Lunes Ulit

6 1 0
                                    

#LimotNaKitaLunes
#TatakPL
#PLPoetryFest2019

LUNES, LIMOT NA KITA

Lunes ng hapon nang makilala ka
Nakabangga at mukha mo'y nagtaka
Nang inabot mo ang kamay mo
Mundo ko ang pinasalo sa 'yo

Lunes din nang ako'y suyuin mo
Naaalala ko pa nang sabihin mong mahal mo 'ko
Umikot sa 'yo ang buong buhay ko
Pinangarap ko'ng ang pangarap mo ay makatagpo

Lunes din ba noon nang magbago ka?
Nang mahuli kong nasa piling ka na ng iba?
Hindi ko na maalala, lahat ay lumabo na
Dahil sakit at tanong na lang ang kamasa ng aking luha

Nagdusa, naligaw, inosente sa parusa
Lahat ng katanungan ipinasagot sa bibliya
Linggo-linggo,  kumapit sa pag-ibig ni Ama
Lunes, tanggap ko na
Isang Lunes,  limot na kita

Feb PoemsWhere stories live. Discover now