#LimotNaKitaLunes

1 1 0
                                    

#LimotNaKitaLunes
#TatakPL
#PLPoetryFest2018

Naaalala ko pa,
Nang huli tayong magkita
Pusong puno ng sigla,
Sinugatan mo't nagdurusa

Ilang araw ang nagdaan
Ilang gabing iniyakan
Bugbog na isipan
Di malaman ang dahilan

Mahabang panahon man
Na ang kaluluwa'y nasaktan
Ang pag-ibig na nagbaon
Sa pag-ibig din bumangon

Unti-unti napagtanto
Hindi lang sa iyo iikot ang mundo
Mawala ka man sa piling ko
Kulay ng buhay ko'y di maglalaho

Ang pag-ibig hindi lamang ikaw
Ang relasyon,  maraming ilaw
Panginoon, pamilya at kaibigan
Lahat sila hindi ako iiwan

Ngayon, ako ay ayos na
Aking puso, muli nang kumanta
Dating ikaw na tanging kilala niya
Ngayon nagsasabing "Sino ka na nga ba?"

Feb PoemsWhere stories live. Discover now