- Frans -
Inihanda ko na ang hapag kainan. Alas dose na ng matapos ko ang pagluluto. Nagpalambot pa ako ng karne at naghiwa ng mga gulay para pansahog. Ang masiste pa, kakaiwas ko na siya'y isipin ay pinagtripan naman ako ng aking imahinasyon.
Kahit kasi yung kaldero at kawali ay mukha niya pa rin ang nakikita ko. Pakiramdam ko ay nakapaskil na sa mga mata ko ang mukha ni hana.
Nababaliw na ata talaga ako. Iniling iling ko ang aking ulo para makalimot kahit kaunti lang. Halos magdasal na rin ako sa mga santo na ako sana ay pahintulutan.
Nakahanda na ang lahat ng siya'y lumabas ng kwarto. Bihis ito, naka pants, rubber shoes at tshirt na tribal. Pano ko siya hindi pag iisipan na hindi mayaman kung branded mga damit at gamit niya. Kaya sigurado ako na may kaya sila sa buhay. Ang tanong anong ginagawa niya sa lugar na ganito?
'' kain na tayo? '' tanong niya habang hawak hawak ang kanyang tyan.
'' o...oo tara na '' pilit akong ngumiti.
Umupo na siya katapat ko, kumuha ng kubyertos at naghain. Nagsisimula na siyang kumain nang nahanap ko ang aking boses para siya'y kausapin.
'' ahm ha- '' sinabayan niya ako.
'' frans aalis ako ngayon, baka mamaya pa ako makabalik ha '' saad niya na hindi tumitingin sa akin.
Iniiwasan niya ba ako?
Sa naisip ko ay napahawak ako ng mahigpit sa kutsara.
Siguro nga dapat hindi na talaga ako nagtapat sa kanya kagabi.
Naisip ko pa.
Hindi na ako sumagot, hindi ko kaya na pagkatiwalaan ang sarili ko ngayon. Baka bigla pa na maging garalgal ang boses ko. Mas lalo niya akong mahahalata kapag nagkataon.
Ano ba yan, ang sakit na naman sa dibdib.
Lumipas ang ilang minuto na walang nagsasalita ni isa sa amin. Nakatapos na siya at nakapaghugas na ng pinagkainan niya pero ako ay hindi pa rin makakain ng maayos. Ang dami kasing tumatakbo sa isip ko. Pero lahat yun ay tungkol sa kanya.
Mali nga talaga ata na pumunta pa ako dito, na hinayaan ko na mahulog nang tuluyan ang sarili ko sa kanya, umasa ako. Nakakatawa bakit nga ba ako umasa? hindi naman niya ako sasaluhin eh, ayan tuloy lagapak ng mahulog.
Hay! bakit ba ang duling ni kupido? Nakakabwisit.
- Hana -
Umalis ako ng bahay para iwasan si frans at ilayo ang sarili ko sa tukso. First time ko maging ganito. Yun tipong hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko, ang gusto kong gawin. Ang gusto kong sabihin. Na sa bawat pagbukas ng bibig niya ay nakakaamoy ako ng isang buong hardin, na wala naman talaga.
Sumasakit na rin ang ulo ko dalawang araw ba naman na hindi ako makatulog ng maayos, kumusta naman yun diba. At akala ko walang bayad ang hangin para sa paghinga, pero bakit ganun. When she's around parang de metro ang paghinga ko? At kapag nakatingin siya sa akin, pinagpapawisan ako?
Hay ano ba frans gigil mo 'ko!!!!!!!
Tumambay ako sa kapehan ni tyang maring. Kilala niya ako kaya dito ako nagpalipas ng oras. Tumingin ulit ako sa orasan sa kamay 5 pm pa lang.
Kung maka lang ako. Eh apat na oras na akong nakatambay. Nag order pa ako ulit ng isang tasang kape. Kahiya rin naman kasi, ang tagal ko nang nakaupo dito sa puwesto. Marami na ding tao, si mang kanor na tricycle driver nandito na din, si fatima na hinihintay yung anak niya galing school, at yung iba hindi ko na kilala.
'' nakakadami ka ata ngayon hana '' turan ni tyang.
Nasa 50's na siya, maputi na ang buhok at may katabaan. Hindi din siya ganun katangkad. Siguro mga 5 sakto lang height niya.
'' hahaha sarap po kasi tyang eh '' sagot ko.
Ngumiti lang naman siya at umalis na. Madami na rin kasi customer kaya kailangan niyang magtrabaho muna.
Yung inorder ko na huling tasa ay nakakalahati ko pa lang ng makita ko si frans na mabilis na tumatakbo. Kasunod niya ay mga lalaking nakaitim. Mukhang mga sanggano, ang lalaki pa ng mga katawan. Walang ano ano'y tumayo ako at sinundan sila.
Wala akong ibang nasa isip kundi ang kaligtasan ni frans.
At bakit nga ba siya hinahabol ng mga lalaki???
BINABASA MO ANG
Isang Linggong Pag-ibig (gxg)
RomansaIt was started with a '' hi '' and '' hello '' and then Our roller coaster ride of love for A WEEK began. Started : Feb. 3 , 2019 Ended : Feb. 13, 2019