Biglang nagising si Avah at napahawak sa kanyang noo. Napatanong siya sa sarili, 'Panaginip lang ba yong mga nakita ko?"
Pero habang na papaisip siya ay Nakita niya ang mga bagay sa paligid niya. Nanlaki ang mga mata niya dahil hindi pamilyar ang lahat ng nakikita niya.
"Nasan ako?" Yoon agad ang tanong niya sa sarili. "Sa pagkakaalam ko, nagbabasa ako ng bagong novel ng favorite kong author na si Yellan."
Naudlot na lang ang kanyang pagmumuni-muni niya ng biglang bumukas ang pinto at may iniluwang... maid? Eh? Hindi ba nasa Pilipinas siya? Hindi ba siya nakidnap? Wala naman siyang halaga kaya walang magtatangkang mangkidnap sa kanya?
Lahat ng sinabi niya ay totoo. Wala talagang kikidnap sakanya sapagkat isa lang siya ulila. Nagsara bigla ang kumpanya na kanyang pinagta-trabahu-han kaya naman isa siyang NEET ngayon. Ang tangi niya lang pinagkakaabalahan ay magbasa ng novel na gawa ng ni Yellan na ang pamagat ay "Land of the Sorcery".
Muka mang fantasy sa inyong pandinig, pero actually Romance ang dominant genre ng novel na iyon.
Ang protagonist na si Isabella ay isang magaling na sorcerer. Pero dahil ipinanganak siya sa isang outer village ng kingdom, madami ang nam-bully sa kanya. Ngunit kahit anong pangungutya ng mga taga inner kingdom sa kanya, pinatunayan niya pa rin sa ibang tao ang galing niya sa magic.
Nang dahil doon ay nabighani niya ang isang gwapong sorcerer na pinuno ng Tower of Sorcerer ng kabilang country, ang Vessanna. Inalok ng sorcerer ng Vessanna si Isabella upang maging kanyang kabyak pero hindi ito tinanggap ni Isabella. Meron na palang kasintahan. Siya ang Left Duke ng kanilang country na si Raymond Santangelo.
"Miss Zara. Pinapatawag na po kayo ng Duke sa dining room. Kayo raw po'y mag-uumagahan na." Nagulat na lang si Avah ng nakita niyang nakapalit na pala sa kanya ang maid na pumasok.
Zara? Avah kaya ang pangalan ko.
Bigla na lang sumakit ang ulo niya dahil bigla na lang niyang naalala ang lahat.
Sa mundong ito, siya ay si Adelaide Leia Zara Esmond, siya ang kaisa-isang anak ng Right Duke na si Danovan Roy Esmond. Samantalang ang Left Duke naman ay ang magiging kasintahan ni Isabella.
Pero mas lalong sumakit ang ulo niya dahil siya, si Adelaide Leia Zara Esmond ay isang pipitchuging o langgam na side character sa novel na ito. Siya lang naman ang sira ulong hahamon kay Isabella ng isang duel dahil si Zara ay may gusto rin sa Left Duke. Gusto niyang patunayan na mas magaling siya kesa kay Isabella. Pero lahat ng yon ay isang kalokohan lamang dahil wala pang 0.01 second ay wala ng malay si Zara. Habang nagbabasa si Avah ng part na yon ay tuwang tuwa siya dahil ano nga ba naman ang laban ng isang side character sa isang protagonist? Ngayon ay pinag-sisisihan niya na ang pagtawang ginawa niya dahil baka in the future ay mangyari talaga sa kanya iyon.
"Miss Zara, okay lang po ba kayo?" Nakita ni Avah ang pag-aalala ng maid kaya naman ay ngumiti siya at tumango.
Biglang mag dugong tumulo sa ilong ng maid kaya naman agad siyang nag-panic.
"Melissa, bakit dumudugo yang ilong mo?" Inosenteng tanong ni Avah na ngayon ay Zara na. Sa pagkakatanda niya, ang unang pagkikita nila ni Isabella ay sa Grand Banquet ng Left Duke. 17 years old siya ng mga oras na yon, pero ngayon ay 6 years old pa lang siya.
Bumaba siya sa kama at kumuha ng panyo at ibinigay kay Melissa. Nang maibigay niya ang panyo ay mas lalong umagos ang dugo sa ilong niyo.
'Oy, oy, okay ka lang ba talaga Melissa?' tanong niya sa isip habang hindi niya malaman kung ano ang mararamdaman sa nangyayari.
Hindi niya na pinansin si Melissa at dali daling pumunta ng Dining Room. Bakit? Dahil gusto niyang makita ng suppose to be father niya. Excited siya dahil ulila lang siya sa earth. Pero dahil binigyan siya ng pagkakataon na mabuhay sa novel na ito, hindi niya sasayangin ang pagkakataon na makita, makausap at makabonding ang tatay niya.
Pagkarating niya sa Dining room ay sumalubong sa kanya ang pagkahaba habang lamesa ang pagkadami-daming pagkain. Nag-ningning ang dalawa niyang mata dahil ngayon lang siya nakakita ng ganyang ka-grandeng umagahan sa tanang buhay niya.
"Zara."
Napalingon siya ng makita niya nag tatay niyang nakangiti sa kanya. Muntik niya ng takpan ang kanyang mga mata dahil sa kagwapuhan ni Danovan Roy Esmond. Daddy is that you? Dinaig pa nito ang brightness ng cellphone niya sa Earth.
"Pa...pa?" Patanong na sambit niya. Nakapa-alien kay Avah ang salitang iyon. Dahil sa buhay niya sa Earth ay wala siya nasabihan ng salitang iyon.
Nakita niya na lang nag hindi makapaniwalang muka ni Danovan Roy Esmond. Na-realize niya na lang na umiiyak pala siya kaya naman mukang nagulat ito.
"Baby, bakit ka umiiyak? May masakit ba sayo? Keiran, magpatawag ka ng doctor, ngayon din!" Dali-daling utos ni Danovan pero umiling lang si Zara.
Agad niyang niyakap si Danovan ng mahigpit. "I love you, papa."
Napangiti si Danovan. "I love you too, baby." Pinunasan niya ang luha sa mata ni Zara at matiwasay na nag-umagahan.
Pinangako ni Zara na p-protecta-han niya ang Esmond Family. Dahil sa novel na ito, siya ang magiging protagonist ng buhay niya. Iiwasan niya ang Left Duke at si Isabella at mamumuhay ng walang problema.
Yoon ang inaakala niya.
YOU ARE READING
The Two Side Characters
Teen FictionNabuhay muli si Avah sa katauhan ni Adelaide Leia Zara Esmond, isang side character sa novel na kayang binabasang "Land of Sorcerer". Ang buhay niya ay agad ng nadiktahan. Paano niya kaya mababago ang nasa story line ng novel na nakatakda ng mangyar...