Napangiti si Adelaide Leia Zara Esmond ng makita niyang nakaupo si Redy sa dati nitong upuan. Hindi talaga siya makapaniwala na nandito na uli si Redy.
"Magandang umaga, prinsesa ko." Biglang banat, este biglang bati ni Redy sa kanya. Hindi naman naiwasan ni Zara ang mamula ang muka. Gusto niya ng iuntog ang sarili dahil ang tanda tanda niya na ay umaasta pa rin siyang parang teenager na ngayon lang na in love, which is totoo naman dahil NBSB siya sa Earth noon.
"M-magandang umaga rin..." nahihiya niyang bati dito. Matapos niyang sabihin iyon ay napuno na ng katahimikan ang kanyang chamber dahil hindi naman talaga pasalita si Redy. Agad siyang tumayo at lumapit dito. "Redy, samahan mo akong putahan ang mga batang beast people. Sigurado akong nag-aalala na ang mga iyon sa akin."
Na-g-guilty kasi si Zara dahil bigla na lang siyang hinimatay sa harap ng mga ito. Gusto niya ng makita ang mga ito para hindi na sila mag-alala sa kanya. Tumango naman si Redy at akmang lalabas na sila ng kwarto ng biglang pumasok ang kanyang ama.
Nagulat naman si Danovan Roy dahil kahapon lang ay sobrang putla ng anak, pero ngayon ay parang mas malakas pa ito sa kabayo.
"Zara!" Masaya naman nitong bati kay Zara at agad itong inakap. "Lagi mo na lang akong pinag-aalala."
"Pasensya na po Pa. Mukang nagamit ko po ang lahat ng lakas ko kahapon." Napakamot na lang si Zara sa ulo niya.
Nakita naman ni Danovan si Redy sa tabi ni Zara. Agad siyang nagulat dahil ilang taon din itong hindi nagpakita sa kanila. Inembestigahan nga nila kung sino ang lalaki ngunit walang natagpuan si Danovan na impormasyon tungkol dito, kaya naman isa itong pagkakataon para malaman kung ano ba talaga ang purpose nito sa paglapit kay Zara.
"Maaari ba kitang makausap?" Tanong ni Danovan Roy kay Redy. Tumingin muna si Redy sa kanyang mata at bahagyang tumango. Napakurap naman si Zara at agad naintindihan ang nangyayari. 'Hindi kaya... hindi kaya kikilatisin ni Papa si Redy?' tanong agad niya sa kanyang isip. Bigla siyang nag-alala dahil rude pa naman magsalita si Redy minsan. Pero kahit ganon ay may tiwala siya kay Redy.
Agad namang nagpaalam si Zara dahil gusto niya ng makita ang mga batang beast people. Pumasok naman si Danovan at Redy sa loob ng study room. Naupo si Danovan pero nanatiling nakatayo si Redy. "Ilang taon rin ang lumipas," panimula ni Danovan. "...napakasaya ni Zara noong nasa tabi ka niya, ngunit maaari ko bang itanong kung bakit ka nagbalik muli?"
"May bond na naganap saming dalawa ni Zara." Walang pakundangang sagot ni Redy.
Humihigop si Danovan ng tsaa ngunit agad siyang nasamid sa sinabi ni Redy. "ANO!?" bigla niyang tanong at napatayo.
"May bond..." uulitin sana ni Redy ang sinabi niya pero naunahan siya ni Danovan.
"Imposible! Nangyayari lamang iyon sa mga taong kasal at mahal na mahal ang isa't isa." Hindi makapaniwala si Danovan sa narinig. Wala pa naman kasing nangyayari na ganito, lalo na sa mga ancient document.
"Hindi rin ako makapaniwala pero ganon nga ang nangyari. Noong umalis ako 9 years ago ay parang may pull na sa aming dalawa. Ang akala ko ay pagnanais ko lamang na makita ko si Zara iyon ngunit makaraan ng ilang taon ay napag-alaman ko na bond na pala ito." Mahabang paliwanag ni Redy.
"Kung nalaman mo na pala ito ng ilang taon na ang nakakalipas ay bakit hindi ka bumalik kaagad?" Tanong ni Danovan dahil mas lalo lang titindi ang pag-nanais nilang dalawa na magkita kung napakalayo nila sa isa't isa.
"Kahit gustuhin ko man na bumalik ay hindi maaari dahil may mga bagay ako na kailangang asikasuhin muna bago ako bumalik sa kanya." Paliwanag ni Redy. Hindi man alam ni Danovan kung ano ang kanyang inasikaso pero alam niyang hindi hahayaan ni Redy na masaktan ang anak dahil kung ano ang nararamdaman ng isa ay gayon din ang nasa kabila ng bond.
Hindi man kilala ni Danovan ng lubos si Redy pero nakakaramdam siya na hindi ito pababayaan si Zara. Ngunit may isa pa siyang tanong.
"May isa pa akong tanong at sana ay masagot mo ito." Seryosong tanong niya. "Ikaw ba ang nagbigay ng Ice Wolf Dragon kay Zara?"
Natahimik si Redy at mukang nag-iisip pero agad rin naman itong tumango.
"Bakit?" tanong ni Danovan. Wala naman mapapala si Redy kung tutulungan niya si Zara pero bakit kaya nito ginawa?
Ngumiti lang si Redy. "Dahil siguro may nakita ako sa Vessanna na isang Ama na desperadong magamot ang kanyang anak."
Napabuntong hininga si Danovan at napangiti. "Wag mo sanang pababayaan ang aking anak, dahil may makita lang akong lungkot sa muka niya ay agad kitang ipapabitay."
"Hindi mangyayari iyon." Sabin i Redy at saka biglang nawala na parang bula. Tama nga ang naging hinala ni Danovan at agad namang nakampante dahil nasa mabuting kamay ang kanyang anak, dahil simula pa lang na makita niya si Redy ay alam na niyang malakas itong sorcerer. Hindi niya man alam kung gaano pero nasisiguro niya na mas malakas pa ito sa kanya. Naupo siya at ipinagpatuloy ang naudlot na mga gawain. Ngunit may nakita siyang isang envelope na may seal ng emperor na agad niya namang ipinagtaka. Para saan kaya ang envelope na iyon?
Right Duke Mansion's Backyard.
Napag-alaman ni Zara na nasa backyard daw ang mga bata kaya naman ay agad siyang pumunta doon. Naabutan niya ang mga bata na naglalaro kasama si Evehart.
"Magandang umaga!" masaya niyang bati at nakita niyang nagsitaasan ang mga tainga ng mga bata. 'CUTE!' napasigaw siya sa isip.
"Ate!" Sigaw ng mga ito at nagsilapitan sa kanya. Niyakap siya ng mga ito at naiiyak naman ang iba.
"Oh, bakit kayo umiiyak?" Tanong niya sa mga ito.
"A-akala po naming may masama na pong nangyari sa inyo." Sabi ng isang cute na bata na may rabbit ears. Mukang 3 to 4 years old pa lang ito.
Napangiti naman siya. "Ako pa! Malakas yata ang Ate niyo." Sabi niya ay saka itinaas ang isang braso. Lumiwanag naman ang mga muka nito dahil nakita siyang malakas.
"Maganda umaga po sa inyo, kamahalan." Tumaas ang kilay ni Zara ng marinig ang salitang kamahalan sa bibig ng leader ng mga bata. Nakita niyang naka-bow ito at medyo stiff kaya naman agad niyang pinitik ito ng mahina sa noo. Nagulat naman ito sa ginawa niya at iniangat ang ulo.
"Ayokong tinatawag akong ganon, maari mo akong tawagin Ate Zara." Malumanay niyang sabi.
"A-ate Zara..." sabi nito at medyo napakunot noo dahil mukang alien sa kanya ang salitang iyon.
"Very good!" masaya niyang sabi at hinimas ang ulo nito. Napansin ni Zara na may humila sa kanyang damit at nakita niya ang mata ng mga bata na para bang gusto din nilang magpahimas ng ulo. Masaya naman si Zara dahil napakalambot ng mga ulo nila, lalo na may bonus pang malambot na tainga!
"Ehem..." biglang napansin ni Zara si Zayd na nakataas ang kilay. "Ano po sa tingin niyo ang ginagawa niyo Miss?"
"Ehh... fluffy heaven?" patanong din na sagot ni Zara. Medyo natawa naman si Zara. "Kumain na ba kayong lahat?"
"Opo Ate! Sobrang sarap po ng pagkain niyo dito!" Sabi ng isang cute na bata. Agad na tumawa si Zara. "Mabuti naman dahil palagi ng masarap ang kakainin ninyo."
Speaking of pagkain, hindi pa pala siya kumakain. "Maiwan ko muna kayo mga bata, kakain lang muna ako."
Akmang aalis na sana si Zara ng may biglang yumakap sa likudan niya.
"Nandito na ang pagkain mo." Mahinang sabi ni Redy sa tainga niya.
(A/N: Ang programang ito ay rated SPG...)
YOU ARE READING
The Two Side Characters
Teen FictionNabuhay muli si Avah sa katauhan ni Adelaide Leia Zara Esmond, isang side character sa novel na kayang binabasang "Land of Sorcerer". Ang buhay niya ay agad ng nadiktahan. Paano niya kaya mababago ang nasa story line ng novel na nakatakda ng mangyar...