabi. Nakailang inom na ako ng gatas pati bilang ng tupa pero hindi man lang ako dalawin ng antok. Hanggang sa umagahin na ako kakaisip sa kanya.
BINABASA MO ANG
Isang Linggong Pag-ibig (gxg)
RomanceIt was started with a '' hi '' and '' hello '' and then Our roller coaster ride of love for A WEEK began. Started : Feb. 3 , 2019 Ended : Feb. 13, 2019