UIIWMBF Prologue

1K 13 0
  • Dedicated kay Alecks Lim
                                    

Copyright © eYinYang|2014

All rights reserved 2014

-----

"Bwisit ka Rion!! Ibalik mo yang cellphone ko!" Pasigaw na sabi ko sa bwisit kong best friend.

"Ayoko! Bakit ba kasi kanina ka pa busy kakatext diyan. Sino ba kasi yang katext mo?!" Tanong niya.

"Si kuya Keith." Mahina at nakasemipout na sabi ko sa kanya.

"Bakit nagbblush ka? Sino ba yang kuya Keith na yan?! Crush mo?!" Paangil na tanong niya.

"Ahmm, medyo?" Awkward at pabulong na sabi ko pa rin.

"Di ba sa akin ka lang? Di ka pwede sa iba. Wag kang magalala, sayo lang din ako." Bulong niya sa sarili niya.

"Ano?" sabi ko, gusto ko lang makasiguro kung tama ba yung narinig ko.

"Wala! I LOVE YOU BEST FRIEND!" Nakangiting sabi niya.

Natigilan ako saglit. Pero nakabawi din. Best Friend. He loves me as a friend. As his best friend and I will always be his best friend. I'm hoping na one day sabihin niya pa din yung word na yun without 'BEST FRIEND' masakit kaya mafriendzone ng paulit ulit.

"Ang loko mo talaga! Tigilan mo nga Rion! Akin na yang phone ko." Galit galitang sabi ko sa kanya! well, galit pala talaga ako. Hindi sa kanya, kundi sa sarili ko. Kasi paulit ulit akong umaasa na makikita niya ako hindi bilang si 'BEST FRIEND' kundi bilang si 'Rhica Zy.'

Nayayamot na ako sa kanya, kay Best friend! Oo, nakakalungkot mang sabihin, kay best friend. Best Friend lang ako eh.

Okay na sana yung sinabi niyang 'Di ba sa akin ka lang? Di ka pwede sa iba. Wag kang magalala, sayo lang din ako.' kasoooo bat ganun?! Sana inulit man lang niya para matuwa ako sa kanya kahit onti! Ayy, di pala!! Sobrang tuwa ko pa non at magtatatalon pa ako sa tuwa non. Ughh TT_TT

Kinukuha ko sa kanya yung phone ko, kaso tinaas niya yung kamay niya, so ayun, di ko na siya abot -__-"

Kaasar!!

Baka mabasa niya conversation namin ni kuya Keith, puro about love kasi topic namin nun. Nagaadvise siya sa akin, at ganun din ako sa kanya. Tsaka, parang best friend ko na yun si kuya Keith eh. Kaso, this time di ko siya mahal, medyo crush lang. Hahahaha, he's so pogi and so sweet kaya! So, masisisi niyo ba ako?! :D at wag ka! Lee Min Ho ng Pilipinas yun eh! Hahahahaha srsly, look-a-like sila :D

"Ayoko!" Pangaasar niya. Sabay nagpipindot sa phone ko. Talon ako ng talon, di ko maabot yung nakataas niyang kamay. Shemay! Yung convo namin! No choice! I need to do this.

"Pasalamat ka! Matangkad ka! Di ko maabot yang phone ko, at di kita mapektusan!" Sabi ko sa kanya, sabay walk out.

Di naman ako maliit, sakto lang yung height ko para sa isang babaeng pilipina.

Siya kasi sobrang tangkad, abnormal ata to eh. Tss, di pala ata, sadyang abnormal na talaga. Either nasobrahan o nakulangan sa buwan tong panget na ito. Matanong nga kay tita mamaya kung nasobrahan o nakulangan sa buwan to.

Wala na akong choice kundi mag walk out -__-

"Hey, sorry na. Eto na yung phone mo oh." Sabi niya habang nakasunod sa akin.

Nakatalikod ako sa kanya. Napa grin tuloy ako.

Perfect! Mission Accomplished agad.

Unluckily, I'm Inlove with my BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon