Chapter 16

10 1 0
                                    


Tapos na mag inspect si Adelaide Leia Zara Esmond ng mga booth. Uminat siya at akma ng uuwi pero may pumigil sa kanya. Napakunot ang noo niya. Bakit ba ang daming pumipigil sa kanya!?

"Zara! Samahan mo ko." Nakangiting sabi ni Raymond Santangelo; siya lang naman ang kapartner ng Protagonist ng novel na napasukan niya. Mabilis siyang umiling dito. Ayaw niyang maka encounter si Isabella!

"May importanteng gagawin ako Kuya Ray kaya kailangan ko ng umuwi." Palusot niya ngunit napansin niya na tumaas lang isang kilay nito.

"Anong gagawin mo? Maupo sa Gazebo at uminom ng Earl Grey? O tumakbo ng ilang kilometro?" Medyo may sama ng loob nitong tanong sa kanya. Gustong Umiyak ni Zara pero wala siyang magagawa. Napabuntong hininga siya at tinignan niya si Raymond ng masama.

"Sandali lang Kuya ah!" Sabi niya sabay 'Hmf'.

May mga flowers naman na lumabas sa tabi ni Raymond. I-s-shoo sana ni Zara ang mga iyon pero nahila na siya ni Raymond kung saan. Pagdating nila sa kung saan man siya dinala ni Raymond ay agad naman siyang napangiti dahil dito lang naman ang kanyang paboritong bakery.

"Kuya, gusto ko ng pandesal." Masaya kong sabi. "Bumili ka na rin Kuya ng Butter, tamang-tama hindi pa ako nag-uumagahan!"

Natawa naman si Raymond sa inasta niya. Kani-kanina lang ay ayaw ni Zara na sumama kanya ngunit pagdating nila sa paroroonan nila, agad nagbago ang isip nito.

Bumili si Raymond ng kung ano man ang sinabi ni Zara at bumili na rin siya ng Tsaa para sa kanilang dalawa.

Umupo naman si Zara sa upuan sa labas ng Bakery. Nagpakalumbaba siya at hinintay ang kanyang pandesal (A/N: Yung kinakain.). Parang gusto tuloy niyang magkape ngunit wala namang kape sa mundong ito. San kaya siya makakakita ng Coffee Beans dito. Sa susunod ay tatanungin niya na lang ang kanyang Papa.

Tahimik na hinihintay ni Zara ang kanyang tinapay ng biglang may marinig siyang sigaw. Napatayo siya. 'Ano yon?' tanong niya sa isip.

Agad niyang pinikit ang mga mata ang pinakiramdaman ang paligid. Agad lumawak ang paligid sa isip at agad natagpuan ang isang sasakyan o carriage na puno ng mga... 'May mga tenga na parang beast ang mga nasa loob! At parang mga bata pa ito!'

Agad siyang natauhan. Hindi kaya... beast trafficking ito!? Dumating si Raymond hawak ang pandesal niya pero nakita nito ang seryoso niyang mukha. Sumeryoso din naman ito kaagad.

"Anong nangyayari?" tanong nito.

"Sa kanto nito, bandang kanan ay may isang malaking carriage na nagkakalaman ng mga batang beast people." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay agad siyang tumakbo dahil naramdaman niyang umandar na ang carriage. Sumunod naman kaagad si Raymond sa kanya. Dahil medyo mabilis ang andar ng carriage ay naglagay si Zara ng wind magic sa paa niya para mas lalong mapabilis. Si Raymond naman ay hindi na kailangan dahil mabilis na ito. Ilang kilometro na lang sila ng biglang huminto ang carriage.

"Sino ka!?" Nakita nila Zara na tanong ng nagpapatakbo ng carriage.

'Nice!' Napasigaw naman ni Zara sa isip dahil may oras sila para makahabol. Nang nakaabot na sila ay agad siyang napahinto at nag-froze. 'Shttt!' agad ang salita na unang pumasok sa isip niya dahil ang pumigil lang naman sa carriage ay isang babaeng may blonde na buhok, magandang pangangatawan at may hazel brown na mata.

Tinignan ni Zara ang reaksyon si Raymond at agad naman siyang napangiti dahil kagaya ng nabasa niya ay agad nabighani si Raymond kay Isabella. Kitang kita ni Zara ang hanga sa mga mata ni Raymond. Mukang nasa tamang daan siya ng kwento, ang mali lang ay narito siya. Napamura na lang siya sa isip.

The Two Side CharactersWhere stories live. Discover now