Hindi makapaniwala si Adelaide Leia Zara Esmond sa narinig. Si-si-siya si Raymond Santangelo. Niloloko ba talaga siya ng tadhana? Ang bilis niya naman makita ito? At saka walang kaganapan na ganito na nangyari sa Novel. Hindi kaya nangyari ito sa perspective ni Zara na hindi na isinama sa novel? Baka nga. Baka nga sa mga oras na ito, na in love ang tunay na Zara.
Hmmm... may possibility na ganon nga ang nangyari.
"Binibini, hinihintay na tayo ng iyong ama, kung maaari ay sabay na lamang tayo bumalik sa Salas." Sabi ni Raymond sa kanya pero hindi pa rin siya maka get over. Tumango na lang siya dahil wala rin naman siyang magagawa. Hindi niya alam ang pabalik.
Nang makabalik siya ay masaya naman si Danovan sapagkat nakabalik siya ng maaayos.
"Zara, mabuti naman at nakabalik ka ng maaayos." Nakangiting sabi ni Danovan. Tinignan nito si Raymond. "Kamusta ka naman Raymond?"
"Mabuti naman po Ginoong Danovan, kahit papaano po ay nakakaadjust ako sa mga gawain ng aking ama." Magalang naman na sagot nito. "Siya ba Ginoo ang inyong anak?"
Natauhan si Danovan dahil hindi niya pa pinapakilala ang kanyang magandang anak. "Ito nga pala ang aking anak na si Adelaide Leia Zara."
Nagbow si Zara ng ipakilala siya ng ama. Isa itong kagawian sa kanilang bansa. "Ikinagagalak ko po kayong makilala."
"Ako naman si Raymond Santangelo. Ako na ngayon ang bagong Left Duke." Nakangiti naman ito habang nagpapakilala. Sa mata ni Zara ay may liwanag sa likod nito. Heaven ba yun? O masyado lang talagang banal ang lalaking ito? Siya nga talaga ang Left Duke na magiging kapartner ni Isabella.
Kapag nakita niya kaya si Isabella ay may liwanag din sa likod nito? Hindi ba masyado naman na yata ang brightness nila? Yellan paki adjust nga, masakit sa mata. Reklamo niya sa isip.
Matapos ang kanilang pakikipagkilala, nag usapan na ng Private matter ang dalawa. Hindi niya maintindihan dahil about politics iyon. Ilang oras ding niyang nginata ang pagkain na nakahain sa salas.
Nakatulog na si Zara dahil wala siyang maintindihan. Nang magising na lamang siya ay nakauwi na sila ng ama.
Kinabukasan.
Hindi alam ni Zara kung ano ang mararamdaman. Kasi naman ay nakita niya si Raymond sa Gazebo nila na komportableng umiinom ng Earl Grey.
"Ano ang ginagawa mo dito?" Unconscious niya na tanong dito.
"Bawal ba akong bumisita sa iyo?" Inosente naman tanong nito.
Tsk. Isa kang bwisita. Ngumiti naman si Zara at hindi ito pinansin. Nagtatalo ngayon ang isip niya.
'Pwede ba, layu layuan mo nga ako. Hindi mo ba alam ng dahil sa inyong dalawa ni Isabella ay namatay ang papa ko? At dahil din sa inyo ay hindi ko na alam kung ano nangyari kay Zara ng bandang huli?' Galit na isip ni Zara habang umiinom ding ng Earl Grey. 'Tapos nandito ko nakikipag tsaa sakin? Grabe!'
Napabuntong hininga na lang siya. Wala naman kasi siyang magagawa dahil hindi pa nangyayari ang mga kaganapan na iyon eh. Mga 9 years pa. Pero kailangan niyang mabago yon.
Pero talaga namang may galit sa kanya ang langit. Imbis na mamumuhay siya ng mahimik at payapa, heto ngayon ang bomba sa tabi niya.
"Maraming salamat uli munting binibini sa sinabi mo sa akin kahapon." Bigla naman nagsalita ito na ikinagulat ni Zara. "Napa halaga para sa akin ng sinabi mo kaya sa tingin ko hindi sapat ang salitang 'salamat', kung may gusto kang gawin o bilhin, maaari mong sabihin sakin. Kahit ano pa yan ay gagawin ko."
'Layuan mo ko.' Yaan ang gustong kahilingan ni Zara sa isip, pero dahil nakita niya ang sincere na muka ni Raymond, hindi kaya ng puso niyang sabihin ang words na yun.
Kung mag sabi kaya siya ng kahit ano? Pagnawala na kaya ang sense of gratitude nito ay lalayuan na siya ito? Maaari. Pero papaano kung hindi? Hmmm...
Nakangiti naman si Raymond habang pinagmamasdan siya.
Hihirapan kaya ni Zara? "Hmm... hindi po ako makaisip Ginoong..."
"Tawagin mo akong Kuya Ray." Nakangiting sabi ni Raymond sa kanya.
Labag man sa puso ni Zara, um-oo na lang siya. "Wala po aong maisip kuya Ray."
"Kung ganon ay pwede bang ako na lang ang mag isip ng pwede kong ibigay sayo?" Tanong nito.
'Ikaw naman ang magbibigay, bakit hindi?' Isip ni Zara. "Okay lang Kuya. Basta po galing sa inyo okay na po sakin."
"Kung ganon ay aalis na ako." Kumaway ito sa kanya.
"Ang weird pero ang cute." Nakangiting sabi ni Zara.
"Pero mas cute po kayo my lady." Muntik ng mapatalon si Zara dahil hindi niya napansin na katabi niya lang pala si Zayd ng buong oras.
Napahawak siya sa puso. "Zayd naman, hindi ka man lang nagsasalita simula kanina kaya nakalimutan kong nanjan ka pala!"
"Pasensya na po My lady." Yumuko ito ng bahagya pero pinagpatuloy ang pag inom ng tsaa.
Oo nga naman, tama naman kasi si Zayd. Mas cute siya kesa kay Raymond. Sa isip niya kasi ay parang aso si Raymond. Pero isa yong malaking compliment.
Gwapo naman si Raymond kaso para sa kanya may mas gwapo si...
Napahinto siya. Bigla kasing pumasok sa isip niya ang muka ni Redy.
Hindi na siya nalungkot ngayon dahil pagbalik ng lalaking yon ay ikukulong niya sa prison nila ng 100 taon! Pag hindi siya bumalik...
Napangiti si Zara.
Pinag aaralan niya kasi ang spatial at teleportation magic. Kung hindi bumalik si Redy, siya mismo ang magpapapunta sa tabi niya.
Nakakatakot siyang ngumiti dahil iniisip niya kung paano niya paparusahan ang lalaking iyon. Pagbabayarin niya ito ng sobra dahil nag pinag alala siya nito ng sobra.
"My lady, nakakatakot po ang ipinapakita niyong ngiti." Comment ni Zayd sa kanya.
Hindi pinansin ito ni Zara at mag uumpisa na siyang mag circulate ng magic. Sinunod niya ang sinabi ni Redy sa kanya. Mas pinag igi niya ang training ng kanyang katawan. Nag paalam na rin siya sa kanyang ama na mag t-try siya ng Fencing, sword play at iba pa. Hindi niya balak ang maging isang hero. Tama na sa kanya na maprotektahan niya ang mga mahal niya sa buhay.
Yoon ang paging rutine niya. Ang naisip ni Raymond na ibigay sa kanya ay ang Heart of the Goddess na matatagpuan lamang sa pinakamalalim na bahagi ng Asrael Ocean. Isa itong ruby stone na sobrang makinang at sobrang laki pa nito.
Ang ruby na yoon ay may blessing ng goddess kaya naman pag ginawa niya yoong jewelry ay baka maging maswerte siya.
Una ay ayaw niya itong tanggapin ngunit dahil makulit si Raymond ay wala na siyang magawa. Ginawa niya itong anklet. Baka kasi pag Nakita ng iba ay imbis na maging maswerte siya ay nakawan pa si Zara.
Hindi niya napansin na nakalipas na pala ang ilang taon.
9 years later...
(A/N: Ang bilis, parang kailan lang exam hahah. Meron pa tom so good luck sakin at good luck pa rin sa pagsusulat ko.)
YOU ARE READING
The Two Side Characters
Ficção AdolescenteNabuhay muli si Avah sa katauhan ni Adelaide Leia Zara Esmond, isang side character sa novel na kayang binabasang "Land of Sorcerer". Ang buhay niya ay agad ng nadiktahan. Paano niya kaya mababago ang nasa story line ng novel na nakatakda ng mangyar...