"Torn! Sige na kase! Pumayag ka naman nung isang araw ah!" Sigaw sakin ni Reen.
Di ko nalang siya pinansin at ipinagpatuloy nalang ang paglalakad ko papuntang library. Nakng, kagabi ko lang narealize yung sinabi at pinapagawa niya sakin.
"Liam Torn Ocampo!" Sigaw niya ng ubod nang lakas kaya napatigil naman ako. Napapikit nalang ako sa kahihiyan nang mapagtanto 'kong tinitignan na talaga kami ng ibang mga studyante dito.
Humarap ako sa kanya. "Tumigil kana."
Sumimangot ito sakin. "Ayaw."
Napakamot nalang ako sa ulo ko dahil sa inis. "Look, Reen. Ayaw ko ngang gawin yung pinapagawa mo sakin."
"Bakit ba kase? Okay ka naman nung isang araw ah." Sagot niya at tinignan ako ng masama.
"Ikaw pa talaga ang may ganang tignan ako ng masama ha."
"Eh kasi naman eh!" Sabi niya sabay padyak ng mga paa niya. "Okay ka naman sakin nung isang araw! Akala ko payag kana, tapos ngayon ayaw mo na naman. Tss."
Napakunot yung noo ko sa pagka-isip bata ng kausap ko ngayon. "Ayoko nga kase."
"Ba't ba ayaw mo?!"
Napabuntong hininga ako. "Kasi di naman talaga yun pwede. Di mo naman talaga ako boyfriend pero ba't ako yung ipapakilala mo sa pamilya mo? Di mo ba naisip na ang unfair ng pinapagawa mo?"
Bigla naman itong napatigil at yumuko. "Nasabi ko na kase. Akala ko papayag ka." Bulong na sagot nito.
"Di madali yung pinapagawa mo, okay? Tsaka isa pa, di ako sanay sa ganyan." Sagot ko sa kanya sabay tingin sa ibang direksyon.
"Sorry. Sige, una nako." Sabi niya nang nakayuko parin at tsaka nagsimulang maglakad palayo.
Napabalik ang tingin ko sa kanya. Takte, ang lungkot niyang tignan. Ba't ba kasi sa lahat ng lalake, ako pa kinulit mo. Tangina, nakokonsensya ako!
Binilisan ko ang lakad ko para maabutan ko siya. Pagkatapos ay hinila ang braso niya paharap sakin. Nakita kong nagulat siya sa ginawa ko.
"T-Torn?"
Tinignan ko siya sa mata nang nakakunot ang noo. "Oo na. Papayag na ako." Sabi ko at nakita kong
unti-unting lumabas ang ngiti sa labi niya.----
"First, kailangan muna nating malaman ang mga hobbies sa isa't-isa. Second, yung mga ayaw natin. Third, mga favorites. Such as, foods, songs, and etc." Seryosong sabi ni Reen habang sinusulat sa notebook ang mga dapat naming malaman.
Nandito kami ngayon sa pinakadulong table ng Library. Dito raw kasi kami mag uusap tungkol dun sa pagpapanggap namin. Friday na kase yung reunion nila tapos wednesday na ngayon. Hays.
BINABASA MO ANG
The Loner's First Love [ COMPLETED ]
Teen FictionLiam Torn Ocampo -- Isang introvert at walang pakialam sa mundo. Pero sa kabila nang pagiging seryoso nito ay isang babae lang pala ang magpapaibig sa kanyang matigas na puso. Makakaahon pa kaya siya sa kanyang pagkakahulog? Date Started: June 16, 2...