"Masama ba?" tanong naman ni Adelaide Leia Zara Esmond kay Evehart Thane.
Umiling naman ito. "Hindi lang po kasi ako makapaniwala na may mag-t-trato samin ng ganyan. Karamihan po kasi saming mga beast people ay namamatay ng mga may hirap at galit sa kanilang nga mga mata. Pero nandito po kami ngayon at naglilingkod sa tao. Pero parang iba po kayo ni Master Danovan."
Nakita ni Zara na ngumiti ito ang biglang lumabas ang dalawang wolf ear nito. Medyo naglaway si Zara dahil gusto niyang mahawakan ito.
"Maaari ko bang mahawakan ang iyong tainga?" tanong ni Zara na may expectation sa mga mata niya. Medyo nag blush naman si Evehart pero tumango. Lumapit si Zara dito at dahan dahan inilapit niya ang kanyang mga kamay.
Nang mahawakan niya ay parang humawak sin siya ng tainga ng pusa. Gumagalaw galaw ito. Nakita ni Zara na nag-p-purr si Evehart kaya naman hindi niya pinigilan ang sarili at pinisil pisil ito.
Kinilabutan si Evehart pero habang tumatagal ay nasasanay siya. Ilang taon na rin kasi simula ng may humawak sa tainga niya. Ang tanging nakakahawak lamang nito ay ang mga kapwa niya beast people.
"Ehem!" Nagulat ang dalawa dahil nakita nila si Zayd na may hawak na tsaa. "Ano sa tingin niyo ang ginagawa niyo?"
Itinago ni Zara ang dalawang kamay niya sa likod at sabay tawa. Hindi niya pinansin ang nakasimangot na muka nito. 'Opps, mukang nagselos yata si Zayd', isip niya.
Matiwasay naman silang nag tsaa. Nang matapos ay nagpaalam na ang dalawa at bumalik si Zara sa chamber niya para mag meditate. Nagcirculate na din siya ng magic power niya.
Kinaumagahan.
"Miss! May masamang nangyari!"
Napabalikwas si Zara sa higaan at dali dali tumayo. "Bakit? Anong nangyari?" Agad na tanong niya sabay kuha sa simpleng damit at isunuot iyon.
Pagkarating nilang dalawa ni Melissa sa isang booth ay naroon sina Zayd at Evehart. Nakita ni Zara na basang basa si Evehart.
"Anong nangyayari dito?" Kalmadaong tanong niya. Wala pa kasi ang papa niya dahil may inasikaso silang dalawa ni Raymond Santangelo; ang Left Duke. Ang tanging naiwan lang dito ay siya.
Kumuha siya ng panyo at akmang ibibigay sana kay Evehart iyon ng biglang ay humawak sa kamay niya.
Masama siyang tumingin dito. "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" tanong niya.
"Kung ako sayo, Binibini ay hindi ko gagawin yan." Sabi ng lalaki na pumigil sa kanya. Tinignan muna ni Zara ang lalaki mula ulo hanggang paa. 'Mukang may kaya yata tong mokong na to ah', isip niya.
"At bakit?" Paghahamon na tanong niya. Akma na sanang lalapit si Zayd pero pinigilan niya. Mukang hindi yata kilala ng lalaki kung sino si Zara.
"Isa silang beast people." Malakas ang boses nito at halos lahat ng dumadaan ay panatingin sa kanila. "Baka kung ano ang gawin nila sayo magandang binibini. Hindi mo ba alam na karamihan sa kanila ay alipin na pinapatay dahil sinasaktan nila ang kanilang amo mismo?"
Tatawa tawang sabi nito. Magsasalita sana si Zara pero naunahan siya nito. "At isa pa, dapat lang sa kanila ay pinapatay talaga. Kagaya ng alaga ko, kinagat ba naman ako kaya ayon pinahirapan ko silang dalawa ng ina niya. Sa kasamaang palad ay hindi niya kinaya ang parusa ko kaya naman parehas silang namatay. Masarap pa naman magbigay ng serbisyo ang kanyang ina sa ka..."
Hindi na naituloy ng lalaki ang sasabihin dahil may kamay na pumiga sa leeg niya. Nagulat ang lalaki dahil sa tanang buhay niya ay wala pa kahit sino ang namahiya sa kanya ng ganito. Lalo na at babae pa! Pagalit niyang tatanggalin sana ang kamay ni Zara pero hindi matanggal ng lalaki. Doon na siya nakaramdam ng takot. Napatingin siya sa lila na mata ni Zara at agad siyang kinilabutan. Sa pamamagitan ng aura ni Zara ay bumigat lahat ng pakiramdam niya.
"Ano uli ang sinasabi mo?" Malamig na tanong ni Zara sa lalaki. Kinilabutan na naman ang lalaki pero hindi niya hahayaang ganituhin na lamang siya ng isang hamak na babae.
