- Hana -
Umikot muna ako ng isa pakaliwa sa kama at tiningnan ang orasan sa lamesita. Alas nuebe na pala ng umaga. Tirik na ang araw at maingay na din sa labas, may mga sumisigaw at busina ng sasakyan.
'' ale bili bili na kayo, sariwa pa at bilasa!!! '' sigaw ng isa na nagtitinda ng isda.
'' ANO BA ANG TAGAL MO GUMAYAK MAHUHULI NA TAYO!!! '' sigaw naman ng isang boses lalaki na mukhang galit na sa kung sino man ang kanyang kasama.
Kinuha ko ang unan sa katabi at mahigpit na niyakap. Naalala ko bigla yung napanaginipan ko kagabi.
Naglalakad daw ako sa isang hardin, may kasama ako hindi ko alam kung sino, malabo kasi ang rehistro niya dun. What I've saw was her (oo babae) smile at ang kanyang amoy na kaamoy ni frans - amoy baby, na parang cake?! urgh... (bango).
Basta naglalakad lang kami at hindi nag uusap. Sapat na sa akin yung magkahawak kami ng kamay. Mula umpisa hanggang wakas ng panaginip ko yun lang ang nangyaring kaganapan. Ang boring diba, pero ewan ba pero yun ang the best dream ko na maituturing.
Para pa akong batang paikot ikot sa kama ng ako'y may naamoy. Amoy sinangag. Bumangon na ako at lumabas pero bago yun bumisita muna ako sa salamin para makita ang aking hitsura. Alam mo na baka may morning stars and all things that can be seen in the galaxy. Kakahiya naman sa bisita.
'' goodmorning!!!! '' wagas na pagbati ni frans.
Nakakahawa ang ngiti nito kaya napangiti na din ako.
'' goodmorning din '' bati ko pabalik.
Ang seksi niya, naka shorts lang siya at nakasando. Naalala ko pa yung nangyari na pagbungguan ng hinaharap namin ng mapadako ang mata ko sa dibdib niya. Napasinghap ako ng mahina. Ang aga aga iba ang naiisip ko, letse talaga.
'' Done checking me out? '' tatawa tawa nitong sabi.
Para maitago ang pagkapahiya ko ay nag isip ako ng palusot.
'' sino naman ichi-check ko? ang katawan mo? like duh? The last time I checked wala naman akong aircon dito pero medyo humangin ata. '' I pout my lips at umirap para may mas dating at kapani paniwala.
'' pwede mo naman aminin eh ''
'' wala akong aaminin, excuse me ''
Pilit ko itinatago ang pagkapula ng mga pisngi ko pero may sa matang lawin itong isa at agad niyang napansin.
'' ah kaya pala ang pula mo noh '' may kantyaw niyang turan, ngumisi na naman siya.
Kakaloka talaga ito si frans. Ganun ba ako kahalata???
'' halika na nga kain ka na ''
'' anong kakainin ko??? '' mas namula pa ata ako dahil ang nasa isip ko talaga ay iba.
Horny much ang aga aga tsk!
'' malamang itong niluto ko, meron pa bang iba? '' sinayaw sayaw niya ang kilay niya.
Napapalunok na ako ng aking laway napakalakas na temtasyon nitong kaharap ko. Hindi naman ako ganito dati kahit naka bikini pa ang mga kaibigan ko, sa lalaki pa rin ako napapatingin especially sa mga pandesal nila at yung pa V sa bandang pababa na (alam niyo yun? basta yung parang extension ng singit nila😏). Pero sa kanya, kay frans yung butil lang ng pawis sa noo niya at yung tumutulo papasok sa kanyang sando.
haaayy ang iniiiitttt!!!!!!!!!!!!
Mukhang na corner niya ako at wala na akong kawala, mabuti na lang at tumunog ang phone ko. Agad ko sinagot ang tawag.
'' Hello frank??? '' bungad ko. Mukhang may problema ang kaibigan ko kaya lumayo ako ng saglit sa posisyon ni frans.
- Frans -
Nagwawala ang buo kong katawan ng makita ko how she was affected by my presence. Pero agad itong nawala ng marinig ko siyang may binanggit na pangalan.
Frank??? isang letra lang pinag kaiba namin. Boyfriend niya kaya yun??? hayy ang sakit naman, parang may tumusok sa dibdib ko.
So hindi na ba ako aasa? pero bakit nga ba ako aasa? hindi ko pa nga sigurado ang nararamdaman ko eh. Sabagay wala naman kasi talagang malinaw sa buhay ko. At kahit ata ang maging masaya hanggang dulo ay hindi ko magagawa.
Kumakain na ako ng bumalik si hana. Umupo siya katapat ko at nagsimula na rin na kumain.
'' ang tahimik mo ata, nawalan ka na ng baterya? '' biro niya.
'' ayaw ko lang ng madaldal kapag kumakain ''
Sinabi ko talaga yun para matahimik din siya, ayaw ko kasing malaman na baka boyfriend niya talaga yung frank na yun.
'' ganun ba? sige tatahimik na din ako ''
Nagpatuloy kami sa pagkain. Natapos na kami at lahat ngunit wala pa rin nagsasalita ni isa sa amin. Kinuha ko na yung pinagkainan niya.
'' ako na '' sabi niya.
'' nope kaya ko na 'to isa pa parang ito na lang yung magagawa ko sa pagpapatuloy mo sa akin '' sagot ko na hindi pa rin tumitingin sa kanya.
'' frans may problema ba? '' ang amo ng kanyang boses. Yung parang dinuduyan ako at may marahan at banayad na hangin na humahaplos sa aking mukha. Napakaganda rin pakinggan ng kanyang boses.
Ang arte ko naman pero hindi ko mapigilan. I think I am jealous na dapat naman ay hindi ko maramdaman.
'' Huh? wala naman bakit? ''
Tumalikod na ako sa kanya at dumiretso sa lababo. Nagsimula na akong maghugas. Bigla naman siyang lumapit at tumayo katabi ko. Hinawakan niya ang braso ko at napasigaw ako ng ubod lakas.
'' AAWWWWWW!!!!!! ''
Napasigaw din siya '' BAKIIIITTTT???? ''
'' may kuryente ka '' hinipo ko yung braso ko ng basang kamay.
'' naramdaman mo din??! '' tanong niya.
'' Oo eh ''
'' sorry ano ba yun bakit may spark ''
Sheeeet hahaha may spark. Di ko na naman maiwasang kiligin.
Ang pagdadalamhati ko kanina lang ay kaagad naglaho.
'' ulitin natin? '' sabi niya, mukha kasing hindi ito makapaniwala na nakuryente talaga kami pareho.
'' ay wag na please ang sakit kaya '' lumayo ako sa kanya.
Ang sakit naman kasi talaga. Para akong nagulat na kambing sa reaksyon ko.
Pumayag rin naman siya.
'' o sige na nga, anyway ligo lang ako then after me gayak ka din ha, may pupuntahan tayo ''
'' san naman? '' ayaw ko kasi talagang lumabas, mahirap na baka may makakita sa akin. Nagtatago nga ako diba.
'' basta '' kumindat pa ito bago pumasok ng banyo.
On the second thought sige na nga 🤗. Hay heart, ano na ba ang gagawin ko sayo.? Kindat lang napabago agad ang isip ko.
Tsk
Tsk
Tsk
BINABASA MO ANG
Isang Linggong Pag-ibig (gxg)
RomanceIt was started with a '' hi '' and '' hello '' and then Our roller coaster ride of love for A WEEK began. Started : Feb. 3 , 2019 Ended : Feb. 13, 2019