Huwebes

11 2 0
                                    

#HugotHuwebes
#TatakPL
#PLPoetry2019

NAGMAHAL, MINAHAL

Sabi nila,  kapag nagmahal ka
Lahat ay magaan, lahat ay masaya
Sabi nila kapag nagmahal ka
Pagsubok ay kinakaya, 
Basta't kahawak-kamay na

Kaya ang tanong ko,
Nagmahal ka na ba?
Kung oo, bakit ka nag-iisa?

Sabi nila,  kapag minahal ka
Araw o gabi,  laging maganda
Sabi nila kapag minahal ka
May pagkain o wala
Pakiramdam mo'y masigla

Tatanungin kita,
Minahal ka ba niya?
Kung oo,  bakit maga ang iyong mata?

Punasan na ang iyong luha
Alam kong nasasaktan ka
Ganiyan ang magmahal
Puso mo ang isinusugal

Huminga ka nang malalim
Dibdib mo'y pakalmahin
Marahil di mo pa rin nakikita
Narito lang ako, walang isang dipa

Ako na nakikinig
Sa bawat malungkot mong himig
Ako na nasa tabi mo
Kahit di ramdam ang pagsuyo

Tama na, move on na
Ako ba talaga'y walang halaga?
Ako ba'y di sasapat pa?

Ayos lang, naiintindihan kita.
Hindi mo kailangang magpaliwanag pa
Dahil tulad mo, heto ako
Nasasaktan rin at lihim na minamahal ka...

Nagmamahal pero hindi minamahal
Ang sakit 'di ba?

Feb PoemsWhere stories live. Discover now