CHAPTER 3

142 44 91
                                    

Natapos na ang laboratory namin kaya agad ko ding niligpit ang lab gown na suot ko at itinapon sa basurahan ang gloves at disposable mask na ginamit ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Natapos na ang laboratory namin kaya agad ko ding niligpit ang lab gown na suot ko at itinapon sa basurahan ang gloves at disposable mask na ginamit ko.

Nakng. Ang baho talaga ng palaka.

Isinukbit ko ang backpack ko sa balikat at nagsimulang maglakad palabas ng room nang bigla akong tawagin ni Reen.

"Hoy, Torn! Sandali!"

Lumingon ako sa kanya. "Bakit na naman?"

Humagikhik lang ito at lumapit sakin. "Wala lang. Sama ako sayo, may pupuntahan ka pa ba?"

Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. "Ano? Sasama ka sakin? Di pwede. Uuwi na ako."

"Eeeeh! Wag ka munang umuwi! Lika, sama ka muna sakin may pupuntahan tayo." Sabi niya pagkatapos ay hinila ako palabas ng room namin.

"Sandali lang!" Sigaw ko habang hila-hila niya ako. Tumingin ako sa paligid. Takte, ang dami na nang nakatingin samin.

Patuloy parin ito sa paghila sakin. "Wag ka nalang magreklamo dyan at sumunod ka nalang sakin."

Nakalabas na kami sa university at huminto kami sa isang waiting shed malapit sa school namin. Sa pagkakaalam ko, dito naghihintay yung ibang estudyante na sasakay ng jeep ah. Sasakay kami?

"Ayan na ang jeep. Sumakay na tayo! Bilis!" Sigaw nito sakin kaya agad din naman akong pumasok sa jeep.

"Saan mo ba kasi ako dadalhin?" Tanong ko sa kanya. Nakakainis, kung di niya lang ako hinila, nasa bahay na sana ako at naglalaro ng ML.

Pinandilatan niya lang ako at sumenyas na tumahimik ako kaya napabuga nalang ako ng hangin. Tumingin nalang ako sa labas ng bintana ng jeep at tumingin sa nadadaanan namin.

Nagulat ako nang bigla akong tapikin ni Reen. Napanganga ako nang napagtanto kong tumigil na pala ang jeep sa tapat ng isang karinderya.

Binasa ko ang nasa karatola. Aling Pacing's Kainan? Teka, anong ginagawa namin dito? Nakng may saltik ata to sa utak eh.

"Tara na sa loob? Gutom nako." Sabi nito at akmang hihilahin ulit ako nang itinaas ko ang kamay ko.

"Papasok tayo dyan?" Tanong ko.

"Oo, bakit?"

"Ba't dito moko dinala?"

Nagugulahan naman itong tumingin sakin. "Oh bakit? Saan ba dapat kita dadalhin?"

Napabuntong hininga nalang ako. "Dinala moko dito dahil gusto mo lang kumain?"

"Oo nga! Bak--"

Tumalikod ako at inayos ang pagkakabit ng bag ko sa balikat. "Aalis na ko."

Humakbang ito palapit sakin at hinawakan ang braso ko. "Teka lang! Sandali, ano bang problema mo dito?"

Humarap ako sa kanya. "Wala."

The Loner's First Love [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon