Biyernes

9 1 0
                                    

#BreakUpBiyernes
#TatakPL
#PLPoetry

Sa tagal ng panahon
Iningatan kong huwag magkamali
Ginamit ang orasan
Pagsasala ay 'di minadali

Pero dumating ka
At sa puso ko ay kumatok
Ang inaral sa iba
Tila lahat ay natupok

Pusong kong may kandado
Ipinagkatiwala sa 'yo
Ang takot sa pagkabigo
Pilit kong itinago

Tunay na ligaya, sa 'yo ko isinandal
Lahat ay inialay, laman ng aking dasal
Ngunit pag-ibig mo, bigla na lang naglaho 
Ang tamis ng iyong pagsuyo
Kisap-mata'y natuyo

Masakit man sa akin,
Ako'y hindi bulag
Narito ka man sa piling ko
Dibdib ko ay may bagabag

Kaya ang sarili, pilit na inihanda
Sa 'yo aking giliw, ako'y magpaparaya
Malalim man ang isusugat
Sakit na walang makatatapat
Mahal ko, paalam na
Mula ngayon ika'y malaya na

Feb PoemsWhere stories live. Discover now