Nakauwi naman kami ng safe kahapon ni Reen. Pagkatapos kong sabihin sa kanya na jejebs ako ay agad-agad din niyang tinawagan ang driver nila para kunin kami. Talagang nakakahiya yung sinabi ko pero wala na 'kong choice. It's between life and death na kase yun. Lol. Joke lang.
Nga pala, nasa library ako ngayon. Nakasandal sa pinakadulong shelf. Mas maganda kasing magbasa dito kesa dun sa mga table. Di kasi ako makapagconcentrate dun kasi kung hindi hilik nang natutulog, mga bulungan naman ng mga estudyanteng ayaw masita ng librarian ang naririnig ko. Nakakaistorbo lang. Tss.
Tinupi ko ang huling page na babasahin ko sa araw nato. Pagkatapos kong tupiin ang isang page, ay agad ko din itong pinasok sa backpack at tsaka tumayo.
Nakapamulsa akong naglakad-lakad sa campus namin. Takte, di ko alam kung saan ako tatambay ngayon. Tinatamad kasi akong maglaro ng dota sa computer shop. Kakain nalang siguro ako sa cafeteria.
Biglang nagvibrate yung cellphone ko kaya agad ko itong kinuha sa bulsa ko. Pagtingin ko sa screen ay napakunot ang noo ko. Yung taong kinamumuhian ko pala ang ang tumatawag.
"Hello."
"Hello. Anak?" Sagot nito sa kabilang linya.
"Sino ka?" Painosente 'kong tanong sa kanya. Boses palang niya nakakairita na.
"Ako to. Mama mo. Kamusta kana? Okay ka la--."
Naputol agad ang sasabihin niya nang sumabat ako. "Tamo to, may pakialam ka pa pala sakin? Wag kang mag-alala humihinga pako. Bakit? May ipapapadala ka bang tauhan mo para patayin ako?"
"Anong! Wala ka talagang respeto sakin! Ikaw na nga tong kinukumusta at tinatawagan! Di ka parin nagbabago simula n--." Sigaw niya sakin.
"Ba't ka pa tumawag? Kung tatalakan mo lang pala ako pwes ibababa ko nato at wag na wag kanang tatawag pa sakin." Sagot ko sa kanya sabay pindot sa end call. Bwesit na buhay. Nananahimik ako tas bigla nalang siyang mambubulabog.
Pinagpatuloy ko nalang ang paglalakad papunta sa cafeteria. Nagugutom na rin ako. Di pa naman ako nag almusal kanina.
Pagdating ko sa cafeteria ay agad akong nag order ng adobo, fried chicken, letchon kawali at apat na cup ng rice tsaka coke. Dun ako pumwesto sa pinakadulo malapit sa glass wall na kitang-kita yung buong field. Nasa banda likod kasi tong inuupuan ko.
Agad kong nilantakan ang letchon kawali na paborito ko. Di ko maiwasang mapangiti at mapapikit habang nginunguya ko ang kinakain ko. Tangina. Napakalutong nang letchon kawali!
"Talaga? Masarap? Patikim nga!"
Bigla akong napamulat sa gulat at nabilaukan. Takte! Sino ba tong taong to!
"Hala nabilaukan! Heto uminom ka muna!" Tarantang sabi ng lapastangang umisturbo sa kalagitnaan nang pagkain ko.
Kinuha ko naman agad ang coke na binigay niya sakin at ininom ito. Pagkatapos kong inumin ito at nang maging okay nako ay agad ko siyang tinignan ng masama.
BINABASA MO ANG
The Loner's First Love [ COMPLETED ]
Teen FictionLiam Torn Ocampo -- Isang introvert at walang pakialam sa mundo. Pero sa kabila nang pagiging seryoso nito ay isang babae lang pala ang magpapaibig sa kanyang matigas na puso. Makakaahon pa kaya siya sa kanyang pagkakahulog? Date Started: June 16, 2...