"Pasok ka." Sabi ko sa kanya sabay bukas ng pintuan ng pad ko. Mabuti nalang talaga at nakapagligpit ako kagabi.
"Wow. Ang ganda naman ng pad mo. Ikaw lang ba mag isa dito?" Tanong niya sakin.
"Oo." Sagot ko naman. "Umupo ka lang muna dyan sa sofa. Magbibihis lang ako." Sabi ko.
Pagkatapos 'kong magpaalam sa kanya ay agad din akong nagtungo sa kwarto at nagbihis. Agad din naman akong lumabas at pumunta sa kusina para ipagtimpla siya ng juice at kumuha na rin nang makakain namin.
Muntik ko nang mabitawan ang baso na hawak ko nang bigla siyang sumulpot sa likod ko. Nakng, mamamatay ako ng maaga sa babaeng to!
"Ikaw rin ba ang nagluluto para sa sarili mo?" Random niyang tanong.
Napalingon ako sa kanya at sinamaan siya nang tingin. "Tangina. Pwede ba, wag ka ngang pasulpot-sulpot."
Nagpeace sign lang ito sakin pagkatapos ay ngumiti. "Sorry naman. Nagtatanong lang eh."
Ipinagpatuloy ko na ang pagtitimpla ng juice tsaka kumuha ng dalawang slice ng chocolate cake sa ref. Wag na kayong magtaka, may stock talaga akong pagkain sa ref ko. Mabilis kasi akong magutom lalo na't nagdodota ako.
Inilagay ko ito sa tray tsaka dinala papunta sa maliit kong mesa na nasa sala.
"Dun tayo sa sala." Sabi ko kay Reen. Sumunod din naman ito sakin.
Pagkatapos 'kong ilagay ang pagkain sa mesa ay agad din akong umupo sa pang isahang sofa. "Kumain ka muna." Aya ko sa kanya.
Nakatingin lang ako sa kanya na sobrang busy sa paglilibot ng tingin sa buong pad ko. Paano niya nga ulit ako napapayag na dalhin siya dito? Putek.
"Ang linis ng buong pad mo. Di halatang masinop ka pala sa gamit no? Hahaha." Sabi niya sabay tawa.
"Syempre. Ako din naman ang maglilinis."
"Saan ba parents mo?" Tanong niya sabay inom ng juice. Aba, di talaga nahiya. Pinatong niya pa yung paa niya sa sofa. Takte.
"Wala na." Sagot ko nalang.
Napakunot naman ang noo nito. "Anong wala na?"
"Wala sila dito."
"Bakit naman? Saan ba sila? Nagtatrabaho ba?" Tanong ulit nito sakin kaya napabuntong hininga nalang ako.
"Nagkahiwalay na." Makiling sagot ko.
Napatigil naman ito sa pagkain. "Ah, sorry."
Ngumiti ako nang bahagya. "Okay lang."
"So, ikaw lang talaga mag isa dito?" Tanong niya ulit sakin sabay kain ng chocolate cake.
Napakamot ako sa pisnge. "Paulit-ulit ka."
Napatawa naman ito. "Di, ang ibig sabihin ko ikaw lang ba ang bumubuhay sa sarili mo? Nagpa-part time job ka ba?"
Umiling ako. "Hindi. Nagsusustento parin naman yung ama ko."
"Eh yung mama mo?" Tanong niya.
Napakunot naman ang noo ko. Tangina. Sa tuwing naaalala ko talaga yung babaeng yun, di ko maiwasang mairita. Bwesit kase.
"Ewan ko. Wala naman yung pake."
"Ah. Okay." Sagot nalang nito.
Nang maramdaman niyang ayokong pag usapan ang tungkol dun ay ipinagpatuloy niya nalang yung pagkain niya hanggang sa maubos niya yung dalawang slice ng cake.
"Hay, ang sarap naman. Busog na 'ko. Salamat, Torn ha." Nakangiting sabi nito tsaka hinaplos haplos ang tiyan niya.
"Halata ngang busog na busog ka. Kinain mo nga yung dapat na para sakin eh." Sagot ko.
Napanganga naman ito tsaka napatakip nang bibig. "Hala! Sorry! Akala ko akin yun lahat eh!"
Napatawa ako sa reaksyon niya. "Okay lang. Sayo talaga yun."
"So? Pag usapan muna natin yung tungkol sa pagpapanggap natin." Sabi nito.
Napaupo naman ako nang maayos. "Okay."
"Unang-una, dapat palagi ka lang nakangiti para gwapo tignan. Pangalawa, wag kang lalayo sakin. Pangatlo, dapat sweet tayo sa isa't-isa. It's okay to be clingy. Tsaka, ayaw mo nun? Chance mo na 'tong makahawak sa curves ko. I really don't mind, Torn. Hahahaha!" Sabi nito.
Napabuga ako ng hangin. "Di ako sanay humawak ng babae. Tsaka, hiyang-hiya naman ako sayo. Para namang gustong-gusto kitang hawakan ah."
Napamura ako nang bigla niyang tinapon sakin yung throw pillow na nasa sofa. Ang sama ng titig niya sakin na para bang ang laki ng kasalanan ko sa kanya.
"Di mo ba alam na halos lahat ng mga lalake sa school natin ay gustong-gustong hawakan yung katawan ko?!" Iritado niyang sigaw sakin.
"Sorry, but I'm not one of them." Sagot ko sa kanya na mas lalong ikinagalit niya.
"Liam Torn Ocampo!"
"Ano?" Patawa-tawa kong sagot sa kanya.
Bigla itong huminga nang malalim na para bang pinipigilan ang sarili. Pagkatapos ay tumingin ito sakin. Nabigla ako kasi ang lagkit nang pagkakatingin niya sakin. Tapos bigla itong ngumiti na para bang nang-aakit! Tangina, sinasapian na yata!
"H-Hoy!" Sabi ko sa kanya pero parang wala lang itong narinig at ipinagpatuloy lang nito ang ginagawa niya.
Umayos ito nang upo pagkatapos ay niluwagan yung pagkakabutones ng uniform niya. Kinagat niya pa yung ilalim ng labi niya pagkatapos ay dahan-dahang itinukod ang dalawang kamay sa mesa na nasa harap namin. Inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko kaya wala na 'kong magawa kundi ang mapaatras sa kinauupuan ko.
"T-Tumigil kana nga." Sabi ko sa kanya.
"Bakit ako titigil? Di ka pa ba nagagandahan sakin?" Sagot nito sakin sa nang-aakit na boses.
Di ako nakasagot at nakatitig lang ako sa mukha niya. Napatitig ako sa mga mata niyang kulay brown, sa matangos niyang ilong, sa mapupula niyang labi. Anak ng teteng! Baka di ko mapigilan ang sarili ko sa ginagawa ng babaeng to!
Lumipas ang ilang segundo at bigla itong napatakip ng bibig tsaka tumawa nang napakalakas. Napaupo pa ito sa mesa at halos maiyak na ito sa kakatawa. Tangina.
"Hahahaha! Yung mukha mo! Grabe!" Sabi nito sabay tawa parin. Napakunot lang ang noo ko. Pinagtitripan niya ba ako?
"Hahaha! Hay naku!" Sabi nito tsaka umayos nang upo. "Kung nakita mo lang yung mukha mo kanina, Torn. Grabe talaga! Hahaha. Priceless eh."
Ewan ko ba. Parang di ako natuwa sa sinabi niya.
"Oh ano, tameme ka? Yan ba yung sinasabi mong, I'm not one of them ha? Hahaha." Sabi pa nito.
Di ko alam. Bigla nalang akong may naramdaman sa katawan ko kaya di ko na napigilan ang sarili ko.
"Wag na wag mokong susubukan, Reen." Sabi ko sabay hila sa braso niya at pagkatapos ay isinandal ito sa pader. Nakita ko namang nagulat ito sa ginawa ko.
Pinalapit ko yung mukha ko sa mukha niya na halos isang dangkal na lang yung pagitan ng mga labi namin. Bumibilis narin ang paghinga ko, tangina.
"Torn.." Mahinang tawag sakin ni Reen.
Tinitigan ko siya sa mata pagkatapos ay sa mga labi nito. "Wag na wag mo na ulit gagawin yun sa harap ko, Reen. Lalake parin ako at baka nakakalimutan mong nasa teritoryo kita..." Sabi ko.
Inilapit ko ang labi ko sa labi niya pero agad ko itong iniwasan at hinalikan ang tuktok ng ulo niya. "...Baka anong magawa ko sayo."
BINABASA MO ANG
The Loner's First Love [ COMPLETED ]
Teen FictionLiam Torn Ocampo -- Isang introvert at walang pakialam sa mundo. Pero sa kabila nang pagiging seryoso nito ay isang babae lang pala ang magpapaibig sa kanyang matigas na puso. Makakaahon pa kaya siya sa kanyang pagkakahulog? Date Started: June 16, 2...