Day 14.1

246 11 0
                                    

Pagpalik ko ay nakabalik na silang tatlo. Sinabi ko sa kanila ang na sa platform ng Rail Transit. Itinabi muna namin ang mga nakuha naming gamit. Hindi kami sigurado kung pupunta dito ang mga tao na nakita ko sa platform ng Rail Transit.

Naghanda kami sa possibleng pagdating ng grupong iyon. Si Yassy at Charlie ay nagbantay sa hallway patungo sa mga model unit at ako naman ay umakyat sa itaas na palapag. Pumwesto ako kung saan tanaw ko ang entrance na galing sa catwalk mula sa Farmings.

Lumipas ang halos isang oras ng pag-hihintay. Akala ko ay hindi sila tutuloy. Subalit nung ako sana ay babalik na kina Yassy, narinig ko na ang kanilang mga yabag papalapit sa entrance.

Kitang kita ko silang lahat sa kanilang pagpasok. Lima silang lahat. May mga dala silang bag na mukang lalagyan nila ng stocks na makukuha nila. May dala silang mga pamalo tulad ng pala, baseball bat, crowbar. Mukang wala silang baril na gaya namin.

Ang babaeng nauuna ang tila namumuno sa kanila. May tatlong lalaki at may isa pang babae. Ang babae at isang lalaki ay tila mga teen ager palang. Mukang bata pa. Ang dalawang lalaki naman ay mukang nasa kwarenta o singkwenta na. Ang babaeng namumuno naman ay may boses na parang isa siyang boss.

Hindi sila umakyat sa escalator. Dumeretso sila sa event center na kung saan madalas may exhibit ang mall. Tumigil sila roon. "Alam naming may tao rito," ang malakas na boses ng babaeng namumuno. "Narinig namin ang tunog sa mega-phone nung isang gabi. Doon kami sa Hotel sa tawid ng EDSA tumutuloy. May iba pang nakatira doon pero hindi ganon karami. Gusto lang naming malaman kung sino pa ang kapit-bahay namin."

Hindi ako sumagot. Hindi rin sumagot sina Charlie at Yassy.

"Wala rin kaming balak kunin ang anu mang naitabi ninyo para sa inyo," ang pagpapatuloy na sabi ng babae sa kanyang malakas na boses. "Kukuha lamang kami sa hindi pa ninyo naitatabi."

Lumipas ang ilang sandali at nagsalita si Charlie, "May natitira pa sa supermarket sa dulo."

"Salamat," ang sabi na babae.

Lalapit sana ang grupo papalapit kina Charlie ngunit pinatigil ko sila. "Hanggang diyan lang kayo," ang aking sabi mula sa balkonahe sa itaas na palapag. Hindi ko ipinakita na may hawak akong baril. "Tumungo na lang kayo sa supermarket at kunin ang anumang kailangan ninyo. Pagkatapos ay pwede na kayong umalis."

Lumingon ang babae sa akin. "May kasama ka pala. Marami ba kayo? Asan ang iba?" At nagmungkahi siya sa dalawang mas bata na pumunta na sa supermarket.

"Andami mo namang tanong," ang aking sabi.

"Ako nga pala si Engr. Jocelyn Manikis," ang pagpapakilala ng babae. "Eto naman sina Dan Seen, at Polo Briones. At yung dalawa na nagpunta sa supermarket ay sina Rina at Irvine."

"Engr. Manikis?" ang aking tanong. Parang pamilyar ang pangalan na yun. "Ikaw ba yung national operations manager ng World Riches Corporation?"

"Ako nga," ang sagot ng babae. "Pano mo nalaman?"

"Dun ako sa pabrika sa Libis nagtatrabaho," ang aking sagot.

"Kung ganon, tao pala kita," ang biglang sabi niya na para bang may awtoridad. "Tulungan mo nga yung dalawa dun sa supermarket."

Nairita ako sa sinabi niya. "Excuse me, madam. Pero wala ng bearing ang awtoridad mo. Kung gusto mo, ikaw ang tumulong sa kanila."

Nakita ko ang galit sa kanyang mga mata. Sumenyas siya sa dalawa niyang kasama. Hindi ko alam kung ano ang gagawin nila pero natigil kaming lahat sa narinig naming tila ungol ng hayop.

Zombie.phTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon