#MahalNaKitaMiyerkules

2 1 0
                                    

#MahalNaKitaMiyerkules
#TatakPL
#PLPoetryFest2019

MAHAL NA KITA

Mahal na kita
Naririnig mo ba?
Ang lakas ng tibok ng puso ko
Sa tuwing nakakaharap ka

Mahal na kita
Napapansin mo ba?
Kung paano'ng ang pisngi ko'y namumula
Sa tuwing ngingiti ka

Mahal na kita
Nararamdaman mo ba?
Ang kabog ng dibdib ko
Aa tuwing tatabi ka

Mahal na kita
Naamoy mo ba?
Humahalimuyak ang bango ng pag-ibig
Sa tuwing hahangaan ko ang iyong tindig

Mahal na kita
Ako ba'y may pag-asa?
Ang dating tinuturing na kabarkada
Ngayon puso'y nakaukit na

Feb PoemsWhere stories live. Discover now