CHAPTER 13

59 32 34
                                    

"Hoy Torn! Halika dito, picture tayo bilis!" Sigaw sakin ni Reen habang kinakawayan ako

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Hoy Torn! Halika dito, picture tayo bilis!" Sigaw sakin ni Reen habang kinakawayan ako.

Pagkatapos kasi naming magpahinga ay dumiretso kami agad sa Bridal Veil Falls. Isa kasi ito sa tourist spots dito sa Baguio. May hanging bridge din ito na talagang mataas talaga at nakakatakot. Pero matibay naman daw ito sabi nila.

Bago kami pumunta dito ay tumigil muna kami sa Lion's Head. Malapit din kasi ito sa Bridal Veil Falls. Pareho kasi itong nasa Kennon Road. May taas din ata itong 40 ft. Di ako masyadong sure tungkol dyan pero kumuha din kami ng litrato doon.

Napabuga nalang akong ng hangin pagkatapos ay pumunta sa kinaroroonan ni Reen. Kanina pa 'ko tinatawag nito. Nakatayo kasi ito malapit sa railings kung saan pwede mong tignan ang falls nang malapitan.

Hayaan na nga. Ngayong araw lang naman to. Pagkatapos nito, balik na ulit sa dati.

Pagkalapit ko sa kanya ay agad niya akong hinila sa tabi niya at itinutok ang dslr sa mga mukha namin. Ngumiti ito nang malapad habang naka peace sign sa camera. Bigla nalang akong napa-aray nang sikuhin niya ko.

"Tsk. Bakit ba?" Tanong ko sa kanya.

Sinamaan niya lang ako ng tingin tsaka nagsalita. "Magkano ba ang ngiti mo at bibilhin ko? Psh. Ngumiti ka nga! Lagi ka nalang nakasimangot sa mga picture natin." Reklamo nito.

"Oo na." Sagot ko. Itinutok ulit niya sa mukha namin yung camera pero kitang-kita parin yung falls sa likod namin. Ngumiti ulit ito nang malapad kaya ngumiti nalang din ako.

"Ayan! Oh diba. Mas maganda yung picture kapag nakangiti tayong dalawa!" Sabi nito habang tinitignan yung mga kuha naming dalawa.

Di ko nalang siya sinagot at tumingin nalang sa Falls.
"Kailan paba tayo aalis? Kanina pa tayo dito. Nagugutom na 'ko." Sabi ko habang nakatingin parin sa Falls.

"Tara na nga. Marami na din akong litrato dito. Kain na muna tayo. Saan ba si Kuya Kokoy?" Tanong nito at tumingin-tingin sa paligid.

"Ay, ayun pala si kuya oh! Tara na." Sabi nito at hinila ako papunta sa kinaroroonan nito.

"Kuya gutom na daw 'tong si Torn. Saan po ba tayo pwedeng kumain?" Tanong nito habang hawak-hawak parin yung kamay ko kaya hinila ko ito pabalik.

"Marami namang magagandang restaurant dito Maam Reen. Pero pwede po tayong kumain sa Ketchup Food Community. Masarap po daw yung mga pagkain dun tsaka dinadayo din ito ng mga maraming turista." Sagot ni Kuya Kokoy.

"Ketchup Food Community? Ang weird naman ng pangalan. Puro ketchup ba yung pagkain na sini-serve nila?" Tanong ulit ni Reen. Napatawa nalang ako nang mahina. Ang inosente talaga. Haha.

"Hahaha. Pumunta nalang po tayo doon para malaman niyo." Natatawang sagot ni Kuya kay Reen.

Agad kaming naglakad papunta sa Van at sumakay dito. Alam naman daw ni Kuya Kokoy yung daan papunta dun kasi pabalik2 na daw siya dito sa Baguio.

Pagkarating namin dun ay agad kaming naghanap nang table at umupo. Nakakapagod din pala. Si Kuya naman daw ang bahala sa pag-order ng pagkain.

"Ang ganda talaga dito sa Baguio no? Sayang at isang araw lang tayo dito. Pero pwede naman tayong bumalik ulit kapag summer na." Nakangiting sabi sakin ni Reen na busyng-busy sa pagkalikot ng dslr niya.

Di ako sumagot at napatitig nalang sa kanya habang kumukuha ito ng mga litrato. Ngayon ko lang ata siya nakitang ganito kasaya sa bawat araw na lagi kaming magkasama. Tangina. Nakakahiya mang aminin pero nakaka-adik tignan yung mga ngiti niya.

Nagulat nalang ako at napapikit nang biglang itinutok sakin ni Reen yung dslr na dala-dala niya. Putspa!

"Wag mo nga akong idamay." Inis na sabi ko sa kanya. Ninakawan ba naman ako ng litrato? Tsk. Tumawa lang ito at pinagpatuloy yung pagkuha niya ng mga pictures. Di pa ba siya napapagod kakapicture? Tss. Ibang klase.

"Heto na yung pagkain natin." Sabi ni Kuya Kokoy nang dumating ito dala yung pagkain namin.

"Wow! Ano pong pangalan ng pagkain nato Kuya?" Tanong ni Reen habang pinipicturan ito.

"Kiniing Chicken ang tawag dito. Masarap daw to." Sagot ni Kuya at umupo na katabi namin.

Nagsimula na kaming kumain at di ko maiwasang mapangiti. Masarap nga talaga ito.

Nakadalawang order kami ng Kiniing Chicken tsaka iba pang pagkain dito sa restaurant. Masarap kasi talaga yung mga luto nila. Si Reen nga nakatatlong plato eh.

"Waah! Busog na busog na ako!" Sabi ni Reen tsaka hinihimas-himas yung tiyan niya. Ayan na naman siya sa gawain niya kapag nabubusog.

Nagpahinga lang kami ng konti bago umalis at pumunta sa Burnham Park. Tuwang-tuwa si Reen habang nandun kami. Sumakay rin kami sa mga bangkang pambata lang ata. Picture din nang picture si Reen kung saan-saan.

Pumunta din kami sa Baguio Craft Brewery at sa Cemetery of Negativism. Ngayon ko lang nalaman na pwede palang ilibing ang negative energy at unproductive thoughts ng mga tao dun sa park na yun.

Huling pinuntahan namin ay ang Botanical Garden. Puno ito ng mga magagandang bulaklak. May mga replica din ng mga native hut doon. Ginawa daw yun bilang ala-ala sa mga local igorot na pumanaw na.

6PM na nang hapon nang mapagdesisyunan namin na umuwi muna sa hotel para makapagpahinga. Grabe, ang dami naming napuntahan ngayong araw. Mapilit kasi si Reen, kung ako lang yung tatanungin mas gusto ko nalang tumambay sa hotel kesa gumala nang gumala buong araw. Takte.

"Salamat naman." Mahinang bulong ko nang makahiga nako sa kama ko. Takte, inantok ako bigla.

"Di ka ba maliligo bago matulog?" Tanong sakin ni Reen habang nilalagay yung mga gamit niya sa kama niya.

"Mamaya na." Sagot ko.

"Sure ka? Ako ba mauunang gagamit ng banyo o ikaw? Matagal pa naman akong matapos."

Agad akong tumayo at kumuha ng tuwalya. Pagkatapos ay nilagay yung cellphone ko sa side table ng kama ko. "Ako nalang mauna. Baka makatulog ako sa tagal mong maligo." Sabi ko tsaka pumasok sa banyo.

Habang naliligo ako ay narinig ko ang boses ni Reen na parang may kausap sa labas. Baka si Kuya Kokoy? Nagkibit balikat nalang ako at binilisan ang pagligo.

Agad din naman akong natapos kaya nagbihis na 'ko at lumabas na ng banyo. Nakita ko si Reen na nakaupo sa kama niya.

"Ikaw na." Sabi ko habang pinupunasan yung buhok ko.

Lumingon lang ito sakin tsaka pumasok ng banyo. Umupo ako sa kama ko at ipinagpatuloy ang pagpunas ng buhok ko. Inaantok na rin kasi ako.

Napatingin ako sa side table kung saan ko nilagay yung cellphone ko. Binuksan ko ito at tinignan kung anong oras na. 7 PM na? Ang bilis naman ng oras.

Pagkatapos 'kong punasan ang ulo ko ay agad akong humiga. Inaantok na talaga ako kaya pumikit na 'ko. Hanggang sa makatulog ako sa sobrang pagod.

The Loner's First Love [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon