CHAPTER 8

76 40 47
                                    

Akala ko talaga katapusan na ng buhay ko kanina

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Akala ko talaga katapusan na ng buhay ko kanina. Mabuti nalang talaga at mabait yung parents ni Reen. Jinoke time lang pala kaming dalawa. Hays.

Nandito kami ngayon sa garden. Nasa table nang family ni Reen to be exact. Kasalukuyan na kasing nagsasalita yung emcee nila para sa gaganaping event nila. Pero bago daw muna ang mga games ay kakain daw muna. Mabuti nalang, medyo gutom na rin kase ako. Pft.

"Anong sayo? Ako na kukuha." Tanong ni Reen sakin.

Umiling ako. "Di, ako na." Sabi ko nalang at kumuha na ng pagkain. Sumunod nalang din ito sakin tsaka kumuha narin ng pagkain para sa sarili niya.

Nang makabalik na kami sa table namin ay agad namang nagtanong ang mommy ni Reen.

"Kailan ba naging kayo ng anak ko, Liam?" Nakangiting sabi nito sakin.

"Hmm. Last month lang po." Sagot ko sa kanya.

"Saan naman kayo nagkakilala?" Tanong naman nang daddy ni Reen.

"Sa school po. Classmates kasi kami." Sagot ko.

"Ah, ganun ba. Can you tell us the whole story kung bakit naging kayo ng anak ko?" Nakangiting pakiusap ni Tito sakin.

Di muna ako sumagot. Inalala ko munang mabuti yung sinabi sakin ni Reen kung sakaling itatanong ito nang mga magulang niya.

"Uh, ganito po kasi yun. Kumakain kasi nun si Reen ng street food sa isang stall malapit sa skwelahan namin. Tapos naparami yung kain niya. Kukuha na sana siya ng perang pambayad sa wallet niya kaso nawala niya ito. Di niya alam ang gagawin niya kaya nandun lang talaga siya sa stall at hindi pa nagbabayad. Mabuti nalang at nandun din ako sa stall kung saan siya kumakain. Binayaran ko yung pagkain niya. Naawa kasi ako, parang iiyak na kasi siya nun." Mahabang paliwanag ko sa kanila.

"Hahaha! Talaga? Ikaw yung nagbayad para sa kanya? Magkakilala na ba kayo nun, iho?" Tanong ng Daddy niya.

"Hindi po." Sagot ko sa kanya.

Nabigla nalang ako nang hampasin ako sa braso ni Reen kaya napalingon ako sa kanya. Ang sama sama ng tingin niya sakin na para bang papatayin niya ako. Di ko kasi sinunod yung sinabi niya. Hahaha.

"Oy, anak ha. Wag mong ginaganyan si Liam. Tsaka ba't ka ba nagagalit? Nahihiya ka bang pag-usapan kung paano kayo nagkakilala? Ang sweet kaya." Sabi ng Mama niya at humagikhik.

Napatawa nalang ako nang mahina. May kakampi pala ako dito. Pft.

"Mabuti naman kung ganun. Salamat sa pagtulong sa anak ko. Medyo nakakahiya nga yun nang konti." Sabi ni Tito at tumawa pagkatapos ay tinignan si Reen.

"Papa naman!" Maktol ni Reen kaya napatawa nalang kaming lahat.

Napatigil naman kami ng biglang nagsalita ang isang batang lalake na katabi ng Mommy ni Reen.

The Loner's First Love [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon