CHAPTER 9

75 38 48
                                    

Napatayo kaming dalawa ni Reen nang tawagin kami ng emcee, at dahil wala na rin naman kaming choice ay agad naman kaming pumunta sa harap ng stage

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Napatayo kaming dalawa ni Reen nang tawagin kami ng emcee, at dahil wala na rin naman kaming choice ay agad naman kaming pumunta sa harap ng stage. Napatingin kami sa isa't-isa kaya tumango ako sa kanya. Napagdesisyunan kasi namin na magduduet nalang kami at ako ang mag gigitara.

Huminga muna ako nang malalim bago sinimulan ang pagkalabit ng gitarang hawak ko.

'Till I Met You by James Reid & Nadine Lustre

I never dream
'Cause I always thought that dreaming was for kids
Just a childish thing
And I could swear
Love is just a game that children play
And no more than a game

Nabigla ako nang kinanta na ni Reen ang unang stanza. Di ko alam na maganda pala yung boses niya! Ang lamig sa pandinig. Napatitig ako sa kanya habang siya naman ay nakatitig lang sa baba habang hawak-hawak niya ng mahigpit yung mic niya.

Till I met you
I never knew what love was
Till I met you
This feeling seems to grow more everyday
I love you more each day

Kinakabahan ako kanina pero ewan ko ba at bigla nalang itong nawala nang marinig ko ang boses niya. Huminga ulit ako nang malalim bago idinikit ang labi ko sa mic at kumanta.

I believe you
I believe in every word that you say
I love you all the way
Now I could swear
Love is not a game that children play
So tell me that you'll stay

Napatingin ako sa mga audience. Nakatingin lang ang mga ito samin. Kaya napatingin nalang ako kay Reen na nakayuko, napatingin din naman ito sakin.

Till I met you
I never knew what love was
Till I met you
This feeling seems to grow more everyday
I love you more each day

Nakatingin lang kami sa isa't-isa habang nag gigitara at kumakanta ako. Di ko maiwasang mapatitig sa mga mata niya, para kasing may sinasabi yung mga mata niya habang nakatitig sakin.

You and I should be together
Can't you see
Can't you see

Till I met you
I never knew what love was
Till I met you
This feeling seems to grow more everyday
I love you more each day

Till I met you
Oh, I never knew what love was
Till I met you
This feeling seems to grow more everyday
I love you more each day

Natapos din naman kami kaya hinubad ko na ang sling ng gitarang hawak ko at inilapag ito sa stage. Tahimik parin ang paligid kaya di ko maiwasang mapamura nang mahina. Panget ba ang kinalabasan nang ginawa namin?

Pababa na sana kami ng stage nang naramdaman naming biglang nagsitayuan yung ibang audience at pumalakpak. Nagkatinginan kami ni Reen at di na naiwasang ngumiti sa isa't-isa dahil sa tuwa. Buti naman at may napala kami sa ginawa namin.

"Wow! That was great love birds!" Sigaw ng emcee at pumalakpak samin.

Agad din kaming nakabalik sa table namin at umupo. Sinalubong kami ng mommy at daddy ni Reen na nakangiti samin.

"Sobrang proud ako sa inyong dalawa!" Sabi ng Mommy ni Reen at niyakap kaming dalawa.

"Di namin alam na may talent ka din pala, Liam." Sabi naman ng Daddy ni Reen na nakangiti rin.

"Thankyou po." Sagot ko at ngumiti rin pabalik.

Nabigla nalang kami ni Reen nang umiyak yung Mommy niya habang nakatingin samin.

"I-I'm sorry. Di ko lang maiwasang mapaiyak sa tuwa. T-The way you stare each other while singing, ramdam 'kong mahal na mahal niyo talaga ang isa't-isa. I'm so happy for the both of you." Sabi ni Tita habang pinupunasan ang luha niya.

"Mommy.." Usal naman ni Reen.

"Napansin ko din yun kanina. Masaya din ako na nakatagpo ka na ng lalaking mamahalin mo, Reen. At first, nabigla talaga ako. Pero kung diyan ka naman sasaya, di ka namin pipigilan anak. Kaya wag kang mag alala, botong-boto ako kay Liam para sayo." Nakangiting sabi naman na Tito habang nakayakap at pinapatahan si Tita.

Wala na kaming nagawa ni Reen kundi ang ngumiti nang matipid sa mga magulang niya. Di naman namin alam na sobrang magiging successful yung pagpapanggap namin.

Ewan ko ba at bigla nalang may kumikirot sa dibdib ko sa tuwing binabanggit ko ang salitang, pagpapanggap namin? Takte. May sakit na ata ako sa puso.

"Okay mga pips! Napag-usapan at napagdesisyunan na po namin kasama ang mga judges para sa contest nato kung sino yung nanalo! At halata namang alam niyo na kung sino yung nanalo diba? Naku, talaga namang kinilig kayo sa kanila. Kaya congratulations, Liam & Reen! Kayo ang nanalo sa game nato!" Sigaw ng emcee kaya agad namang nagpalakpakan ang mga tao dito sa garden.

"At dahil dyan, matatanggap niyo na ang premyo niyo! 1 day vacation in Baguio for free!" Sabi nito at agad na bumaba ng stage.

Si Tito ang kumuha ng ticket sa stage at pagkatapos ay ibinigay ito samin. Napaisip tuloy ako, pupunta ba talaga kami ng baguio?

Di naman nagtagal ang games at natapos na rin ito. Nag enjoy naman ako kahit papaano. Ang bait naman kasi ng parents ni Reen. Taliwas sa iniexpect kong parents niya.

"Salamat talaga sa pagbisita dito, Liam iho." Sabi ng Mommy ni Reen at niyakap ako.

"Walang anuman po, Tita." Sagot ko sa kanya.

"Bumalik ka ulit sa susunod ha?" Sabi ulit ni Tita kaya tumango nalang ako sa kanya.

"Mag-iingat kayo. Reen, ihatid mo na siya." Sabi naman ng Daddy ni Reen.

"Opo, dad. Sige po. Una na kami." Paalam naman ni Reen sa parents niya at nagsimula na rin kaming maglakad palabas ng gate. Nasa subdivision kasi yung bahay nila. Yung akin kase, pad siya pero nasa isang subdivision rin. Mayaman kasi yung may-ari.

"Uhm.." Usal ni Reen kaya napatingin ako sa kanya.

"I-I just want to say thankyou. Thankyou kasi pumayag ka na sumama dito. At di ko iniexpect, nagustuhan ka nila, Torn.." Sabi ni Reen sakin. Nabigla ako nang ngumiti ito habang nakatingin sakin. Naramdaman ko nalang ang pagkabog ng dibdib ko sa ginawa niya.

"Thankyou so much." Usal nito at niyakap ako.

Di ko namalayan. Bigla nalang umangat ang kamay ko para yakapin siya pabalik. Napangiti ako. Sa kauna-unahang pagkakataon, napangiti ako sa isang babae. "You're welcome, as always, Reen."

The Loner's First Love [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon