CHAPTER 12

66 35 38
                                    

"WELCOME TO BAGUIO, SELF!" Sigaw ni Reen nang makarating na kami sa Baguio.

Tangina. Nakakatawa yung itsura niya. Yun bang parang ngayon lang ito ulit nakalabas ng bahay nila? Ganun yung reaksyon niya. Haha.

One day lang kami dito, ibig sabihin bukas pa kami uuwi. May nireserve namang hotel sila para matulugan namin mamayang gabi.

"Excited na 'ko! Hihi. Saan ba tayo unang gagala?" Naeexcite na tanong ni Reen sakin.

"Kakarating pa nga lang natin tas gagala agad? Pumunta muna tayo sa hotel at magpahinga. Ala-syete pa naman ng umaga." Sagot ko at binitbit yung mga gamit namin papasok sa hotel.

Nakita ko si Kuya Kokoy na nakatingin sakin na para bang may sasabihin kaya lumapit ako sa kanya.

"May problema po ba kuya kokoy?" Tanong ko sa kanya. Umiling lang ito sakin at ngumiti nang alanganin. Weird huh?

Tinawag ko nalang si Reen para pumasok na. Nasa labas parin kasi ito at sobrang busy sa pagkuha ng picture. Nakng. Gusto ko munang magpahinga kahit saglit lang.

"Excuse me? Pwede bang macheck yung reservation namin?" Sabi ko sa babaeng nasa counter.

"Oh, okay sir. Ichecheck ko lang po. Ano pong pangalan ninyo?"

"Liam Torn Ocampo." Tumingin naman ako kay Reen bago nagsalita ulit. "..And Reen Penelope Martinez."

"Okay po. Wait lang muna, Sir." Nakangiting sagot sakin ng babae tsaka tinignan yung listahan para icheck yung reservation namin.

"Uh. Excuse me, Sir. May reservation po kayo pero dalawang room lang po. Sabi kasi dito na mag-asawa daw yung dalawa, kaya isang kwarto lang po yung kwarto na nireserve sa kanila at yung isa naman ay para daw po sa magiging driver. Kayo po ba ni Maam ang mag-asawa?" Tanong nito sakin.

Nagakatinginan kami ni Reen na puro nakanganga. Tangina! Anong mag asawa? Kailan ba 'ko nagka-asawa?

"Ano?! Mag-asawa? Nagkakamali po ata kayo ate. Di po kami mag-asawa nang lalakeng yan." Sagot ni Reen tsaka tinuro ako.

Napalingon kami kay Kuya Kokoy nang tumikhim ito.

"Naku Sir, Maam. Pasensya na po. Sasabihin ko naman po talaga ito sa inyo pero nagdadalawang isip po kasi ako sa magiging reaksyon niyo." Nakayukong sabi ni Kuya Kokoy samin.

"Alam niyo po kuya?!" Gulantang na sabi ni Reen.

Napapikit nalang ako tsaka ginulo yung buhok ko. P*ta, kaya pala parang di mapakali si Kuya kanina.

"Uhm, ano po sir. Kukunin niyo na po ba?" Tanong samin nung babae.

"Wala bang ibang bakante na room?"

Umiling ito samin. "Wala na po, Sir eh. Marami kasing turista ngayon kaya full na po."

"It's okay. Kukunin na namin." Biglang sagot ni Reen kaya napalingon ako sa kanya.

Napakunot ang noo ko. "Seryoso ka ba?" Nagbibiro ba siya? Tss.

"Oo nga. Wala naman tayong choice eh. Tsaka isang gabi lang naman tayong matutulog dito. Dalawa naman siguro yung kama dun." Tumingin ito sa babae. "Anong room po ba?"

"Room 143 at 144 po."

Tumango ito. "Okay salamat. Kuya ikaw na po sa Room 144 kami na po ni Torn sa isa. Tara na. Sabi nito at nagsimula nang maglakad papunta sa Room namin. Napailing tuloy ako. Tsk. Bahala nga siya.

Pagkapasok namin sa Room namin ay agad akong humiga sa isang kama. Dalawa nga talaga yung kama dito. Mabuti nalang talaga.

Nakita kong umupo si Reen sa kabilang kama at binuksan yung cellphone niya.

"Torn." Tawag nito sakin.

"Bakit?" Sagot ko habang nakapikit.

"Saan ba tayo unang gagala?"

"Kahit saan mo gusto. Ikaw na bahala." Sagot ko.

"Naman eh! Di ka ba talaga naeexcite sa trip nato? Ang duga naman." Reklamo nito.

"Naeexcite." Sagot ko at humarap sa direksyon niya habang nakahiga parin ako.

"Yan ba yung mukha sa taong naeexcite? Para ngang biyernes santo yung mukha mo eh." Sabi nito nang nakahalukipkip. Na naman.

"Bakit ano bang gusto mong mukha ko?" Tanong ko sa kanya habang nakatingin parin sa kanya.

"Ganito oh." Sagot niya tsaka nilagay yung dalawang daliri niya sa gilid ng mga labi niya tapos ay ngumiti nang malapad.

Ewan ko ba anong pumasok sa utak ko at sinunod ko yung ginawa niya. Nilagay ko rin yung mga daliri ko sa gilid ng mga labi ko at ngumiti nang malapad.

Nakita kong nag iba yung ekspresyon niya at nagulat sa ginawa ko.

"Bakit may problema ba?" Tanong ko sa kanya habang nakangiti parin nang malapad.

Nagulat ako nang ngumiti ito pabalik at lumapit sakin. Umupo ito sa harap ko tsaka nakangiti paring nakatitig sa mukha ko. "Ang gwapo mo tignan kapag nakangiti." Sabi nito. Nabigla ako sa sinabi niya.

Naramdaman ko nalang ang pagpisil nito sa pisngi ko kaya napasigaw ako sa sakit. Takte!

"Araaay! Ano ba!" Sigaw ko sa kanya habang pisil-pisil parin niya yung pisngi ko.

Tumawa lang ito na parang tuwang-tuwa pa sa ginagawa niya sa mukha ko. Tinignan ko siya nang masama para sabihing tigilan niya na yung ginagawa niyang paglamukos sa pisngi ko.

"Okay po! Bibitawan na!" Sabi nito tsaka binitawan yung pisngi ko at itinaas ang mga kamay na para bang sumusuko.

Ginulo ko yung buhok niya tsaka umayos na nang pagkakahiga. "Magpahinga na muna tayo saglit. Mamaya gagala tayo sa Bridal Veil Falls pagkatapos ay sa Burnham Park." Sabi ko sa kanya.

Nakita kong kumislap ang mga mata nito at ngumiti nang malapad. "Wow! Talaga ba? Ba't mo alam yung mga lugar na yan? Nakapunta ka na ba dito?"

Inilagay ko ang mga kamay ko sa ulo at ginawa itong unan. "Wag kanang maraming tanong at magpahinga ka nalang dun."

Nakita kong nagpout muna ito bago tumayo. "Okay sabi mo eh." Sagot nito.

Naramdaman kong humiga na ito sa kama niya kaya pumikit na rin ako para makapagpahinga.

Napapaisip talaga ako nitong mga nakaraang araw. May nararamdaman kasi akong kakaiba sa tuwing magkasama kami ni Reen. Di ko din naman ipagkakaila na may nagbago talaga sakin simula nung dumating si Reen sa buhay ko.

Nakakatangina pero talagang ayoko sa pakiramdam nato. Di naman ako bobo para di malaman kung ano 'tong nararamdaman ko. Pero di kasi pwede. Ayoko pa. Masyado pang magulo yung utak at buhay ko.

Ayokong saktan ang isang babaeng katulad ni Reen. Sa lahat ng taong nangahas na pumasok sa buhay ko ay siya lang yung kaisa-isang tao na napalapit sakin maliban sa papa ko. Kaya ayoko. Ayokong ipagpatuloy yung nararamdaman ko.

Kung kinakailangan kong maging masama sa paningin niya para layuan niya ako, gagawin ko.

The Loner's First Love [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon