Day 22

213 11 0
                                    

Ilang araw akong nagpabalik balik sa outpost kung saan huli kong nakita si Yassy. Nagbabaka sakaling nakaligtas siya. Pero sa bawat araw na pagbabalik ko ay unti unting nababawasan ang pag-asa na nakaligtas siya. Mukang kailangan nang tanggapin ang kanyang pagkawala. Tulad ng pagkawala ng mga nauna sa kanya.

Kailangan ko nang simulan ang paglalagbay ko pauwi sa amin. Marami pang mga zombie na nasa EDSA; pati na sa riles. Hindi ko alam ang sitwasyon sa ibang kalsada. Mas mabuting linisan ko na lang ang Riles kaysa makipagsapalaran sa ibang daraanan na hindi ko alam kung ligtas on hindi.

Mukang kailangan kong gumawa ng maraming Molotov para suniguin ang mga zombie na nasa riles. Ngunit ang mga kemikal na kailangan ko ay nasa malayo. Ang pupwede ko na lang gamitin ay alak o kaya alcohol. Hindi pwedeng beer. Mababa lang ang alcohol content nun. Dapat yung matatapang gaya ng gin.

Niyaya ko si Charlie na puntahan ang mga supermarket sa nasasakupan namin. Yung alam at sigurado na kaming ligtas. Nilimas namin ang lahat ng alak na maaaring gawing Molotov; gin, rum, vodka.

Nakasabay namin si Polo sa supermarket sa ibaba ng Farmings. "May party ba mamaya?" ang tanong niya.

"Wala," ang aking sagot. "Lilinisan ko lang ang riles para may madaanan."

"Ah," ang sabi ni Polo. "Akala ko may party."

Matapos ang paglilimas namin sa mga natitirang alak sa tatlong dalawang supermarket, sinimulan na namin ni Charlie ang paggawa ng mga Molotov.

Inabot din kami ng dilim sa pag-gawa maski tinulungan pa kami nina Rina at Irvine.

Bukas ay sisimulan ko na ang paglilinis ng aking daraanan para maka-uwi sa amin. Medyo matatagalan pa bago ko masimulan ang aktwal na paglalakbay. Ang mahalaga, masisimulan ko na.

Zombie.phTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon