Day 3

850 22 2
                                    

Nagising ako ng mga alas diyes na ng umaga. Masyado pang maaga. Manonood muna ako ng TV pagkatapos ay matutulog uli.

Parepareho naman ang balita; may naaksidente dito, may nagbarilan doon, matinding tapik.

Sa Pangasinan. Isang babae na hinimatay ang nag-amok sa ospital. Ang babae umano ay...

Babaeng hinimatay? Hindi kaya ito yung kahapon na nadaanan sa biyahe? Maaari.

Lumabas ako ng aking apartment upang bumili ng makakain sa malapit na karinderya. Bumili ako ng pinakbet. Mas gusto ko pa rin ang pinakbet na niluto sa amin. Kumpleto ang gulay, Dun kasi sa amin nanggagaling ang halos lahat ng gulay na nakakarating dito sa Maynila.

Natulog uli ako pagkatapos kumain at nagising ng alas kwatro y medya ng hapon. Naghanda ako para sa aking pagpasok sa trabaho.

Dumaan muna ako sa 9-13 para bumili ng makakain para sa break time ko mamaya. Sa aking kinalalagyan at ang balita kanina, bigla kong naalala ang aking panaginip bago ako bumyahe pabalik ng Maynila. Parang ganito, wala nga lang yung ale na bumulagta sa may cashier kasi sa Pangasinan nangyari yun.

Dumiretso ako sa locker pagdating sa pabrika. Nagbihis ako ng unipormeng pang-trabaho. Pagkatapos ay pumunta na ako sa isang maliit na kwarto na kung saan ako naka-station. Dun ko na nakikita ang mga adjustments na dapat gawin sa proseso na aking hawak.

Maya't maya ay nagdadala ako ng sample sa laboratoryo upang i-analyze. Ako na mismo ang gumagawa nito. Kasama kasi sa trabaho. Wala rin namang tao sa laboratoryo kasi puro pang umaga ang mga nakadestino doon. Sa buong magdamag, may mga anim na beses akong magdadala ng sample doon at i-a-analyze.

May kalakihan ang laboratoryo. Halos sing-laki ito ng tatlong container van na pinag-tab-tabi. May mga dibisyon para sa iba't ibang uri ng analysis.

Kung titignan mo, parang madali lang ang trabaho ko. Oo. Madali basta walang aberya na mangyayari. Pag nagka aberya ang mga makina, wala ka nga regular na sample, tutok ka naman sa pag-aayos ng sira sa makina. Basta't hindi umiilaw ng pula, walang problema.

Madali rin namang isingit ang break time ko kasi halos dalawang oras ang pagitan ng pag-kuha ko ng mga sample. Dumating ang hating gabi na walang kaproble-problema. 

Zombie.phTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon