Day 8.1

335 15 2
                                    

Mataas na ang araw nang makarating kami sa kanto ng Pasig Blvd Extension. May mga naka-enkwentro kaming mga zombie pero nadispatsa rin namin ang mga yun gamit ang dala naming mga burike at dalawang Molotov.

Tinahak na namin ang Pasig Blvd at tumungo kami sa tulay para tumawid. Mangilan-ngilan din ang sasakyan na inabandona dito. Pagdating namin sa tulay ay tumambad sa amin ang napakaraming mga lumulutang na katawan sa ilog. Ang iba rito marahil ay zombie na rin.

Tumuloy kami sa pagtawid ng tulay hanggang makarating kami sa kanto na kung saan naroroon ang Happy Bubuyog na kilalang fast food restaurant. May ilang zombie na nagkumpulan sa harapan nito na tila gustong pumasok. Dahil siguro sa naaamoy nilang pagkain na nagmumula sa loob ng fast food.

Dahil hindi kami napapansin ng mga zombie, tumuloy na kami sa paglalakad patungo sa aking apartment. May isang zombie na naglalakad pasalubong sa amin patungo sa Happy Bubuyog. Pinanood namin ang zombie at iniwasan namin ito dahil hindi naman kami binigyan ng pansin. Marahil ay mas naaamoy niya ang pagkain sa Happy Bubuyog.

May tatlong araw na rin. Kung yung pagkain sa loob ng fast food ang naaamoy nila, dapat, mas marami pang zombie ang naroroon ngayon.

"Siguro may tao dun," ang sabi ni Yassy.

Mukang pareho kami ng iniisip ni Yassy. "Malamang," ang aking sagot. "Parang ganyan ang nangyari nung una tayong nagluto sa lab."

"Hindi lang ang zombie na yun ang masasalubong natin."

"Posibleng may grupo ng zombie na masasalubong tayo."

Pagod na kaming dalawa in Yassy ngunit kailangan naming makarating sa aking apartment bago magdilim. Kung hindi man dilim ang aming nais iwasan, ang posibleng grupo ng zombie dahil sa amoy ng pagkain sa Happy Bubuyog.

May dalawa o tatlo pa kaming nasalubong na zombie bago kami makarating sa kanto na papasok sa compound kung nasaan ang aking apartment. Tumakbo kami hanggang marating namin sa wakas ang apartment building ko. Umakyat kami sa kung saan naroroon ang aking unit. Tila walang tao sa building. Pero sarado ang mga pintuan. Ayaw ko na lang isipin kung ano ang nasa loob ng ibang unit.

"Andami namang lock nito," ang sabi ni Yassy. Nang ituro ko sa kanya ang aking unit.

"Sorry ha. Medyo praning lang ako," ang sabi ko naman. Dali kaming pumasok at ni-lock ko ang pinto sa aming likuran.

Binuksan ko ang bintana na humaharap sa kalsada kung saan may mga nasalubong kaming zombie na patungo sa Happy Bubuyog. Kinuha ko ang binoculars at tumingin sa direksyon ng kalsada. May mga naglalakad na zombie doon, unti unting dumarami.

"Mabuti at dinalian natin pumunta rito," wika ko kay Yassy. "Halika," sabay abot ko sa kanya ang binoculars. "Tignan mo, marami na sila."

"Oo nga. Lahat sila papunta doon. Hindi magtatagal ang mga salamin ng Happy Bubuyog. Hindi rin magtatagal ang kung sinuman ang nagluluto dun."

"Magpahinga na tayo. Marami akong supply dito. Hindi natin kailangang magluto."

Kumain kami ni Yassy ng supply kong tinapay at de lata. Maaga kami matutulog para hindi na namin kailangan pang buhayin ang ilaw. Maghahanda na kami para sa mas matagal na paglalakbay.

Zombie.phTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon