CHAPTER 14

77 34 53
                                    

Monday ngayon kaya may pasok na ulit kami

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Monday ngayon kaya may pasok na ulit kami. Nakauwi kami ni Reen kahapon ng walang aberya kaya sobrang nagpapasalamat kami kay Kuya Kokoy dahil sinamahan niya talaga kami sa trip namin sa Baguio. May picture nga kaming tatlo eh, si Reen naman kasi ang may pakana.

Naglakad ako nang nakapamulsa habang papasok sa skwelahan namin. May pasok kami sa Zoology mamayang hapon. Sa library nalang muna ako tatambay.

"Torn!"

Napalingon naman ako sa taong sumigaw ng pangalan ko. Nakita ko itong nakangiti habang kumakaway sakin malapit sa gate. Si Reen.

Di ko nalang siya pinanansin at pinagpatuloy nalang ang paglalakad ko papuntang library. Tangina, ito na nga ba yung sinasabi ko.

"Hoy teka! Sandali naman!" Sigaw nito sakin habang naglalakad ako palayo.

Naglakad lang ako na parang walang nangyari. Kinuha ko yung earphones ko sa bag ko at iniligay sa tenga ko. Tinaasan ko rin yung volume ng kanta para di ko siya marinig.

May humablot nalang bigla ng braso ko paharap kaya napatigil ako sa paglalakad. Di ko na kailangang malaman kung sino yung taong yun, kasi alam ko namang si Reen ito.

Hinihingal ito habang nakalagay yung dalawang kamay niya sa tuhod. Pagkatapos ay tumingin ito sakin at tinuro ako.

"Hoy, ano bang problema mo ha?" Tanong nito sakin kaya tinignan ko lang siya ng walang gana.

Ano ba naman, Reen. Pinipigilan ko na nga ang sarili ko na mapalapit sayo tapos ikaw naman 'tong kusang lumalapit.

"Pipi ka na ba ha, Torn? Sabi ko anong problema mo at iniiwasan mo na naman ako ha?!" Sigaw nito sakin habang nakapamewang. Kitang-kita ko kung paano tumaas yung mga kilay niya na ibig sabihin ay naiirita na talaga ito.

"Layuan mo na 'ko." Sabi ko sa kanya ng walang kagana-gana. Takte. Di niya ba nakikitang nahihirapan din ako sa ginagawa ko?

"Anong sabi mo? Teka lang ha. Di kita maintindihan. Okay pa naman tayo kahapon ah. Pumayag ka pa ngang magpicture tayong tatlo ni Kuya Kokoy eh, tapos ngumingiti ka na nga sakin kahapon. Ano na naman bang nangyayari sayo?" Sabi nito.

"Di mo na kailangang intindihin. Lumayo kana sakin at yun ang gusto ko." Sabi ko at tumalikod sa kanya. Maglalakad na sana ako nang magsalita ulit ito.

"Dahil ba sa pagsagot ko sa cellphone mo kahapon kaya ka ganyan ha?"

Agad akong napalingon nang sinabi niya yun. Ano? Pagsagot sa cellphone ko?

"Anong sabi mo?" Tanong ko.

Huminga ito nang malalim bago sumagot. "Oo, nasagot ko yung tumatawag sa cellphone mo kahapon. Akala ko importante kaya sinagot ko. Mama mo yung tumata--" Naputol ang sasabihin niya nang sumabat ako.

"Mama?! Sinagot mo si Mama?!" Galit na sabi ko sa kanya. Tangina naman!

"Akala ko nga kasi importante! Mama mo yung tumatawag at tinatanong niya sakin kung anong address ng tinutuluyan mo ngayon gusto ka niyang makita. Hihingi daw siya ng tawad sayo."

"Bullshit!" Sigaw ko. "Ba't mo sinabi sa kanya?! Sana binigay mo nalang sakin ang cellphone ko o di kaya hinayaan mo nalang!"

Nakita kong nabigla ito sa pagsigaw at pagmura ko sa kanya. Pero tangina naman! Sa lahat ng gagawin niyang katangahan ang pagsagot pa talaga sa nanay kong demonyo!

"Di ko naman alam e--"

"Putang di ko alam! Bakit? Sinabi ko bang sagutin mo yung cellphone kapag may tumatawag?! Sinabi ko bang galawin mo yung gamit ko?!"

"Pero mama mo parin yun, Torn! Kung ano mang di niyo pagkakaunawaan, mama mo parin yun! Patawarin mo n--" Naputol ang sasabihin niya nang tinignan ko siya ng masama. Anong sabi niya kamo? Patawarin? Puta!

"Patawarin huh? Tangina! Wala kang alam, Reen! Kaya wag kang makialam sa buhay ko! Sino ka ba sa tingin mo ha?! Ano ba kita?!" Sigaw ko sa kanya.

Nakita kong nabigla ito sa sinabi ko. Nakatitig lang ito sakin at di sumagot. Napakurap nalang ako nang bigla itong yumuko at humikbi.

"S-Sorry. Sorry talaga. S-Sino nga ba ako sa buhay mo para pakialaman ka." Sabi nito tsaka tumakbo palayo.

Ginulo ko ang buhok ko. Shit! Nakakabwesit naman kase! Ba't pa kasi siya nangialam sa cellphone ko?! Nasabi niya pa tuloy yung address ko sa nanay kong walang kwenta.

Naglakad nalang ako papuntang library para dun magpakalma. Mabuti nalang at walang katao-tao maliban sa librarian. Pumunta ako sa pinakadulong shelf at dun sumandal.

Tangina. Di ko na naman nacontrol ang sarili ko kanina. Kaya ayaw na ayaw 'kong magalit eh, kasi di ko nacocontrol yung emosyon ko. Ito rin ang dahilan kung bakit ayokong mapalapit sa kahit na sino.

Di kasi nila kilala yung totoong pagkatao ko. Aalis at aalis din sila kapag nakita na nila yung totoong ako. Di ko naman ginusto to eh. Ayokong maging ganito, pero wala akong magawa.

Kung di lang kasi sana nangyari yun.

Bata palang ako nun nang magkahiwalay ang mama't papa ko. Lagi kasi silang nag-aaway sa mga bagay na di ko rin alam kung anong dahilan. Tatlong taon palang ako nun pero laging pag-aaway lang nila yung nakikita ko araw-araw.

Gaya ng ibang bata, kailangan ko rin ng pagmamahal at atensyon mula sa magulang kaya nung nagkahiwalay si Mama at Papa ay wala akong nagawa kundi ang umiyak.

Simula nang magkahiwalay si Mama't Papa ay lagi ko nang nakikita si Mama na naglalasing at nagkukulong sa kwarto. Rinig na rinig ko yung mga iyak at hagulhol niya sa kwarto araw-araw.

Pero kahit ganun ay lagi ko paring nilalapitan si Mama at pinapatahan pero imbes na yakap at ngiti ang natatangap ko mula sa kanya ay isang sampal, sabunot, suntok, at kung ano-ano pang pangmamaltrato ang natanggap ko.

Simula nun lagi na akong minamaltrato ni Mama. Lagi niyang sinasabi sakin na isa akong malas. Lagi niya 'kong pinapalo ng dos pordos, pinapaluhod, binubuhusan ng mainit na tubig at kung ano pa.

Nang malaman ito ng papa ko ay agad niya akong kinuha kay mama. Pero dahil na rin sa tagal ng panahon na hiwalay na sila ni Mama ay nakakita na rin si Papa ng ibang pamilya. Nalaman ko rin na kaya pala sila nagkahiwalay noon dahil arrange marriage lang sila at di niya talaga tunay na mahal si mama. Pinakonsulta din ako ni papa sa isang psychologist. Sinabi nito na nagkatrauma daw ako noon at inaasahan na rin na may magbabago sa ugali ko gaya ng ibang batang minaltrato ng sariling ina at magulang.

Kahit may ibang pamilya na si Papa ay di naman ito nagkulang sakin. Binibigay nito ang lahat ng gusto ko kaya nang tumuntong ako nang 15 taong gulang ay sinabi ko sa kanya na gusto ko ng umalis sa puder nila at mamuhay ng mag-isa. Akala ko nga pipigilan niya ako, pero hindi eh.

Kaya simula nun ay naging malayo na ang loob ko sa ibang tao. Ayokong makipagkaibigan. Di din ako nakikipaghalubilo sa iba. Namuhay ako ng mag-isa. At isa ito sa naging resulta ng pagmamaltrato sakin ni Mama. Sa tuwing nagagalit ako ay di ko naco-control yung sarili ko.

Ito rin ang dahilan kung bakit gusto 'kong layuan si Reen. Ayokong saktan ang babaeng kauna-unahang nagpangiti sakin. Ayokong saktan at paiyakin ang kauna-unahang babae na nagpatibok ng puso ko.

Oo, mahal ko siya.

Pero huli na eh. Nasaktan ko na siya kanina, napaiyak ko siya at napagsalitaan ko siya ng masama. Takte. Wala na naman akong magawa.

Hays. Napatulala nalang ako habang nakasandal sa shelf. Ano bang dapat 'kong gawin? Kausapin siya? Magsorry? Mababaliw na 'ko! Tss.

Napaisip ako ng kung ano-ano hanggang sa napangisi ako. Magandang ideya nga yun.

The Loner's First Love [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon