"Fuckshit! Talunin mo! Talunin mo!" Sigaw ko habang naglalaro ng Dota sa isang internet cafe malapit sa school namin.
Nakaugalian ko na talagang pumunta dito bago pumasok sa skwelahan. Nagcu-cut din ako minsan sa ibang mga subject namin para lang maglaro ng Dota.
Di naman talaga ako bulakbol na estudyante. Di rin naman ako bobo. Sadyang ayoko lang talaga pumasok sa mga subject na pinamumunuan ng mga prof na walang ibang ginawa kundi ang laitin ang mga estudyante sa tuwing nagkakamali at di agad nagegets ang pagtuturo nila.
Seriously? Nasa amin ba talaga ang problema o sila talaga ang may problema?
Yung iba kasi sobrang perfectionist. Yung tipong kung gaano sila katalino, dapat ganun din kami. Kung ano yung naabot nila, yun din ang maabot namin. Ang lalaki ng mga expectations porket isang science university ang school na pinapasukan namin.
Nakakairita lang talaga.
Kaya ayun, kesa pumasok sa klase at tumanganga sa harap ng mga mukha nila. Mas magandang wag nalang pumasok. Syempre, sa ibang subjects lang naman ako di pumapasok. Pumapasok parin naman ako sa Zoology, Chemistry, at Laboratory namin. May ibang mga prof parin naman kasing ang gaganda magturo. Yung nakakainspire. Naks.
Napasuntok ako sa paa ko nang biglang tumunog ang computer na nasa harap ko. Takte! Game over na? Natalo ako? Tss.
Minsan talaga bigla-bigla nalang akong napapatulala kapag may iniisip ako. Kaya kapag nasa kalagitnaan ako ng paglalaro, natatalo ako.
Tumayo nalang ako at pumunta sa counter kung saan umuupo ang may-ari ng internet cafe nato.
"Tapos na ako, Cris. Magkano babayaran ko sa oras?" Tanong ko sa may-ari. Kilala ko na kasi siya. Kilala na rin niya ako. Pabalik-balik na kasi ako dito.
Bigla naman itong napalingon sakin at ngumisi. "Oy tukmol. Tapos kana pala? Hahaha. Ba't ang aga mo atang natapos ngayon sa laro mo? Minsan umaabot ka pa nga ng walong oras dito."
"Natalo na naman ako eh. Wala ata ako sa wisyo ngayon maglaro." Sagot ko nalang.
"Aba, bakit? May problema? Problemang chix ba yan? Naku! Binata kana talaga, Liam!" Sabi niya pagkatapos ay humalakhak.
"Ulol. Tumigil ka nga. Magkano ba babayaran ko?"
Tumigil naman ito sa pagtawa pagkatapos ay tumingin sa computer na nasa harap niya. "Hmm. Mga singkwenta lang." Sagot niya at tumingin ulit sakin nang nakangisi.
Kinuha ko ang wallet ko sa bulsa at dumukot ng pera at binayad sa kanya. "Ayan. Salamat. Alis na ako. " Paalam ko.
"Okay brad ingat ka! Pakilala mo ako sa chix mo ha!" Sigaw nito sakin. Di ko nalang pinansin at naglakad nalang papuntang skwelahan.
Napabuga ako ng hangin. Speaking of chix? Naalala ko tuloy yung pag-uusap namin ni Reen nung nagdaang araw.
Sa totoo lang may mga kakilala naman talaga ako eh. Kaso, di umabot sa puntong sobrang close na namin. Yung parang tropa na talaga na kahit saan magkakasama. Sa akin kasi hanggang bati-bati lang at usap ng konti tapos ayun, uwi na.
Wala rin naman akong trust issues at kung ano-ano pa. Sadyang di ko lang talaga trip.
Pagpasok ko sa skwelahan ay agad akong pumunta sa elevator at pinindot ang 5th Floor. Nasa 5th Floor kasi ang laboratory namin.
Nabalitaan ko rin kahapon na magda-dissect daw kami ng palaka ngayon. Pupusta ako, may magtitilian at mag-iiyakang babae na naman mamaya.
Pagdating ko sa room namin ay agad akong umupo sa pinakagilid at pinakadulo. Dun kasi talaga ang pwesto ko. Kapag laboratory kasi, by group. Pero pag lecture, individual na. Ganun.
At sa kasamaang palad, magkagrupo kami.
Sino paba ang tinutukoy ko kundi ang babaeng makulit. Si Reen.
