Day 14.3

250 13 0
                                    

Hindi pa man kami nakakatagal sa loob ay nakarinig na kami ng malakas na kalabog sa isang roll up gate. Hindi na namin ito binigyang pansin baka zombie lamang yon.

Kumalabog muli at may kasunod na sigaw ng isang babae. Minsan pa, ngayon naman ay boses ng lalaki. Nagpatuloy pa ng ilang sandali. "Yassy, samahan mo ako," ang aking sabi. Dinala namin ang katana, mga burike, baril. Nagtungo kami kung saan kumakalabong ang roll up gate.

Ang gate patungo sa Farmings ang kumakalabog. Sinilip ko mula sa isa sa mga butas kung sino ang nasa labas. Ang nakababatang lalaki at babae na kasama sa grupo ni Manikis ang nasa labas. Tinanggal namin ang tubo na pumipigil sa pag-bukas ng roll up gate at binuksan ito.

"Tulungan niyo kami," ang sabi ng lalaki na si Irvine. "Napapaligiran na ng mga zombie ang hotel na tinutuluyan namin. Hindi rin makaalis sa ibabaw ng isang bus sina mam Jocelyn. Gigawin sana nilang tulay yung bus pero masyadong maraming zombie.

"Ikaw," sabay turo ko sa nakababatang babae na si Rina. "Puntahan mo yung kasama namin. Sabihin mo na bantayan ang daanan na ito." Tumango laman siya at kaming tatlo ay nagtungo sa Farmings, papuntang platform ng Rail Transit.

Pagdating namin sa platform overpass, nakita namin na napapaligiran na nga ng zombie ang bus na kinatatayuan ng tatlong sina Jocelyn, Dan, at Polo. Pati ang hotel sa tapat ng Farmings ay napapalibutan ng zombie. Dumungaw ako ng kaunti para silipin ang hotel at doon ko nakita na may mga nakadungaw din sa mga bintana nito. Halos lahat ng bintana ay may nakadungaw o nakasilip. Sa aking tantya, siguro ay hindi bababa ng limampu ang tao sa loob.

"Anong ginagawa ninyo diyan?" ang tanong ko sa tatlo.

"May mga zombie kasi sa paanan ng hagdan ng overpass kaya dito kami dumaan," ang sagot ni Polo.

Hindi kasi tulad ng Farmings na konektado ang overpass sa mall. Ang kabilang dako ng overpass ay may hagdan pababa at hindi na konektado sa katapat ng gusali. Dahan dahan kong sinilip ang hagdanan sa kabilang dako ng overpass. Maraming zombie sa ibaba dahil katabi lang nito ang hotel. Wala ngang makakadaan dito.

Patakbong parating si Rina galing sa Gate diretso sa kinatatayuan ko. Nagulat siya at napatili nang makita ang dami ng zombie sa paanan ng hagdan. Napansin ito ng ilang zombie at sila'y nagsimula nang umakyat ng hagdan. Mabagal ang kanilang pag akyat. Parang matandang may rayuma sa bagal. Pero nakaka-akyat pa rin.

"Paakyat na sila," ang aking sabi.

"Sorry po," ang sabi ni Rina.

"Irvine," ang madali kong sabi. "Haghanap ka ng hook na pwedeng pang abot sa roll up gate." Tumango si Irvine at ginawa ang inutos ko. "Rina, kumuha ka ng mga pagkain diyan sa 9-13, mas malakas ang amoy, mas mabuti." Inabot ko ang baril kay Yassy. "Yassy. Paputukan mo sa tuhod ang mga paakyat na zombie. Mapabagal man lang ang pag akyat nila."

Tumakbo ako patungo sa hardware store para kumuha ng hagdan na pwedeng gamitin para maka-akyat sila. Kinuha ko ang aluminum na hagdan. Magaan lamang ito.

Nakahanda na sina Irvine at Rina sa aking pagbalik. Si Yassy ay abala pa rin sa pagbantay. Ipinabukas ko lahat kay Rina ang mga pagkain at inilagay sa plastic. Ipinaabot ko ang plastic kay Yassy. Alam na ni Yassy ang dapat gawin. Ihinagis niya ang plastic ng pagkain sa ilalim ng overpass.

Pinuntahan ng ilang zombie ang plastic ng pagkain. Bagamat hindi silang lahat, nabawasan ng bahagya ang mga umaakyat na zombie sa hagdan. Ang natitirang paakyat at pinatumba ni Yassy lahat.

Zombie.phTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon