Day 24.2

220 11 0
                                    

Nanatili kami ni Charlie sa platform ng ilang minuto. "Siguro may magbantay mula sa hotel. Bantayan ang magkabilang direksyon," ang aking sabi.

"Sige, kakausapin ko sina Dan." Bumaba si Charlie mula sa platform. Marahil ay nagpunta siya sa hotel upang kausapin si Dan."

Makalipas ang ilang minuto ang bumalik sa Charlie. "Nakausap ko na si Dan. Sinabi ko na ang buong sitwasyon."

Dumungaw ako ng kaunti para makita ang rooftop ng hotel. Nakita ko na kumakawan si Dan mula sa itaas. Gamit ang radyo na nakuha namin mula sa security office, may sinabi siya, "Pag planuhan na ninyo kung paano maliligtas ang mga kasama natin mula sa SaveWise."

"Oo," ang tanging sagot ko sa kanya.

Medyo komplikado ang pagliligtas sa mga kasama namin na nasa SaveWise. Siguradong patibong ang pagliligtas sa kanila.

Sa aking pag-iisip, pagkain at supply lamang ang habol ng grupo na sumugod sa amin. Hindi ko masasabing pati tirahan dahil maraming mga condo sa paligid namin. Isang hotel at dalawang mall lamang ng nilagay namin sa lock-down. Marami pang supermarket at condo. Masasabi ko rin na mababa lamang ang bilang ng miyembro nila sapagkat, kung sila ay marami, kakayanin nilang lusubin ang SaveWise at kung anomang condo na nandito.

Maliit lamang sila pero mapanganib. Hindi nila kakayaning lusubin at ubusin ang napakaraming zombie per kakayanin nila kaming lusubin kung hindi kami mag-iingat. Marahil wala o limitado din ang kanilang sandata.

Kailangang pag-planuhang mabuti ang susunod na gagawin.

Nagkaroon ng pangalawang pagpupulong ang araw na ito. Ngayon naman ay kung papaano iligtas ang mga kasama namin na nasa SaveWise. Nagtalaga na ng mga tao na pupwesto sa hotel para magbantay. Naglagay ng mga flares bilang ilaw sa magkabilang direksyon ng riles dahil malapit nang magdilim.

Bukas na namin maisasagawa ng plano namin. Siguro naman ay ligtas pa ang aming mga kasama sa loob ng pangalawang pinakamalaking supermarket sa sentro ng Cubao.

Dadagdag pa sa problema ang nagbabadyang pag-ulan.

Zombie.phTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon