#MissKitaPagMartes

2 1 0
                                    

#MissKitaPagMartes
#TatakPL
#PLPoetryFest2019

Saan nga ba ako pupunta?
Nawawala kapag 'di ka kasama
Ano na nga bang gagawin ko?
'Pag malayo ka, ako'y nalilito

Mula paggising sa umaga
Ikaw ang unang nakikita
Hanggang pagpikit sa gabi
Ikaw lamang ang katabi

Sa araw-araw na tayo'y magkaulayaw
Away-bati, 'di nababali
Ngunit puso ko, ikaw lang ang kasayaw
Hanap ng diwa ko, sa 'yo lang nauuhaw

Saan na nga ba 'ko pupunta?
Yan ang tanong ko kanina pa
Ikaw kasi'y biglang nagtampo
Sorry na, nami-miss ka na ng puso ko.

Bati na tayo.

Feb PoemsWhere stories live. Discover now