Huwebes

3 1 0
                                    

#HugotHuwebes
#TatakPL
#PLPoetryFest

Ayoko ng chocolate at bulaklak na nakabalot
Di ko kailangan ng alahas o magagarang suot
Ang gusto ko lang ay oras at pusong tapat
At pag-iintinding di masusukat

Di mo kailangang sungkitin ang buwan at mga bituin
O ang karagatan ay buong lakas na languyin
Ang hanap ko lang ay kasama ko palagi
Akin ang tainga at may kakampi

Mahirap bang intindihin 'yon?
Na mula ngayon hanggang lumaon
Ang kahilingan lang ay ako'y mapangiti
Sa paraang di mabibili ng salapi kahit sandali

Feb PoemsWhere stories live. Discover now