Day 7.1

356 16 1
                                    

Lumabas kami ni Yassy at isinara ang gate ng locker area. Dala namin ang baseball bat at crowbar. Suot din namin ang ilang padding para sa braso at hemet. Nagtungo kami sa gate ng compound kung saan pumasok ang mga sumugod na zombie dalawang gabi na ang nakakaraan. Napansin kami ng ilang zombie at unti unti silang nagtungo sa amin. Madali kaming nagtungo sa guard house upang hanapin ang mga baril ng mga guard. Si Yassy ang naghalughog sa guard house. Ako naman ay naka-abang sa labas para magbantay sa mga papalapit no zombie.

Inilapag ko ang limang Molotov na tira namin kanina. Sinindihan ko ang isa at ihinagis sa grupo na pinaka malapit. Ilang sandali pa ay isinunod ko ang pangalawang Molotov. Malayo pa ang isa pang grupo ng zombie ngunit may isang zombie na papalapit.

Hahatawin ko na saya ang zombie ngunit natigil nanaman ako katulad nung may zombie na gustong pumasok sa gate ng locker area. "Hindi na sila tao." Inisip ko na nagawa ko na ito. Marami na nga ako sinunog eh. Iba pa rin kasi kapag ganitong kamay ko na ang gamit ko.

Hinawakan ko ng mahigpit ang crowbar at buong lakas na hinataw ang ulo ng nag-iisang zombie. Basag at walang natira sa ulo ng zombie. "Nagawa ko!"

Dahail may kalayuan pa ang grupo ng mga zombie, kusa akong lumapit sa kanila dala ang natitirang Molotov. Nang malapit na ako ay sinindihan ko at ihinagis sa kanila. Inubos ko ang dala kong Molotov. At dahil halos kumpol sila, marami ang nasunog.

Tumakbo ako pabalik sa guard house at tamang tamang palabas na si Yassy karga ang isang bag na sa isip ko ay mga baril ang laman. Dalidali kaming bumalik sa locker area. Nilagyan kong muli ng pad lock ang gate.

"Anong nakuha mo?" tanong ko kay Yassy.

"Tatlong baril, mga batuta, at mga bala."

Nakakuha si Yassy ng dalawang revolver, isang shotgun, tatlong tonfa, at mga bala. Kasama na rin yung bag.

"Magdidilim na," sabi ko. "Pasok na tayo sa loob."

Umakyat ako sa rooftop habang si Yassy ay nag-hahanda ng pagkain na pang hapunan at dadalhin sa aming pag-alis bukas. Hindi pa rin namamatay ang apoy sa mga nasusunog na zombie. Tamang tama at dumidilim na. Pupuntahan iyon ng ibang zombie bagamat hindi naman sila lalapit sa apoy.

Bumaba ako para kumain. Hindi ko na hinintay pang mamatay ang apoy. Mabuti at dikit dikit sila nung hinagisan ko sila ng Molotov kaya maraming nadamay.

"Kailangan kong makapunta sa appartment ko," sabi ko kay Yassy. "May mga gamit ako doon na tiyak na mahalaga. At saka nandun yung cell phone ko. Baka kino-contact na ako nina mama"

"Wala naman akong gamit sa boarding house ko," ang sabi naman ni Yassy.

"Nasaan ang pamilya mo?"

"Sa Quezon City lang."

"Malapit lang pala. Ako sa Baguio pa."

"Pupuntahan mo sila?"

"Oo. Pero daanan ko muna ang appartment ko."

"Baka abutin ka ng isang buwan sa paglalakad lang."

"Maski gaano pa katagal ang gugugulin ko, pupuntahan ko sila."

Inayos na namin ni Yassy ang mga dadalhin namin bago matulog. Ano na kaya ang mundo sa labas ng compound na ito?

Zombie.phTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon