Chapter 11

297 15 0
                                    

- Frans -

'' kuya magkano po itong key chain na pusa? '' masigla kong tanong kay kuyang nagbebenta.

Nung iniwan ako ni hana ay napagpasyahan ko na lumabas din. Nakakabagot kasi sa apartment. Ano naman ang gagawin ko, tumingin sa dingding? maghugas ng pinggan na kakahugas ko lang? O pag tripan ang mga basura na ikalat para may may linisin ako ulit??

tsk!

'' 40.00 lang '' nakangiti nitong saad. Nagkikislapan rin kanyang mga mata. Mukha kasing ako yung unang bibili sa paninda niya.

'' sige po pabili '' dumukot na ako ng pera sa bulsa. Natutuwa ako sa hitsura ng pansabit, ang cute cute at kapag nakakakita ako ng kuting parati kong naaalala si hana.

Anyway wala na talaga akong ibang naiisip kundi siya lang. Mukhang nakatatak na siya sa buo kong sistema.

'' heto na miss '' inabot na sa akin ni kuya ang key chain.

'' heto naman po ang bayad ko ''

Pagkalapag ng pera sa kamay niya ay may isang malaki at malagong na boses ako na narinig.

'' Alyana!!!!!! ''

Agad akong napalingon sa dakong kaliwa kung saan nanggaling ang boses.

'' shit! '' bulalas ko sabay kumaripas ng takbo.

Sinasabi ko na nga ba dapat hindi ako lumalabas.

Naisip ko pa habang tumatakas palayo sa ngayon ay humigit kumulang na sampung lalaki na humahabol sa akin.

Lumiko ako pakaliwa at mas binilisan pa ang pagtakbo. Narinig ko pa ang isa na sumigaw.

'' Alyana hindi ka makakatakas!!!! ''

Hindi ko sila nilingon bagkus ay dumiretso lang sa pagtakbo. Napadaan pa ako sa lugar na parang kapehan, parang nahagip pa ng mata ko si hana na nakaupo sa loob. Pati sa pagtakas ay siya pa rin ang nakikita ko. Like seriously? oo baka pati nga ata sa kamatayan ko ay siya pa rin ang huli kong maiisip.

Lumiko ako pakanan, lumusot sa isang palengke. Halos matumba na ako kakatakbo. Bumabangga na din ako sa mga namamalengke. Yung isa pa nga ay nahulog pa ang basket na kanyang dala-dala. Nagkalat ang kamatis, okra, talong, isda at gumulong ang mga maalat na itlog. Napahilamos na lang si tatang sa nangyari.

'' pasensya na po '' paghingi ko ng tawad.

Gustuhin ko man na siya'y tulungan ay hindi ko magagawa. Ikakamatay ko ang gagawin ko kaya hinayaan ko na lang.

Nakita ko na nasa likuran ko ang anim na sanggano, anumang oras ay maaabutan na nila ako. Nakakaramdam na rin kasi ako ng pagod.

Hanggang sa nakapasok ako sa isang iskinita. Sa daraanan ko ay nakaabang na ang isa. Babalik sana ako pero nandito na rin ang apat pa. I'm cornered.  Wala na akong takas, wala rin ako makitang mapapakinabangan sa paligid bukod sa mga basurahan na malayo pa sa akin.

Ngumisi ang dalawang kalbo sa kanila.

'' huwag kayong lalapit '' sambit ko. Ramdam ko ang pawis sa buo kong katawan. Ginugom ko na ang dalawa kong kamay bilang paghahanda.

Alam ko sa laban na ito ay matatalo ako, ang dami nila dumating na rin kasi yung iba pa, so kumpleto na ang sampu.

'' akala mo ba makakatakas ka sa amin huh! '' bulyaw ni bungal. Wala kasi itong ngipin sa unahan.

'' bakit ba hindi na ninyo ako pabayaan! '' sigaw ko. Idagdag mo pa ang labis na init ng araw. Tumutulo na ang butil butil na pawis sa puti kong tshirt.

Isang Linggong Pag-ibig (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon