CHAPTER 7

80 42 55
                                    

Kasalukuyan akong palakad-lakad sa apartment ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kasalukuyan akong palakad-lakad sa apartment ko. Di ako mapakali. Tangina. Friday na kase ngayon.

Ano ba kasi sa tingin niyo ang friday?

Eh ano pa nga ba? Edi ngayon na yung birthday party na pupuntuhan namin ni Reen.

Tinatanong niyo na naman kung anong meron sa birthday party?

Pwes, ano pa nga ba?

EDI NGAYON NA YUNG PAGPAPANGGAP NAMIN!

Tangina. Para na ata akong mamamatay. Buong buhay ko ngayon lang ata ako kinabahan ng ganito. Putcha.

Napagdesisyunan namin ni Reen na umabsent muna ngayong araw. Di naman big deal yun sakin kasi unang-una di naman lahat ng subjects ko pinapasukan ko. Pangalawa, di naman ako grade conscious. Pangatlo, ideya to ni Reen kaya no choice na talaga ako. Ayokong masapak nang wala sa oras. Nakakailan na yun sakin eh. Tss.

Muntik na 'kong mapamura nang biglang tumunog ang cellphone ko. Tumatawag si Reen.

"Oh?" Sagot ko sa kanya.

"Hoy lalake! Asan ka na ba? Malapit nang magsimula! Pumunta kana ngayon dito, itetext ko ang address sayo. Magtaxi kana lang. Ngayon na!" Sigaw nito sa kabilang linya at binabaan ako.

Nakng teteng. Nakita ko naman agad ang tinext niyang address. Medyo malapit lang din ito sa apartment ko. Nabigla ako nang tumunog ulit ang cellphone ko.

"Ano na naman?" Tanong ko sa kanya.

"Wag na wag mong isiping tumakas ha! Sinasabi ko talaga sayo! Ipapahunting talaga kita! Sige na, hihintayin kita dito sa gate namin!" Sigaw na naman niya sakin. Napahawak ako sa isang tenga ko. Nakakarindi talaga ang boses niya.

"Oo na." Sabi ko nalang tsaka binaba ang tawag.

Tinignan ko muna ang itsura ko sa salamin, mahirap na baka sabihin ng magulang niya na ang dugyot-dugyot ng boyfriend kuno niya. Nakakahiya naman sa kagwapuhan 'kong to diba? Diba?

Ang umepal may balat sa pwet.

Agad din naman akong umalis at nagpara ng taxi para makapunta sa venue. Sabi niya sa bahay lang daw gaganapin ang birthday party ng pamangkin niya since medyo malaki naman yung bahay nila. Tsaka di naman daw lahat ng relatives niya nandun, yung mga close na kamag-anak lang daw nila ang nandun.

Naka-earphones lang ako buong byahe. Inaantok tuloy ako. Tss.

Pagkarating ko sa venue ay agad ko namang nakita si Reen malapit sa gate. Naka cross-arms ito at yung kilay niya, grabe. Umabot na ata sa 10th floor ang taas. Hays. Masasapak na naman siguro ako.

Agad akong bumaba at nagbayad sa taxi. Nakita niya ako kaya agad din niya akong nilapitan.

"Ba't ang tagal mo?! Kanina pa 'ko naghihintay dito!" Bungad niya sakin sabay hampas sa balikat ko.

The Loner's First Love [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon