Lunes

20 1 0
                                    

#LimotNaKitaLunes
#TatakPL
#PLPoetryFest2019

Sa haba ng panahon na ika'y minahal
Hinayaan kong ang buhay ko'y sa 'yo lamang sumandal
Ako'y nabulag at namali ng daan
Ang akala kong tayo, ngyon ay nasaan.

Nasaktan,  umasa na tayo'y magiging isa
Ngunit sa puso mo, sadyang matigas na
Lumuha , nag-isa, nagbalik-loob sa Kaniya
Nagsisi, tumanggap,  nakinig kay Ama

Panahon ay nagdaan,  kusang lumipas
Kirot at galit, kusang kumupas
Pait sa dibdib, unti-unting nawala
Paggising isang umaga,  limot na kita.

Feb PoemsWhere stories live. Discover now