Nandito kami ngayon sa harap ng pad ko. Ngayon na kasi kami pupunta ng Baguio. Sayang naman kasi kung di namin gagamitin yung napanalunan namin ni Reen sa singing contest.
"Sabi nila Daddy, magva-van daw tayo papuntang Baguio." Sabi ni Reen habang nag aantay sa magiging sundo namin.
Masyado pang maaga kaya madilim pa talaga yung paligid. 4 AM pa naman kase, sinadya lang namin gumising ng maaga para makapagbyahe na agad.
Si Reen naman ke aga-aga nangbulabog sa bahay ko. Akala ko pa nga magnanakaw eh. Nakatayo lang kasi ito sa labas kaharap ng bintana ko. Eh kitang-kita sa loob yung silhouette niya. Di man lang talaga kumatok o tumawag. Mabuti nalang talaga at lumabas ako ng kwarto at pumunta sa kusina para uminom ng tubig, kundi ewan ko nalang.
"Saan ba tayo unang mamasyal dun?" Tanong niya sakin habang niyayakap ang sarili.
"Depende." Sagot ko tsaka kinuha yung jacket ko at ipinasuot sa kanya. "Suotin mo yan. Giniginaw ka pala ba't di ka nagjacket."
Nakita 'kong napangiti ito. "Salamat. May dala naman akong jacket kaso nandito sa loob ng bag ko. Ang hassle kung kukunin ko pa."
Maya-maya dumating na din yung sundo namin. Pumarada ito sa harap namin at biglang bumukas yung bintana kung saan yung driver.
"Magandang umaga po Maam Reen at Sir Liam. Sumakay na po kayo. Pasensya na po kung medyo natagalan ako. May inaayos pa kasi sa sasakyan eh." Bati ng lalake samin. May katabaan ito ng konti at may bigote sa ilalim ng ilong. Kamukha niya yung coach sa slamdunk. Pft.
"Okay lang po manong." Nakangiting sagot naman ni Reen at sumakay na sa Van. Nilagay ko nalang din yung mga gamit namin sa likod bago sumakay.
"Tawagin niyo lang po akong Kokoy, Maam Reen." Nakangiting tugon naman nito.
"Okay po, Kuya Kokoy." Ulit naman ni Reen.
Nagsimula nang magdrive si Kuya Kokoy at ako naman nakasandal lang sa upuan ko. Tsk. Medyo inaantok pa 'ko.
Napalingon ako sa direksyon ni Reen. Nakasandal ito sa bintana ng Van at pumupungay narin ang mata nito. Inaantok na rin siguro, kaya hinayaan ko nalang.
•••
Nagising ako bigla dahil pag alog ng sasakyan. Takte. Di ko na namalayang nakatulog pala ako sa byahe. Tinignan ko si Reen na kasalukuyan ding natutulog. Nakasandal parin ito sa bintana ng sinasakyan namin at dahil medyo malikot yung sasakyan dahil sa dinaanan naming under construction na highway, ay laging nauuntog ang ulo nito sa bintana.
Bigla akong naawa sa posisyon niya kaya ipinatong ko nalang yung ulo niya sa balikat ko. Gumalaw pa nga ito pagkatapos kong gawin yun, pero agad din naman itong natulog ulit.
Napatingin ako kay Kuya Kokoy. "Di ka po ba inaantok, Kuya? Pwede niyo naman pong ipark muna sa gilid yung sasakyan para makapagpahinga na muna ho kayo." Sabi ko sa kanya.
Tumingin lang ito sa salamin para makita ako tsaka ngumiti. "Hahaha. Okay lang ho ako, Sir Liam. Tsaka, sanay naman na ako sa ganitong byahe." Sagot naman nito. Kaya tumango nalang ako sa kanya.
Isang oras ang lumipas nang maramdaman 'kong gumalaw si Reen at kinusot-kusot ang mata. Napangiti ako nang tipid. Para talagang bata.
Tumingin ito sakin na papikit-pikit pa. Nang marealize niya yung posisyon niya kanina ay napalaki ang mga mata nito.
"H-Hala. Pasensya na, Torn. Di ko sinasadyang makatulog sa balikat mo. Pagkakatanda ko, nakasandal lang ako dito sa bintana kanina eh." Paliwanag nito kaya napangisi nalang ako.
"Ako ang naglipat ng ulo mo sa balikat ko." Sagot ko sa kanya.
Napakunot naman ang noo nito sa sagot ko. "A-Ano? Ikaw?" Ulit nito.
"Oo nga. Nakita ko kasing nahihirapan ka sa posisyon mo kanina tsaka nauuntog na yung ulo mo sa bintana."
Bigla itong napaiwas nang tingin tsaka humarap sa bintana. "S-Salamat." Sabi nito nang di tumitingin sakin. Ano bang problema nito?
"Gutom ka na ba?" Tanong ko sa kanya. May baon naman kasi kaming pagkain. Nagluto kase ako kanina sa bahay bago bumyahe.
Napalingon naman ito sakin at nagpout. "Oo eh. May dala ka bang pagkain?" Tanong nito.
Kinuha ko yung bag na pinaglagyan ko nang mga pagkain at snacks. May dala din akong tubig at softdrinks. "Eto, kumain ka."
Tumingin din naman ako kay Kuya Kokoy at inaya ito. "Kuya, itabi niyo na po muna yung sasakyan. Kain na po muna kayo."
"Naku, wag na. Medyo malapit na rin naman tayo, Sir Liam." Pagtatanggi nito sakin.
"Wag niyo na ho akong tawaging Sir. Liam nalang po. Kumain na po muna kayo. Nakakagutom rin kapag nagbyabyahe, sabay na po kayo samin ni Reen." Pagpipilit ko.
Napakamot lang ito sa ulo niya. "Sige na nga." Sagot nito tsaka tinabi muna yung sasakyan.
Napatingin ako kay Reen at nahuli ko itong nakatingin sakin na nakangiti.
"Bakit?" Nagtatakang tanong ko.
Umiling lang ito sakin habang kagat-kagat yung labi niya na para bang pinipigilan niya ang sarili niyang ngumiti. "Wala. Gutom nako, kain na tayo." Sabi lang nito at nagsimula na ding kumuha ng pagkain.
Pagkatapos naming kumain ay agad din namang nagmaneho sa Kuya Kokoy. Sabi niya malapit na raw kami at di na raw siguro aabutin pa ng isang oras at makakarating na din daw kami sa Baguio.
Naramdaman ko na rin ang paglamig ng temperatura sa paligid namin kaya agad kong sinuot yung jacket at bonnet ko.
"Haaay! Ang ginaaw!" Biglang sabi ni Reen kaya napalingon ako sa kanya. Kasalukuyan nitong kinikiskis yung dalawang palad niya para di ginawin.
"Giniginaw ka?" Tanong ko sa kanya.
"Oo eh. Di ko naman ini-expect na ganito pala talaga kalamig. Di pa nga tayo nakakarating sa Baguio eh. Paano nalang kaya pag nakarating na tayo dun."
Bigla kong naalala na may dala pala akong extra jacket sa bag. Dalawa kasi yung dinala ko. Syempre, talagang malamig dun sa Baguio. Ewan ko nga sa babaeng to at isang manipis na jacket lang yung dala niya. Tss.
Kinuha ko yung isang jacket sa bag ko at binigay sa kanya. "Oh, eto gamitin mo. Medyo makapal to kaya di ka lalamigin dyan." Sabi ko sa kanya.
"Ha? Eh, diba sayo to?" Sagot nito.
Napatingin naman ako sa kanya ng walang gana. "Syempre akin talaga yan, sino bang may sabing sayo to? Ipapahiram ko lang naman. Tsk." Sagot ko sa kanya na ikina-irap nito.
"Akala ko sweet, di pala." Bulong nito tsaka sinuot yung jacket na pinahiram ko sa kanya.
Napangisi nalang ako. Bubulong na nga lang, ipaparinig pa talaga. Putspa. Napailing nalang ako at itinuon yung buong atensyon ko sa byahe.
BINABASA MO ANG
The Loner's First Love [ COMPLETED ]
Teen FictionLiam Torn Ocampo -- Isang introvert at walang pakialam sa mundo. Pero sa kabila nang pagiging seryoso nito ay isang babae lang pala ang magpapaibig sa kanyang matigas na puso. Makakaahon pa kaya siya sa kanyang pagkakahulog? Date Started: June 16, 2...