(Panagbenga Festival in Baguio as the Archbord Spring Festival)
Tulalang nakatingin si Adelaide Leia Zara Esmond sa Rose Garden. Hindi siya makapaniwala dahil sa 9 years na agad ang lumipas. Naging 16 years old na siya noong isang linggo. At ilang months na lang ay magaganap na ang Archbord Spring Festival, siguradong dadating na si Isabella ng araw na iyon.
Medyo malayo pa dahil 4 months pa bago ang Festival pero nagkakagulo na ngayon sa Right Duke mansion dahil isa kasi ito sa pinaka importanteng kaganapan sa Archbord. Maraming mga taga ibang bansa pa talaga na nagpupunta dito masilayan lang ang kasiyahan at mga palabas dito.
Nais tumulong ni Zara pero laki ang tutol ni Melissa. Napabuntong hininga na naman siya dahil wala siyang magawa. Na isulat niya na kasi ang mga strategy na gagawin niya in case na makita niya si Isabella sa Valerian Academy. May plan A siya, Plan B at may escape route pa na ginawa.
Habang iniisip ni Zara ang mga kaganapan dahil nakakalimutan niya, bigla namang dumating ang kanyang papa na kasama si Raymond.
"Zara! Ano ginagawa ng baby ko?" malambing na tanong ni Danovan Roy Esmond. Kahit naging 16 years old na siya ay hindi pa rin nagbabago ang pakikitungo nito sa kanya. Itinuturing parin siya nitong bata.
Nakita niya naman na tawawa si Raymond sa likod nito kaya naman binigyan niya ito ng isang pamatay na tingin. Noong 16th birthday niya ay binigyan siya nito ng sarili niyang Mansion. Hindi man kasing laki ng Right and Left Duke Mansion, pero sapat na para hindi kayo magkitaan ng kalaro mo ng 3 o 4 na oras.
Una ay ayaw ni Zara itong tanggapin dahil inii-spoiled siya nito ng sobra. Kahit hindi niya birthday ay binibigyan siya nito ng kung ano ano. Medyo masaya naman si Zara dahil at least ay hindi siya gusto nito at hindi niya rin ito gusto bilang isang kasintahan kundi isa lamang brother and sister relationship.
"Ano tinatawa-tawa mo jan Kuya!?" napa pout na tanong niya rito. Biglang lumabas si Kil at hinimas niya ang ulo ng alagang Ice Wolf Dragon. Nagtataka nga si Zara kung bakit hindi ito lumalaki. Simula ng ibinigay ito ng misteryosong lalaki noon ay hindi man lang ito lumaki at nag stay lang na maliit. Ganyan ba talaga lahat ng Ice Wolf Dragon?
"Wala naman." sagot nito pero tatawa-tawa pa rin, pero dahil siya ang Left Duke ay nakaget over din ito at bumalik sa isang gentleman na kapartner ng protagonist.
Inirapan niya ito ay masayang niyakap ang kanyang Papa. "Papa, bakit po kayo naparito?" tanong niya rito.
"Malapit na ang admission ng Valerian Academy." Panimula nito at tumingin sa kanya ng seryoso. "Nais mo ba talaga na doon pumasok?"
Agad siyang tumango. "Opo pa."
Nakita niyang may dalang Earl Grey si Melissa para sa papa niya at kay Raymond. Agad rin naman itong umalis.
"Bakit sa Valerian Academy mo gustong mag-aral, Zara?" tanong naman ni Raymond. Pinag-isipian niya rin iyan. Kung gusto niyang iwasan si Isabella ay ang pinaka mainam na solution ay mag-iba ng academy na papasukan.
Pero hindi kasi mawala sa puso ni Zara ang disappointment dahil hindi nakatapos ang tunay na Zara sa Valerian. Kaya naman ang kailangan niyang gawin ay wag expelled si Zara sa magiging Alma Mater niya.
"Malapit lang siya sa Right Duke Mansion. Ang plano ko kasi ay hindi tumira sa Dorm ng Valerian Academy, maaari naman akong araw araw umuwi. Ayokong mahiwalay sa papa ko ng matagal." Dahilan niya. Ang totoo niyan ay gusto niyang bantayan ang galaw ng papa niya. Hangga't maaari ay ayaw niya itong malakaban ang Vessanna. Pero dahil isang tanyag na Right Duke ang papa niya ay wala silang magagawa. Bukod pa dito ay iyong imperial order ng emperor; na kailangang lumaban ang papa niya sa frontline ng Great War.
Napanganga naman si Raymond sa sinabi niya. Iniisip siguro nito na papa's girl siya.
"Eh ako?" biglang tanong nito.
Kumunot naman ang noo ni Zara. "Oh ano ka?" tanong niya naman.
"Gusto mo bang mahiwalay sakin ng matagal?" shameless na tanong nito.
Napa-facepalm si Zara. "Kuya Ray, baka naman nakakalimutan mo na magiging isang professor ka sa Valerian Academy?"
"Hah? Paano mo nalaman?" Disappointed na tanong nito. "I-s-surprise pa naman kita."
Tumaas ang kilay ni Zara. "Kuya Ray, kailan ang huling basa mo sa diyaryo? Hindi mo ba alam na kalat na kalat na ang balita na yon?"
Nagulat rin si Zara sa naging balita dahil sa original novel ni Yellan ay after lang ng Archbord Spring Festival kakalat ang balita na magiging professor si Raymond sa Valerian Academy. Hindi kaya may story line na nabago? Hanggang saan kaya ang abot ng pagbabagong iyon? Hindi kaya dahil naging close siya kay Raymond? Dahil ba sa wala ito sa original na magaganap ay maraming nagbago?
Madaming katanungan sa isip ni Zara per lahat lang iyon ay masasagot kung mangyayari pa rin ang mga scene na naganap sa original novel.
Ang mangyayari sa Spring Festival ay makikilala ni Isabella si Raymond. Wala siya sa scene na yoon kaya naman ay hinding hindi siya lalabas ng Spring Festival para hindi ma interupt ang pag-iibigan ng dalawa.
Wala na siyang pakeelam kung ano man ang mangyari sa kanila basta wag lang talaga siyang idamay.
Ginawa niya ang lahat para maging malakas. Kagaya ng sinabi ni Redy sa kanya, kailangan niya munang palakasin ang katawan. Hinihintay nga niya na maging matcho siya pero laking tuwa niya hindi nangyari iyon.
Pero ang tanging nagpapagulo lang sa isip niya ay yoong isang lalaki na may pulang buhok at kulay puting mata ay 9 na taon ng hindi nagpapakita sa kanya.
"Subukan mong magpakita sakin, lagot ka." banta niya sa isip.
Tower of Sorcerer in Vessanna.
"Lord, nahanap na po namin ang may pakana ng nangyari sa Dark Forest noong nakaraang 10 years." Inform ng subordinate ng Lord. Napangiti naman ang Lord sa balita. Matagal niya na ring hinahanap ang may kagagawan kung bakit na exterminate ang buong Ice Wolf Dragon sa Dark Forest. Ang tangi na lamang natitira ay ipinamigay pa niya.
"Mabuti. Isagawa niyo na ang plano. Ngunit bago niyo dalhin sakin ang mga bangkay ng mga iyon ay nais ko munang malaman kung ano ang kanilang dahilan kung bakit nila ginawa at papaano nila nagawang ubusin ang isang pack ng Ice Wolf Dragon." utos niya. Agad namang tumalima ito.
Tumingin sa malayo ang Lord. "Prinsesa ko... " bulong niya. "...sana naman ay hindi ka masyadong nangulila sa akin."
Gustong na niyang makita ang prinsesa niya pero hindi siya makaalis. "Ilang araw pa... makikita muli tayo."
Right Duke Mansion.
"Achoo!" napabahing si Zara. "Magkakasakit ba ako o sadyang may nagsasalita lang sakin ng masama? Pagnalaman ko kung sino yon, humanda siya, kung sino man yon, ipapakain ko siya sa pirana."
"Ano ang pirana, My lady?" tanong ni Zayd sa tabi niya.
Ngumiti naman siya. "Yoon lang naman ang cute na isda na nangangain ng tao."
Kinilabutan si Zayd dahil may pagka sadista pala ang miss nila. Hindi niya na lang pinansin ang miss nila na tumatawa mag-isa dahil sanay na sanay na sila. Sino naman kaya ang maswerteng tao na ipapakain ng miss nila sa pirana?
(A/N: Hohoho, kung sino man yon, humanda na.)
YOU ARE READING
The Two Side Characters
Ficção AdolescenteNabuhay muli si Avah sa katauhan ni Adelaide Leia Zara Esmond, isang side character sa novel na kayang binabasang "Land of Sorcerer". Ang buhay niya ay agad ng nadiktahan. Paano niya kaya mababago ang nasa story line ng novel na nakatakda ng mangyar...