#BreakUpBiyernes

2 1 0
                                    

#BreakUpBiyernes
#TatakPL
#PLPoetryFest2019

ISA NA LAMANG ALAALA

Hindi ko inakala na mangyayari ito sa atin
Na ang puso mo at puso ko ay paglapitin
Pero mas 'di ko inasahan
Na isang araw, isa sa 'tin ang lilisan

Yakapin mo ako,  bago ako umalis
Sa relasyon nating dati'y kay tamis
Hagkan mo ako, bago ko kalimutan
Pinagsaluhang pag-ibig na parang kahapon lang

Sa lalim ng gabi,  ako'y mamamaalam
Habang ika'y tulog, buhay natin ay tatalikuran
Patawad mahal, puso ko'y susuko na
Paggising mo sa umaga, ako'y isa na lamang alaala

*****

The Love that I shared with you was true
I'm not sure about you
The trust that I gave to you
You just turned them all blue

So the sky with once orange view
Now has only grey and lonely hue
The feelings that I have for you
Is now long gone and had already flew

***

Feb PoemsWhere stories live. Discover now