Magkaklase kami sa lahat ng subjects. Magkatabi din kami sa tuwing laboratory. Ewan, sanay narin naman ako.
Inilagay ko nalang ang bag ko sa mesa pagkatapos ay yumuko. Iidlip muna siguro ako.
Magso-soundtrip na sana ako nang may umupo bigla sa tabi ko at hinuli ang kamay ko para di matuloy ang paglagay ko ng earphones sa tenga ko.
"Torn naman eh. Matutulog kana naman?" Tanong niya sakin at tumawa.
Wala akong choice kundi ang umayos ng upo at tumingin sa kanya. "Nangungulit ka na naman."
Inilapag din nito ang dalang bag niya pagkatapos ay nakaupong humarap ito sakin. "Magdi-dissect daw tayo ngayon? Yieee! I'm so exciteeeed." Tili niya.
Tinitigan ko lang siya pagkatapos ay napatawa nang mahina. "Excited ka? Di kaba takot sa palaka?"
Umiling ito nang ilang beses pagkatapos ay tumingin sakin na parang bata na kulang nalang kumislap ang mga mata nito.
"At first, nandidiri talaga ako sa palaka kasi ang rough ng balat nila. Pero kahit ganun, nakyukyutan parin ako sa kanila. Ang laki kasi ng tiyan nila. Ang sarap pisilin. Hahahaha." Sagot niya sakin.
Tumango nalang ako at binuksan ang bag pagkatapos ay kinuha ang paboritong notebook ko. Dito ako nagdadrawing kapag bored. Mahilig talaga ako magdrawing o magsketch ng kung ano-ano.
"Anong ginagawa mo?" Tanong niya pagkatapos ay umusog palapit sakin at tinignan ang notebook ko.
"Nagdadrawing ka pala? Ba't di ko alam? Hahaha. May talent ka pala eh. Patingin nga!" Sabi niya at kinuha ang notebook ko.
Binuklat buklat niya ito at tinignan ang bawat pages.
"Wow! Ang ganda naman ng mga drawing mo. Sa susunod, magpapadrawing ako sayo ha? Naka-nude. Hahaha!" Sabi niya at humalakhak.
Napatawa nalang ako. Alam ko namang nagbibiro lang siya kaya sinabayan ko nalang ang trip niya at umuoo nalang ako.
Lumipas ang ilang minuto at dumating na ang prof namin. Babae siya. Dalaga pa. Crush nga ng ibang estudyante dito eh.
"Good Afternoon class. Gaya nga nang sabi ko last meeting. Magdi-dissect tayo ngayon. Kaya yung mga takot sa palaka dyan, bukas naman ang pintuan. Makakaalis na kayo. Hahahaha." Nagbibirong sabi nito.
Nagkagulo bigla yung mga kaklase namin dahil sa sinabi ni Maam. Yung iba parang mga batang nagpapadyak pa, yung iba mukhang wala lang sa kanila, yung iba tumatawa lang.
Nabigla ako nang may yumugyog sa balikat ko. "Eeeeh! Excited na talaga ako!" Tili nito. Napabuntong hininga nalang ako at tumingin sa mga kaklase ko.
Sanay na kasi kaming makita ng ibang classmates namin. Alam din nilang nangungulit si Reen sakin pero di ko pinapansin. Sa katunayan yung iba nagseselos sakin, yung iba natatawa nalang samin, yung iba ang sama ng titig na parang may nakasabit na sign sa noo na "Ang kapal ng mukha. Dumidikit ka lang naman kasi alam mong famous."
Mga ganun. Ewan ko ba, ba't big deal sa kanila eh wala naman akong ginagawa.
"Okay class. Magsimula na tayo." Anunsyo ni Maam at nagsimulang tignan at ilabas ang palaka na dala ng bawat grupo.
At tuluyan na nga akong nabingi sa mga tili at iyakan ng mga classmates kong babae.
--
Author's Note:
So how was it? Huhu. Suggestions, Reactions? I-comment niyo lang po. Kahit positive or negative yan, tatanggapin ko. Hihi. Wag po bumitaw. ~
BINABASA MO ANG
The Loner's First Love [ COMPLETED ]
Teen FictionLiam Torn Ocampo -- Isang introvert at walang pakialam sa mundo. Pero sa kabila nang pagiging seryoso nito ay isang babae lang pala ang magpapaibig sa kanyang matigas na puso. Makakaahon pa kaya siya sa kanyang pagkakahulog? Date Started: June 16, 2...