Special Saturday

3 1 0
                                    

#TatakPL
#PLPoetryFest

DI KA NAG-IISA

Mula nang isilang ka
Hindi ka na nag-iisa
Mayroon kang ama at ina
Hindi mo man gusto o nila

Magkakaro'n ka ng kapatid
Kadugo mo o hindi,  makakabit ka sa lubid
Makakahanap ka ng kaibigan
Sa hirap at saya,  ikaw ay dadamayan.

Kung wala man, at kapalaran ay malupit
Mayroon ka pa ring kasama, sa Diyos ika'y lumapit
Dahil di ka iiwan ng ating Poong Ama
Hindi ba't inalay pa Niya sa 'yo ang buhay niya?

Oras at panahon, Ikaw ang maglaan
Iyong kakayahan, ang kapawa ay tulungan
Hindi ka mag-iisa, napakarami nila
Kung nanaisin mo talaga,  laging kang may pamilya.

Feb PoemsWhere stories live. Discover now