Miyerkules

10 1 0
                                    

#MahalnaKitaMiyerkules
#TatakPL
#PLPoetryFest2019

MAHAL NA KITA

Nung makilala ka,
Naging kaibigan,  kabarkada
Araw araw na ika'y kasa-kasama
Kahit ano,  sa iyo'y naipapakita

May pagkakataong minsan masaya,
May mga lakad na madalas nakakaloka
Pero ang reaksyon mo, wala namang pagbabago
Isang araw na lang,  ako'y nagkaganito

Ano nga ba ang nangyari?
Mayroon ka bang kakaibang nasabi?
Pareho lang ang iyong pakikitungo
Pero ang pagiging normal ko ay naglaho

Isang hapon umiwas na ako
Kahit tingin mo'y iniilagan ko
Lumapit ka't ako'y biniro
"May sakit ka ba?" yan ang wika mo.

Haplos ng iyong kamay,
Dito sa aking noo
Ang siyang nagpa-init
Sa pakiramdam ko
'Di sinasadya, mata natin ay nagtama
Nagpiipigil ko puso,  bigla na lmang nagwala

Ngayon alam ko na
Ano na nga ba kita?
Kaibigan lang o higit pa,
Palagay ko'y mahal na kita

Feb PoemsWhere stories live. Discover now