"Hah! P-pinahirapan ko sila kasi..." hindi naituloy ng lalaki ang sasabihin ng itumba siya ni Zara sa isang lamesa na kaagad naman nasira habang sakal sakal pa rin siya.
"Ano yon?" Mas lalong lumamig ang boses ni Zara. Hindi na rin makapagsalita ang lalaki dahil sa diniinan niya ang pakakasakal dito. "Hindi ko narinig."
Gusto ng humingi ng tawad ng lalaki pero hindi siya makapagsalita at lalong nagsisimula na rin na hindi siya makahinga.
Natawa si Zara sa reaksyon ng lalaki. "Ganyan ba ang mga muka ng mga alaga mo habang pinaparusahan mo sila? Hmm... mukang masaya nga sa pakiramdam."
Nanginginig na ang lalaki at malapit na siyang maihi sa takot. Nang maramdaman naman ito ni Zara ay agad niya itong binitiwan. Umubo ang lalaki at pagalit na sumugod sa kanya. "Ikaw babae ka!"
Itinaas ni Zara ang kamay at humawi sa ere. May hangin na lumabas dito at natamaan ang lalaki. Tumumpit ito sa guard na kasama nila Zara.
Humarap naman si Zara sa mga taong nanonood. "Kung iniisip ninyo na mababa ang tingin ko sa mga beast people ay nagkakamali kayong lahat. Itinatrato ko sila kung paano ko kayo itrato. Huwag ninyong hayaang mawala ang tiwala ko sa inyong lahat. Spring Festival ngayon at ang gusto ko lahat ay magsaya. Tao man o beast people, walang naiiba! Kung may mabalitaan ako na may nangyari uling ganito ay aking paparuhas. Hindi ko mapagtitiisan na manglait kayo dahil sa ibaba lamang ang kanilang kaanyuan, hindi ganyan kakitid ang inyong mga utak. Iparating niyo ito sa lahat. Pasensya na rin sa kaganapan na ito."
Nagkatinginan ni Zayd at Evehart at biglang ngumiti.
Tumingin si Zara sa guard na nakasalo sa walang malay na lalaki. "Ikulong siya muna sa Right Duke Dungeon. Pagdating ni papa ay siya na ang bahalang humatol sa kung ano mang parusa ang kakaharapin niya."
Nilapitan ni Zara sina Zayd at Evehart. Nawala na ang lamig sa mga mata niya at napalitan iyon ng dating masayahing mata nito. "Okay lang ba kayo?" Tanong niya.
"Kung inutos niyo po na pugutan ko po siya ng ulo ay masaya ko po iyong tutuparin." Seryosong sagot ni Zayd habang nakapikit.
Napa-iling naman sina Zara at Evehart. Ngayon lang napansin ni Zara na masyado palang open si Evehart. Maintindihin rin ito. Hinimas ni Zara ang ulo ni Evehart na medyo basa ng tubig na ibinuhos sa kanya kanina ng lalaki. "Napakabuti mo, Evehart."
Nagulat ito ng bahagya pero masaya itong nag-purr sa kanya at inilabas ang dalawang tainga.
Umalis na sila at naghanap ng ibang booth na maaaring mapagkasiyahan.
Right Duke Mansion.
"Pa." Bati ni Zara sa ama at hinalikan ito sa pisngi. "Anong nangyari pa sa lalaking naggulo kanina?"
"Dahil sa hindi ito taga-Archbord ay hindi namin siya nagalaw. Kaya naman ay ang ginawa ko na lang ay hindi na siya muling makakatapak muli dito sa Archbord." Paliwanag ng papa niya.
"Kung alam ko lang Pa na hindi niyo siya mabubugbog ay dapat pala ay pinahirapan ko na siya ng sobra habang nasa booth kami." Nanghihinayang na sabi ni Zara. "Sana lang ay wala ng mangyari pang ganito sa mga susunod na araw. Nasisira ang kasayahan ng Archbord Spring Festival."
"Hindi talaga iyan maiiwasan Zara, pero sana nga." Ipinagpatuloy ni Danovan ang pagsusulat sa papel.
Lumabas si Zara ang kasalukuyang papunta sa kanyang chamber. "Bukas ang ikatlong araw. Bukas darating na si Isabella. Ngunit mga bandang tanghali pa iyon. Lalabas muna ako ng umaga para pangasiwaan ang mga booth sandali at kapag katanghalian na ay maglalagi na lang ako sa Right Duke Mansion.
Yaan sana ang plano ni Zara... pero....
YOU ARE READING
The Two Side Characters
أدب المراهقينNabuhay muli si Avah sa katauhan ni Adelaide Leia Zara Esmond, isang side character sa novel na kayang binabasang "Land of Sorcerer". Ang buhay niya ay agad ng nadiktahan. Paano niya kaya mababago ang nasa story line ng novel na nakatakda ng mangyar...