Day 17.1

238 10 0
                                    

Tinipon namin lahat ng tao mula sa hotel sa food court ng Farmings upang makapag-usap.

Pinag-planuhan namin kung papaano ang paggkuha ng stocks sa mga karating na supermarket. Maaaring tumagal pa ang mga stocks habang naghihintay ng tulong. Ibinahagi ko rin sa kanila ang aming nalalaman tungkol sa mga zombie; ang kanilang pagsunod sa amoy ng pagkain; ang kanilang pagsunod sa ilaw kapag madilim; ang kanilang tuluyang pag-abo kapag nasunog. Pati na rin ang pagbabagong anyo nila na sa ngayon ay hindi pa namin maipaliwanag.

Maraming nailuto ngayon dahil maraming taga-luto, marami ring kakain.

Pagkatapos kumain ay bumalik na sa hotel ang ilan ay naglibot muna sa Farmings para maghanap ng magagamit. Pati sina Irvine at Rina ay bumalik na sa hotel.

"Sigurado ba kayong aalis kayo bukas?" ang tanong ni Charlie.

"Oo," ang aking sabi. "Kailangan kong maka-uwi. Pati na rin si Yassy."

"Pero ang layo ng uuwian mo," ang dagdag ni Charlie. "Baka abutin ka ng buwan kung maglalakad ka lang. Baka sa panahong iyon ay nakaraing na ang tulong."

"Tama ka," ang sabi ko. "Pero ayokong i-asa sa tulong. Hindi man magandang isipin pero paano kung walang tulong na darating."

Napabuntong hininga lamang si Charlie. "Sige, hindi kita mapipigilan."

Pagdating namin sa model unit ay iniabot ko kay charlie ang isang baril at isang box na bala. "Baka kailanganin mo. Sana hindi mo magamit pero mas maganda na yung sigurado ka."

"Salamat," ang tugon niya.

"Kayo na lang bahala kung papaano ninyo tatanggalin ang mga zombie sa may hotel," ang sabi ko.

Naghanda na lamang kami ni Yassy ng aming mga gamit na dadalhin kinabukasan; mga damit, pagkain, mga sandata. Pagdating namin sa Quadronoma, sa kalsada na muli ang dadaanan namin. Hindi pa kasi tapos ang construction ng linya ng Rail Transit patungo sa kanila.

Iniisip ko pa rin kung bakit nag-bagong anyo ang mga zombie. Hindi ko alam kung ano ang nagpabago ng anyo nila. Tulad din nung nasa pabrika pa ako nung gabing nagsimula lahat ng ito. Nakakasunggab pa sila pero ngayon ay hindi na. Anong iba?

Dumating ang gabi at nagluto si Yassy ng spaghetti, fried chicken, at hotdog.

"Anong meron," ang tanong ni Charlie.

"Last day na namin 'to dito," sabi ni Yassy. "Kaya medyo konting children's party lang." Sabay tawa niya.

Kumain kami habang nanood ng kung anuman ang nasa TV. Pagkatapos ay nagpahinga na.

Zombie.phTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon