Nang lumabas si Redy sa isang portal at lumabas naman sa dibdib ni Adelaide Leia Zara Esmond ang kanyang alaga na si Overkill o Kil for short.
"Anong nangyari?" tanong niya kay Kil.
Nag-usap ang dalawa sa kanilang mga isip at ikinwento ni Kil kung ano ang nangyari. Nang matapos si Kil ay agad nilapitan ni Redy si Zara.
"Napakabait mo talaga, prinsesa ko." Nakangiting sabi ni Redy. Iniangat nito ang ulo ni Zara at niyakap. May isang liwanag na lumabas sa dibdib ni Redy at agad na hinigot ng katawan ni Zara. Ilang oras din ang lumipas at agad nagkakulay ang mukha ni Zara.
Nang matapos ay ibinaba ni Redy si Zara at komportableng nakahiga sa higaan nito.
"Kiii?" Huni ni Kil.
Napatingin si Redy dito dahil tinatanong siya ni Kil kung aalis siya. Umiling si Redy ay ngumiti. "Hindi ako aalis hangga't hindi sumasama sakin ang prinsesa ko."
Masaya namang tumalon si Kil at biglang bumalik sa dibdib ni Zara. Ang tanging gagawin na lang ngayon ni Redy ay hintayin magmulat ng mata ang prinsesa niya.
Emperor's Castle.
Kompotableng namamahinga ang mga prinsipe sa isang magarang pagoda habang umiinom ng tssa at tila ba may hinahantday ang mga ito, ng may isang lalaki na inistorbo sila.
"Kamahalan, may balita na po ako tungkol sa kanya." Balita nito at tumaas naman ang tenga ng tatlo. Ang unang nagsalita ay ang 1st Prince na si Alois Ynyr Sinclair.
"Mabuti naman kung ganon!" Nakangiting sabi nito. Simula ng nalaman nila na ito ang sumagip sa mga batang beast people ay napukaw kaagad ang interest nilang tatlong magkakapatid.
"Ano na ang iyong nakalap?" Hindi na makapaghintay na sabi ng 2nd Prince na si Ivey Rye Alcaeus Sinclair na nakapa-dekwatro.
Yumuko naman ang lalaki na siyang nangalap ng impormasyon. "Ang inyo pong hinahanap ay si Adelaide Leia Zara; ang nag-iisang anak ng Right Duke at ang pumanaw na asawa na ito na si Aleah Esmond." Pagbabalita nito.
"Kung ganon ay may pinagmanahan naman pala ang babaeng iyon kaya naman ay napakahusay niya sa Wind Magic." Dire-diretsong komento ni Ivey.
"Baka naman nakakalimutan mo Kuya ang nangyari sa nagmamaneho ng carriage?" Biglang paalala naman ng 3rd Prince dito na si Worcester Haydn Sinclair. "Paniguradong siya ang may kagagawan non dahil magaling siya sa wind magic at lalo na siguro sa water magic kaya siya nakagawa ng Ice Magic."
Napangiti naman si Alois dahil sa talino ng kanyang kapatid na si Worcester. "Hindi Ice Magic ang ginagamit ng Left Duke. At ang isa pang babaeng tumulong sa kanila ay Light Magic naman ang gamit, kaya wala ng iba pang gagawa non kundi si Zara lamang." Sabi ni Alois kay Ivey para maintindihan pa nito.
"Hmf! Hindi pa rin ako naniniwala hangga't hindi ko nakikita." Diin na sabi nito. Napabuntong hininga na lang si Alois dahil mas may isip pa ang pangatlo niyang kapatid.
"May isa pa po akong balita." Sabi ng lalaki na kanina pa silang pinag-mamasdam magkakapatid. Wala namang emosyon ang lalaki na ibinalita ang susunod niyang natuklasan. "Ayon sa mga maid ng Right Duke Mansion ay may balak kumuha ng entrance exam si Adelaide Leia Zara Esmond sa Valerian University."
Biglang nagbago ang muka ng Ivey pero napalitan rin ito kaagad ng mapaghamon na tingin. "Hmf! Mukang makikita ko kung magaling nga ba talaga iyang babae na iyan."
Napangiti naman ang Worcester dahil doon niya din balak kumuha ng exam. Mukang kailangan niyang pagbutihan upang makuha ang atensyon ng binibini.
Disappointed naman ang muka ni Alois dahil noong nakaraang taon lang siya nakatapos sa Valerian Academy. Hindi na niya naabutan si Zara. Pero hindi siya nawalan ng pag-asa dahil baka isa sa mga party ng mga noble ay baka makita niya ito.
May kanya kanyang mga iniisip ang tatlong prinsipe at hindi na nila namalayan na umalis na pala ang lalaki sa pagoda at agad na nagpunta sa Chamber ng Emperor.
Ngumiti ito sa lalaki at sabing, "Ano na ang mga pinagkakaabalahan ng aking mga anak?" Tanong nito sa lalaki.
Wala pa ring emosyon na tumango ang lalaki at sinabi sa Emperor ang mga pinagawa sa kanya ng tatlong prinsipe.
Mas lalo namang napangiti ang Emperor dahil inaasahan na niya ito. Noong una niya palang nakita si Zara, pakiramdam niya ay magiging mas malapit sila nito ngunit hindi niya inakala na ang mga prinsipe ang mauunang gumalaw sa kanila.
"Kahit sino man sa tatlo ang maging kabiyak ni Zara ay wala akong tutol. Paniguradong matutuwa din si Aleah pag nalaman niya ito." Sabi nito sabay higa sa higaan upang matulog.
Agad namang umalis ang lalaki at bumalik na sa dati nitong anyo at biglang nawala sa kadiliman.
Right Duke Mansion.
Pakiramdan ni Zara ay nasa ulap siya. Napakakomportable at walang umiistorbo sa kanya. Pinanalangin niya na sa sana ay hindi na siya magising pero hindi pwede. Kailangan niyang malaman kung ano na ang mga nangyari sa mga batang beast people na nasagip niya. Alam ni Zara na hindi papabayaan ng kanyang papa ang mga ito ngunit kailangan makita ng mismo niyang mga mata.
Pinilit niyang idilat ang mga mata ngunit wala parin kwenta. Hindi pa rin magising. Pinakiramdaman niya ang sarili niyang magic power at oonti lamang ito. Paisip niya na lang na siguro ay kailangan niyang magpahinga upang makarecover ng mabilis.
Handa na sanang mag circulate si Zara sa loob ng isip ng biglang may dumaloy na sobrang daming magic power sa kanya. Hindi siya makapaniwala dahil sandalian lang napuno ang naubos niyang magic power. Hindi niya alam kung anong nangyayari sa labas, kung may tumulong ba sa kanya o wala. Hindi kaya mabilis lang talaga siya magrecover? Genius ba siya? Hindi iyon maaari dahil si Redy ang mas...
"...prinsesa ko..."
Biglang may narinig si Zara na boses. Bigla namang tumalon ang puso niya dahil sigurado siyang boses iyon ni... Redy! Alam na alam niya ang boses nito dahil ni minsan ay hindi niya ito nakalimutan. Kahit sa panaginip ay palagi niya itong tinatawag o ito naman ang tumatawag sa kanya ng 'Blackie'.
Hindi kaya... nasa tabi niya lang si Redy ngayon? Agad siyang napatayo sa panaginip niya at pumikit. "Please, please, dumilat ka na... nanjan na siya... kailangan mo ng dumilat!" sigaw niya at...
"Zara?"
Pagkamulat ng mata ni Zara ay yoon kaagad ang narinig niya. Tama nga siya. Nasa tabi niya ngayon ang lalaking umiwan sa kanya ng ilang taon. Nasa tabi niya ang lalaking may mahabang pulang buhok at may puting mata na ngayon ay nakatitig sa kanya.
Umupo siya at akmang tatayo sana pero pinigilan siya ni Redy. Tinignan niya ito ng masama pero hindi siya pinansin nito.
"B-bakit ngayon ka lang?" Hindi naitago ni Zara ang sama ng loob niya kay Redy. Hindi naman ito sumagot sa kanya kaya lumabas na ang galit niya dito.
"Bakit ka pa nagpakita!?" Sigaw niya dito at hindi napansin ni Zara na tumutulo na pala ang luha niya. "Iniwan mo ako tapos hindi ka man lang nagpaalam!"
"Pasensy..."
"Ayoko! Hindi ko matatanggap pasensya mo!" Pinutol ni Zara ang sasabihin ni Redy. "Hindi mo ba alam na kahit anong gawin kong kalimot sayo hindi ko magawa!? Anong ginawa mo sakin! Hinding hindi kita mapapatawad."
"Kung ganon ay huwag mo akong patawarin." Sabi nito.
"Hindi nga sinabi kita papata-..." Biglang napahinto si Zara dahil parang mali yata ang narinig niya. "...ha?"
"Ang sabi ko wag mo akong patawarin." Ulit nito.
Napanganga si Zara.
YOU ARE READING
The Two Side Characters
Roman pour AdolescentsNabuhay muli si Avah sa katauhan ni Adelaide Leia Zara Esmond, isang side character sa novel na kayang binabasang "Land of Sorcerer". Ang buhay niya ay agad ng nadiktahan. Paano niya kaya mababago ang nasa story line ng novel na nakatakda ng mangyar...