Day 1

2.3K 62 0
                                    

Madilim at maalikabok ang attic namin. Bihira kasing may umakyat dito. Ngayon lang uli. Kailangan ko kasing makalayo sa mga iyon.

Ano ba'ng nangyayari dito? Bakit ganun ang mga taong yun?

Maayos naman ang lahat kaininang umaga. Maganda ang sikat ng araw. Ang lahat parang walang kaproble-problema sa mundo. Sinamantala ko ang ganda ng araw sa pamamasyal. "Parang magandang mag-swimming ngayon," sabi ko pa sa aking sarili. Kaya naman nakarating ako ng beach. Ang linis ng tubig dagat, asul na asul ang kulay.

Inabot na ako ng dapithapon sa beach. Pa-uwi na ako nang mangyari ang lahat ng kalokohang ito.

Naglalakad ako pauwi ng bahay nang maisipan kong dumaan sa 9-13 para bumili ng makakain. Habang ako'y tumitingin ng pwedeng mabili, may napansin akong nagkakagulo sa may cashier. May bigla na lang bumulagta na ale. Para siyang may epilepsy.

Biglang tumigil ang ale sa panginginig sa sahig na parang wala nang buhay. Nanahimik ang mga taong nakapaligid sa kanya. Lumapit ang cashier sa babaeng nakahiga para tulungan siya. Naisip ko pa na baka modus lang yan para masalisihan yung cashier. Pero tila lahat ay nakatingin sa babaeng nasa sahig.

Palapit na rin sana ako nang biglang sinunggaban ng aleng nakahiga sa sahig ang cashier at kinagat. Napaatras ako sa nakita ko. Nagpumiglas ang cashier pero hinid niya kinaya. Balot ng dugo ang mga labi ng ale na kanina'y nakahiga sa sahig. Wala nang buhay ang cashier na nakahandusay.

Unti unting nilapitan nung ale ang guard kaya napilitan ang guard na itutok ang kanyang baril sa ale at paputukan. Muli nanamang bumagsak ang ale sa sahig. Ngunit sa pagkakataong ito, ang cashier naman ang unti-unting bumangon.

Naisipan ko na lang lumabas ng tindahan. Pero paano? Baka ako naman ang sumunod. Ang ilan sa mga ibang tao sa loob ng 9-13 ang kumaripas na ng takbo sa labas. May ilang nabangga ang cashier kaya ito ay natumba sa sahig. Ginamit ko ang pagkakataong ito upang makalabas sa tindahan.

Hindi pa man ako nakakalayo sa 9-13, nagulat na ako sa aking nakitang kaguluhan. Marami na pala ang tulad nila. Marami nang nagtatakbuhan. Marami nang duguan. Tumakbo ako. Umiwas. Hanggang sa nakarating ako sa lugar na maraming eskinita at doon nagtago.

Kabisado ko ang pasikot sikot dito. Makakapagdago ako at makaka-iwas ako sa kanila hanggang makarating ako sa bahay. Dahan dahan kong tinahak ang pasikot sikot na daan. Sa paglabas ko sa mga makikipot na eskinita, alam kong may kalayuan na ako sa kaguluhan at malapit na sa bahay at tumakbo na patungo doon.

Pagkapasok ko ng pintuan, dali dali ko itong ni-lock. Ngunit may bigla akong narinig na tila may nabasag na bintana.

Nasundan nila ako dito sa bahay. Nakapasok sila... Mabuti na lang at naka-akyat ako dito sa attic namin.

Anong gagawin ko? Napakarami nila. Para akong nasa isang pelikula; isang horror movie.

Zombie.phTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon