CHAPTER 15

143 31 51
                                    

Agad akong umalis ng library para hanapin si Reen

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Agad akong umalis ng library para hanapin si Reen. Alam kong naging duwag ako. Takot ako sa sarili ko at takot akong makasakit ako sa iba.

Pero tama na. Ayoko ng mamuhay nang ganito. Ayoko ng maging duwag. Ayokong pagsisihan sa huli ang mga bagay na di ko ginawa nung una palang.

Oo, natatakot ako sa posibleng mangyari kapag nalaman ni Reen yung totoong nararamdaman ko. Pero mas natatakot ako kapag habang buhay kong itatago tong nararamdaman ko.

In life, you will find three kinds of people. Those who will change your life, those who will harm your life, and those that will be your life.

Pero sa puntong to, si Reen ang taong yun. Si Reen ang buhay ko.

Naging duwag man akong aminin sa sarili ko na nahuhulog nako sa kanya noon pa, pero ngayon handa na 'kong tanggapin ang lahat ng posibleng mangyari.

Wala nang atrasan to, Liam.

Tumakbo ako at naghanap kung saan-saan. Hinanap ko siya sa classroom namin pero walang tao. Pumunta ako sa cafeteria pero wala din siya. Pumunta nako sa mga office ng mga prof namin, sa building namin, sa gymnasium. Pero wala siya.

Pinunasan ko yung pawis ko gamit ang palad ko. Takte nasaan kana ba, Reen?

Tinawagan ko na rin siya sa cellphone niya pero di ko siya makontak. Nagtanong narin ako sa mga kaibigan niya baka sakaling alam nila kung nasaan siya pero wala akong nakuhang sagot.

Umuwi na kaya siya?

Huminto muna ako saglit para makapagpahinga at makapag-isip kung saan ko siya pwedeng makita. Sa Aling Pacing's Kainan kaya? Sa bahay nila? Pero ayokong malaman ng parents ni Reen ang nagyari samin. Anong parte pa ba ang di ko napupuntahan?

"Bro, may practice ba ang soccer team ngayon?" Rinig 'kong tanong sa isang studyanteng dumaan sa bench na inupuan ko.

"Wala daw ata bro eh. Sabi ni Ridge." Sagot naman ng kasama niya.

Napatayo ako bigla pagkatapos kong marinig ang pinag-usapan ng dalawang lalake. Di ko pa pala napupuntahan ang field. Nagbabaka-sakali lang naman ako na nandun siya.

Pagdating ko dun ay talaga ngang walang practice yung soccer team. Pero napangiti ako nang naaninag ko ang isang babaeng nakasandal at nakaupo sa isang puno sa gilid ng field. Sa bulto pa lang nito alam kong si Reen na ito.

Naglakad ako papunta sa kinaroroonan niya. Nakatagilid yung mukha niya sakin pero kitang-kita ko yung namumugto niyang mata. Nakatulala ito sa harap ng field. Napabuntong hininga nalang ako at lumapit sa kanya.

Di ko alam kong naramdaman niya ba yung presensya ko kaya tumabi nalang ako sa kanya at tumingin nalang din sa field.

"Sorry." Sabi ko nang di lumilingon sa kanya.

"I'm really sorry, Reen. Di ko naman sinasadya na masigawan ka kanina. Pero alam mo naman siguro na sobra-sobra yung galit ko sa mama ko."

Di pa rin ito tumitingin sakin kaya ipinagpatuloy ko nalang yung sasabihin ko.

The Loner's First Love [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon