#HugotHuwebes

1 1 0
                                    

#HugotHuwebes
#TatakPL
#PLPoetryFest2019

ARAW NG MGA PUSO

Araw ng mga puso, sino ba'ng nag-imbento?
Damdaming nakatago, inilalabas ng lahat ng tao.
May petsa rin ba siyang naisip sa araw ng hinanakit?
Pati ba naman sa ganitong bagay,  sa amin ay ipinagkakait?

Araw ng mga puso,
Sino nga ba ang ngpa-uso?
Gusto ko siyang makilala,
Nang saloobin ko,  sa kaniya'y ipapakilala.
Dahil sa araw na ito,wala akong magawa,
Sa pait ng kape, ako ay nahahawa

Tatayo na ako,  mag-aayos ng baro
Kahit anong pilit kong itago
Heto at sa kaniya'y tutungo
Blusang pula, piniling isuot ko
Hihintaying batiin niya, kahit na pabiro

Wala na,  finish na. May nanalo na.
Kahit galingan pa ng bawat isa.
Araw ng mga Puso,  sadyang nakakairita ka.
Biruin mong pati ako, nagawa mong maging makata?

Feb PoemsWhere stories live. Discover now