Liam Torn Ocampo
Nakaupo ako ngayon sa bench malapit sa field. Mag-isang kumakain.
Oo, mag-isa.
Nagtataka siguro kayo no? Well, wala kasi talaga akong kaibigan. Di naman ako pihikan, pero ewan ko ba. Di lang siguro talaga ako approachable na tao. Mas gugustuhin ko nalang kasi mag isa palagi, kesa sa may kasamang sobrang maiingay.
At ang bansag nang karamihan sakin? The Loner, Weirdo, Nerd, Anak ni Rizal, Introvert boy, at kung ano-ano pang kaartehan nila sa buhay.
Sa totoo lang di naman talaga mahahalata na isa akong loner eh. Di naman kasi ako emo manamit. Yung tipong puro black nalang yung lagi mong nakikita mula ulo hanggang paa. Yung sobrang laki ng eyebags at sobrang itim ng ilalim ng mata na parang ilang araw nang walang tulog at may nakakabit pang malaking headset sa tenga. May sense of fashion parin naman ako kahit papano. Naks.
Nag e-eyeglass rin ako sa tuwing may binabasang libro at hububarin kapag di na ginagamit. Pero lagi talaga akong naka mask. Sensitive kasi ilong ko sa mga usok o alikabok. Kaya siguro tinatawag nila akong weirdo dahil dun.
"Liam Torn Ocampo!"
Napalingon agad ako sa babaeng tumatakbo papunta sa kinaroroonan ko na walang ibang ginawa kundi ang kulitin ako.
Kilala niyo ba siya? Well, sino namang hindi makakilala sa babaeng laging usap-usapan sa campus namin.
Sikat siya. Maganda. Sexy. Mabait. Friendly. Matalino at Masayahin. Nasa kanya na ata ang lahat ng katangian na hinahanap-hanap ng mga lalake.
Pwes, siya lang naman si Reen Penelope Martinez. Ang Miss Perfect ng campus namin.
Lahat ng babae sa school namin hinahangaan at iniinggitan siya. Halos lahat din ata ng mga lalake sa school nato, may gusto sa kanya. Syempre, di talaga mawawala ang mga lalakeng pinagnanasahan siya.
Ewan ko nga kung bakit trip na trip niyang makipagkaibigan sakin eh, alam naman nang lahat na isa akong loner at di ako nakikipag usap kung kani-kanino.
Kahit nga di ko siya pinapansin, kinakausap niya parin ako na parang ang close naming dalawa. Yan tuloy lagi kaming napagtsi-tsismisan. Minsan nga naiinis na ako sa kakulitan niya pero di naman umabot sa puntong nagalit ako sa kanya. Hinahayaan ko nalang siya.
Wala sigurong ibang mapagtripan kaya ako ang pinupuntirya ngayon. Hays.
Napabalik ako sa ulirat nang may daliring pumitik sa harapan ko.
"Space out kana naman, Torn!" Sabi niya sakin at humalakhak.
See? Torn tawag sakin, parang close na close kami. Napabuga nalang ako ng hangin bago iniligpit ang basura sa juice at footlong na kinain ko kanina.
"Wait, aalis kana?" Tanong niya.
Tinignan ko lang siya tsaka umiling.
"Ay, akala ko eh. Pwede tumabi?" Sabi niya tsaka agad-agarang umupo katabi ko.
Humarap ito sakin pagkatapos ay ngumiti nang malapad. "So, dahil pinatabi mo ko ibig sabihin ba nito magkaibigan na tayo?"
Pinanliitan ko siya ng mata bago sumagot. "Ikaw ang kusang tumabi. Di pako nakakasagot, umupo kana."
Bigla itong napangiwi at napahawak sa dibdib niya, na para bang nasaktan sa sinabi ko. "Ang harsh mo naman sakin, Torn."
"I'm just stating the fact." Sagot ko.
Nagtaka ako nang bigla itong humalakhak ng malakas. Napatingin tuloy ako sa paligid namin. Rinig na rinig kasi ang tawa niya sa buong field, suskopo, nakakahiya siya.
Nang mahimasmasan siya ay bigla itong nagsalita. "That's why I really like you, Torn."
Lumaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Ano raw? Pakiulit. Nabingi ata ako.
Nang marealize niya ang sinabi niya sakin ay bigla itong nataranta at winagayway ang dalawang palad sa harap ko na parang dinidepensahan ang sarili.
"No no! It's not like that. I mean, kaya gusto kitang maging kaibigan." Paliwanag niya.
Ah, yun naman pala eh. Napabuga nalang ako at napakamot sa pisngi na lagi 'kong ginagawa. Mannerism ko na.
"Pwedeng magtanong?" Sabi ko.
Kumislap ang mga mata nito at para bang excited na excited sa itatanong ko. Heck, so childish.
"Nagtataka lang kasi ako. Sa lahat ng tao sa campus natin, why me? Alam mo namang loner ako. Bakit gusto mong makipagkaibigan sakin? Di naman ako sikat katulad mo. So, tell me Reen. Why are you so interested to be my friend?"
Lumipas ang ilang segundo na nakatitig lang ako sa kanya. Naghihintay ng isasagot niya. Nakatingin lang din ito sakin na para bang ina-analyze ang buong pagkatao ko.
"Ayaw mo ba, Torn?"
"Ha?" Sagot ko.
"Bakit, ayaw mo bang makipagkaibigan sakin?"
"Di naman sa ganun pero kasi, sikat ka, marami kang kaibigan at marami ding may gustong makipagkaibigan sayo. Bakit mo pa kinakailangan ang isang tul--"
Naputol ang sinasabi ko nang bigla itong nagsalita.
"Yun na nga eh. Maraming gustong makipagkaibigan sakin kasi sikat ako. Hindi dahil gusto nila akong maging kaibigan. Yes, I have ton of friends out there. Pero ang tanong, totoo ba talaga silang kaibigan?" Sagot niya nang nakatingin at nakangiti sakin. Yung ngiting bihira ko lang makita sa kanya. Yung ngiting di ko maintindihan kung galit, seryoso, o may tinatago.
"Alam ko namang nakukulitan kana sakin at alam ko rin na iniisip mong pinagtritripan lang kita kaya bigla akong sumulpot at nakipagkaibigan sayo but Torn."
"Sana alam mong di kita pinagtritripan. I seriously want to be friend with you. Not because you're weird or a loner. But because I know you're real."
Napatitig lang ako sa kanya. Wala akong masagot. I didn't know. I thought? All this time akala ko, pinagtritripan niya lang talaga ako. Pero seryoso?
"Anyway, di naman pinipilit ang friendship. Kusa naman yan eh. So, don't worry. Kukulitin at kukulitin parin kita hanggang sa ikaw na mismo ang magsasabing magkaibigan na tayong dalawa. Hahaha!" Sabi niya at tumawa.
Napabuntong hininga nalang ako. That's her. Reen Penelope Martinez. Ang babaeng walang ginawa kundi ang kulitin ang bawat segundo ng araw ko.
--
Author's Note:
Short story lang po to. Triny ko lang. So, I hope magustuhan niyo. Expect typo's and grammatical errors along the way. ~
BINABASA MO ANG
The Loner's First Love [ COMPLETED ]
Teen FictionLiam Torn Ocampo -- Isang introvert at walang pakialam sa mundo. Pero sa kabila nang pagiging seryoso nito ay isang babae lang pala ang magpapaibig sa kanyang matigas na puso. Makakaahon pa kaya siya sa kanyang pagkakahulog? Date Started: June 16, 2...