Day 5.3

467 17 0
                                    

Dumaan muna kami sa gate ng mga locker area. Habang kami'y nasa labas, napansin ko na tila dumarami ang mga zombie na pumapalibot sa aming ginawang pain. Hindi magtatagal ay mapapalibutan kami ng zombie at lalo kaming mahihirapang maka-alis dito.

Naghanap ako sa locker area ng mga lalaki ng pwedeng pambutas sa dingding habang si Yassy ay tumuloy na sa laboratoryo para magbihis at maghanda ng aming makakain. Nakahanap ako ng martilyo at crowbar. Ginamit ko ang mga yon para sirain ang isang bahagi ng dingding mula sa butas na una ko nang nagawa. Maraming ingay ang aking nagawa ngunit hindi man lang tumingin sa direksyon ko ang mga zombie. "Mukang mga bingi nga talaga sila," sabi ko sa aking sarili.

Mga dapithapon na nang matapos ako sa aking ginagawa. Tamang tama ring tinawag ako ni Yassy para kumain.

"Punta muna ako sa kabilang area para i-lock yung gate," sabi ko sa kanya.

"Gamitin mo na tong pad lock ko," sabay turo niya sa locker niya sa dulo ng area nila. Lumusot ako sa aking ginawang butas para puntahan ang pad lock ni Yassy. Ni-lock ko ang gate nila upang wala na talagang makapasok. Naka-lock na rin ang gate ng locker area ng mga lalaki. Ang pinto naman ng laboratoryo ay naharangan na ng mabibigat na file cabinet.

May kadiliman na nang lumusot na ako pabalik sa kabilang locker area. May ilang zombie na papalapit sa gate ng locker area ng mga lalaki.

"Wala na bang talab ang aming pain kanina?" tanong ko sa king sarili. "Baka naman naubos na ang amoy. Pero paano nila alam na pumunta rito? Hindi naman amoy pagkain."

Pinatay ko ang ilaw sa locker area ng mga lalaki ngunit hindi ko ito ginawa sa locker area ng mga babae. Pumasok na ako sa laboratoryo at inabutan kong kumakain na si Yassy. Katulad lang ng kinain namin kanina ang aming pagkain, manok.

"Mukang hindi na nila naaamoy ang pagkain," ang sabi ni Yassy.

"Muka nga, wala nang kumakatok sa pinto e," ang sabi ko nang biglang may kumatok sa pinto.

Nagtinginan kami ni Yassy sa aming narinig. "Buksan niyo ang pinto!" sigaw ng isang lalaki.

Kapwa kami hindi gumalaw. Kumatok uli. Mas malakas na ngayon.

Dali kaming pumunta ni Yassy sa pintuan. Binuksan ko ang ilaw sa labas na nasa tapat ng pinto.

"Buksan ninyo ang pinto! Paki-usap!" ang sigaw ng lalaki.

Dalidali kami ni Yassy sa pagtanggal ng mga nakaharang na file cabinet. Iisang cabinet pa lang ang aming natatanggal nang tila nag-iba ang sigaw ng lalaki, na parang siya'y nasasaktan. "Aaaaarrrghhhhh!"

Tumingin ako kay Yassy at umiling ng kaunti upang sabihin na wag na naming ituloy ang pagtanggal ng mga harang. Nawala na ang tinig ng lalaki.

Pinatay ko ang ilaw sa labas at ibinalik namin ang natanggal naming harang. Hindi na namin natapos ni Yassy ang aming pag-kain. Inilagay na lamang namit ito sa fridge. Nagsabi si Yassy na ihahanda na niya ang kanyang tulugan para makapagpahinga na. Ako nama'y lumabas patungo sa locker area upang mag-isip kung bakit natunton ng mga zombie ang lalaki bagamat sila'y mga walang naririnig.

Binuksan ko ang pinto at napansin kong wala na ang mga zombie na kanina'y nasa gate ng locker area. Binuksan ko ang ilaw upang maghanap ng pwedeng mahigaan na mas komportable kaysa sa karton. Maya maya pa ay may dumating na zombie at pilit na pumapasok sa gate. Naalala ko na may couch pala ang mga taga-logistics na grupo. Napalibutan ang area nila ng kanilang mga locker na parang may sarili silang kwarto.

Dalawa ang couch nila. Pero paano ko ito dadalhin sa loob ng laboratoryo. Buti na lang at natatanggal ang kutson ng mga couch. Dinala ko sa laboratoryo ang mga kutson at ibinigay ko kay Yassy ang isa.

Nakatulog ako na iniisip kung bakit ganun ang galaw ng mga zombie. Kailangan kong malaman ang mga ito kung nanaisin kong maka-alis pa kami dito.

Zombie.phTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon