Regular Class. Bored na naman. Nak ng teteng.
Kasalukuyan akong nakahiga sa bench malapit sa gymanasium. Wala kase masyadong studyanteng tumatambay dito kaya tahimik. Magandang magbasa kapag ganito yung paligid.
Nasa chapter 25 nako sa librong binabasa ko nang makaramdam ako nang antok. Takte.
Bahala na. Iidlip na muna ako.
Itinakip ko ang libro sa mukha ko at pumikit.
Maya-maya, napakunot ang noo ko nang may maramdaman akong hangin sa tenga ko, na para bang hinihipan ito ng kung sino. Kaya agad akong napamulat habang nakatakip parin ang libro sa mukha ko.
"Tigilan mo yan, Reen." Sambit ko.
Nakarinig ako nang paghagikhik at pagkatapos ay pagtunog ng sapatos.
"Hala. Manghuhula ka na ba ngayon, Torn?" Sagot naman nito. Kaya agad 'kong tinanggal ang libro sa mukha ko na sadya namang pinagsisihan ko.
Nasa harap ko ang mukha ni Reen na halos isang dangkal nalang ang layo mula sa mukha ko. Titig na titig ito sa mukha ko na gulat na gulat.
"Yung mukha mo." Sabi ko sabay lagay ng index finger ko sa noo niya para hawiin ang mukha niya.
"Aray naman!" Iritang sigaw niya habang hawak-hawak yung noo niya.
"Ano na namang kailangan mo?" Tanong ko tsaka umayos nang upo sa bench na hinihigaan ko.
Tumabi ito sakin habang hawak-hawak parin yung noo niya. Tss, kung makaasta naman parang pinitik yung noo niya.
"Grabe ka naman! Porket kakamustahin ka, may kailangan na agad?" Sabi nito at humalukipkip.
"Parang ganun na nga." Sagot ko tsaka inayos yung buhok ko gamit ang mga daliri ko. Nagulo kase.
Nagtaka ako nang biglang tumahimik. Kaya napatingin ako sa direksyon niya. Nakita ko itong nakatulala, kaya pinitik ko yung noo niya.
"Araaaaay! Ano bang problema mo ha?!" Sigaw nito sakin. Napangisi nalang ako. Halata masyado.
"Wala." Sagot ko nalang at sumandal sa bench.
"Kinakamusta ka nila Mommy." Biglang sabi niya kaya napalingon ulit ako sa kanya. Nakatingin lang ito sa baba habang nilalaro ang paa niya.
"Ganun ba? Pakisabi nalang din. Kinakamusta ko sila." Sagot ko sa kanya.
"Akala nila tayo parin talaga."
"Gusto mo totohanin natin?" Sagot ko sa kanya na ikinalingon niya sakin. Pft. Nakakatuwa talaga siyang asarin. Hahaha.
"Anong sabi mo?" Tanong niya na nanlalaki ang mata.
"Jinojoke ka lang eh. Ang seryoso mo naman." Sagot ko. Hinampas niya 'ko nang hinampas kaya puro ako ilag sa mga hampas niya. Haha.
"Walangya ka talaga! Paasa ka!" Sigaw nito sakin habang hinahampas at kinukurot ako.
"T-Teka nga! Bakit? Gusto mo ba?" Sabi ko sa kanya.
Tumigil naman ito sa kakahampas sakin at tinignan ako nang masama. Maya-maya lang nabigla ako ng umiyak ito at tumalikod sakin. Tangina!
"B-Ba't ka umiyak?"
Nakatalikod lang ito habang pinupunusan yung luha niya. Kaya napalapit ako sa kanya para iharap ito sakin.
"Ba't kaba umiiyak? Nagjojoke lang naman ako sayo." Sabi ko sa kanya at kinuha ang mga palad niya na nakatakip sa mga mata niya.
Umiling lang ito sakin tsaka ngumiti habang umiiyak parin. "Wala." Sagot nito sakin.
Takte. Sumobra ba ko sa pagbibiro ko? Ang babaw naman kasi niya.
"Bakit nga?" Pilit ko sa kanya habang tinitignan siya.
"Wala nga! Nahurt lang ego ko sa sinabi mo." Sagot nito sakin at ngumiti ulit. "Okay nako."
"Sure ka?" Paninigurado ko. Tumango lang ito.
"Sorry, Penelope." Sabi ko sa kanya tsaka umiwas nang tingin. Putspa, nakakahiya yung ginawa ko. Nagpaiyak ba naman ako ng babae?
Di siya sumagot kaya lumingon ulit ako sa kanya. Nakanganga at nakatigin lang ito sakin.
"Ano ba, sabi ko sorry." Ulit ko.
"A-Anong sabi mo?"
Napakunot ang noo ko. "Sorry?"
Umiling ito nang ilang beses. "H-Hindi yan. Y-Yung isang sinabi mo."
"Penelope?" Tanong ko sa kanya.
"Tinawag mokong Penelope?" Tanong nito sakin tsaka tinuro ang sarili niya. Problema nito?
"Bakit? May problema na naman ba sa pagtawag k--" Naputol ang sasabihin ko nang sumabat ito.
"No! I mean, okay lang sakin na tawagin moko nun." Biglang sabi nito tsaka ngumiti nang malapad.
Napakunot ang noo ko sa mga inaasal niya. Ang moody naman masyado ng babaeng to? Kanina umiiyak ngayon nakangiti na naman?
"Yung totoo, may sakit ka ba sa utak?" Nagtatakang tanong ko sa kanya na ikinatawa lamang nito.
"Baliw." Sabi ko nalang sa kanya.
•••
Kasalukuyan kaming naglalakad papasok dito sa Aling Pacing's Kainan. Naalala ko tuloy yung unang beses na kumain kami dito ni Reen. Pero ngayon, ako na yung nag aya sa kanya na kumain dito. Pambawi na rin sa pag iyak niya kanina. Ang saya nga niya nang inaya ko siya eh.
"Anong kakainin mo?" Tanong ko sa kanya.
Nagtaka pa ito at medyo nag aalangan pa na sumagot. Kaya tinignan ko siya nang masama para sabihing bilisan niyang sumagot kaya napasagot naman ito agad.
"Kaldireta with rice tsaka dinuguan na may puto nalang." Sagot nito kaya napangiwi nalang ako.
Agad akong nag order ng pagkain namin at pagkatapos ay dinala ito sa table namin. Pagkalapag ko palang sa pagkain ay agad itong napangiti.
"Wow! Ang sarap naman ng dinuguan!"
Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. "Kadiri." Tsaka umupo na.
Napatingin naman ito sakin. "Anong kadiri ka dyan? Masarap kaya to. Di mo lang kasi natikman eh."
"Kahit na. Tsaka, hinding-hindi ako kakain nyan." Sagot ko at nagsimula nang kumain.
"Ikaw nga eh! Puro ka letchon kawali! Kawawa naman yung mga baboy sayo!" Sabi nito na nakahalukipkip.
"Nagsalita ang dinuguan." Sagot ko nalang.
"Eh yung akin, dugo lang nila. Eh sayo katawan!" Sigaw ulit nito sakin.
Aba. Sineryoso niya talaga yung sinabi ko?
"Tumahimik ka na nga dyan puto at kumain ka nalang." Sagot ko tsaka pinagtuonan nalang nang pansin ang pagkain ko.
"Anong puto pinagsasabi mo?"
Tinignan ko siya nang walang gana. "Ikaw. Sino pa ba mahilig sa dinuguan na may puto dito?"
"Aba, pwes tatawagin rin kitang chon! In short, mahilig sa letchon kawali!" Sabi naman nito at nagsimula ng kumain.
Napangisi nalang ako. "Bahala ka, puto."
Di na ito sumagot at tumingin nalang ng masama sakin tsaka ako inirapan. Haha. Ang sarap talaga asarin.
BINABASA MO ANG
The Loner's First Love [ COMPLETED ]
Teen FictionLiam Torn Ocampo -- Isang introvert at walang pakialam sa mundo. Pero sa kabila nang pagiging seryoso nito ay isang babae lang pala ang magpapaibig sa kanyang matigas na puso. Makakaahon pa kaya siya sa kanyang pagkakahulog? Date Started: June 16, 2...