Martes

14 1 0
                                    

#MissKitaPagMartes
#TatakPL
#PLPoetryFest2019

Mula nang ika'y makilala
Kapiling ko na ang iyong presensiya
Sa pagdilat sa umaga, o pagsapit ng gabi
Sa kainitan man ng araw, ikaw ang nais katabi

Sa mukha mo, nakikita ko ang liwanag
Sa ngiti mo, ako'y kusang nagpapabihag
Sa sandaling panahon na ika'y naglalayag
Dibdib kong payapa,  napupuno ng bagabag.

Hinahanap-hanap ko ang iyong halakhak
Kaligayahan mo'y sarili kong galak
Ang amoy mong tila hardin ng rosas
Kamalayan ko'y kusang tumatakas

Paano nga ba nangyari
Na sa puso ko'y ikaw ang naghari
Nami-miss kita sa pagkatao ko
Kahit ikaw ay katabi ko.

Kaya dalangin ko sa bawat oras
Puso mo'y maging tapat at wagas
Dahil buhay ko, ika'y lakas
Ako'y iyo hanggang wakas.

Feb PoemsWhere stories live. Discover now